NAGLAKAD-LAKAD muna si Mary at Duke sa hilera ng mga bookshelves habang naghihintay sa mga magulang nila. At sa ilang buwan nilang pagkakakila ngayon lang nalaman ni Mary na taga-rito pala ito sa main city, malapit sa pinapasukanh eskwelahan ang— DAC o De Asis College. Ang pinaka-kilalang paaralan sa lugar nila. "Paano kayo napunta sa Trinity noong gabing tinulungan niyo kami ni Kate?" Nagtatakang tanong niya. "We visit a Tattoo shop near your school. Nilakad lang namin dahil medyo nasa loob yung pwesto. Pagdaan namin sa eskinita, may narinig kaming parang pinag-ti-trip-an. Then we saw the two of you, scared." Nang maalala ang mga mukhang goons na taga-santa, kinilabutan si Mary. Paano pala kung hindi napadaan ang dalawa roon? Malamang ay ginawan na sila ng masama ng mga 'yon. "Anywa

