"Y- You came..." nanghihinang inilapat nito ang kamay sa kaniyang pisngi. “Mom…” Nangingilid ang luhang ginagap naman ‘yon ni Mary. "May masakit ba sa 'yo? Tatawag ako ng doctor." Pinigilan ng mommy niya ang aktong pagpindot ni Mary sa button saka marahang sunod-sunod ang naging pag-iling habang pilit na winawasiwas ang kamay. "I-I’m fine…” anitong tumitig sa mga mata niya. “Bakit ngayon mo lang ako dinalaw?” Nakagat ni Mary ang ibabang labi nang marinig ang hinampo sa tono ng boses nito. “Sorry, Mom…” “It’s fine. Ang mahalaga nandito ka na…” Pinilit niyang ngumiti. “Magpalakas ka, mom.” “I know.” Sumilay ang ngiti sa labi nito na mayamaya ay unti-unti ring naglaho. Bumigat ang pakiramdam ni Mary nang makita lungkot sa mga mata nito. Alam na niya ang susunod na mangyayari kaya

