HINDI pa sana magagawang matauhan ni Mary kung hindi siya inakbayan ng mommy niya. Kumurap siya nang maramdaman ang bahagyang pagpisil nito sa kaniyang braso. Confused and pain written all over her face, she looked up to her mom. Subalit nakabaling ito sa mag-ama bakas ang pag-aalangan sa mukha. "Pasensya na kayo," Madeline said apologetically. "It's actually a tiring and stress day for us. Biglaan ang paghahanap namin ng gown plus galing rin sa Mary sa school. Na-overwhelmed lang siguro siya. Wrong timing yata na ngayon ko kayo ipinakilala sa kaniya." Nakagat ni Mary ang ibabang labi. Wala namang kaso sa kaniya kung ipakilala ng mommy niya ang bago karelasyon, tanggap na 'yon ni Mary kahit may kaunting kirot sa kaniyang dibdib na papalitan na nito ang Papa niya. Ang hindi niya inaasah

