Kumurap si Mary. Patuloy pa rin ang naririnig niyang mga katok sa labas ng pintuan. Hindi na lang ata siya nanaginip ng gising. May kumakatok talaga. Gumalaw siya at bumangon sa kama. Hindi nagtagal narinig niya ang baritonong boses ni Duke mula sa labas. "Mary." Napapitlag si Mary at napatitig lang sa nakasaradong pintuan. Iniisip niya kung bubuksan ba ang pinto o hahayaan na lang na isipin nitong tulog na siya. Subalit hindi pa man niya nagagawang magdesisyon nang muli itong magsalita. "I know you're still awake. Hindi ka nakakatulog nang nakabukas ang ilaw." He still remember that, huh? Ano bang ini-expect niya? Halos kalahati ng buhay ni Mary ay parte niyon si Duke. He did know every little thing about her. Just like she knows every detailed about him. Napipilitang bumaba s

