What the f**k is she doing here? Dahil sa gulat at lalo na sa takot sa maaring mararamdaman ni Mary, mabilis at malakas na itinulak ni Duke palayo si Patricia dahilan upang mapaatras ang dalaga. Lakas nga ng impact ay kamuntikan itong ma-out of balance. Hindi siya ungentleman, but he couldn’t afford to hurt his wife. Lumingon siya kay Mary at nagpanic si Duke nang makitang unti-unting naglaho ang sigla sa mga mata ng asawa at nawala ang kahit na anong emosyon sa maamo nito mukha. Hindi na niya naisip na maraming tao sa paligid nila. All he wanted is to comfort her. Pumihit si Duke paharap kay Mary. Umangat ang mga kamay niya— subalit bago pa man maikulong ni Duke sa mga palad ang pisngi nito, tumalikod si Mary at walang lingon-lingon na naglakad palapit sa mga magulang nila na nasa ma

