KABANATA 27

2193 Words

NAMILOG ang mga mata ni Mary nang makitang pagkatapos hilahin ni Duke palayo sa kanila ang lalaking naka-shades ay malakas naman nito itong tinulak sa balikat. “Whoa.” Gulat na umawang ang labi ng lalaki. Napaatras pa ito sa lakas ng impact. “Anong problema niyo?” Matalim na tanong ni Duke sabay pumwesto sa harapan nila ni Kate. Hindi naman malaman ni Mary ang gagawin. Kaya nagyakapan na lang sila ni Kate. Bumalik tuloy sa isip niya ang insidente sa eskinita, noong niligtas rin sila ni Duke. Kasalanan niya, bakit sila napunta sa sitwasyon na ‘yon. At ngayon siya na naman ang dahilan bakit mapapaaway pa si Duke. Anong mayroon at lapitin siya ng trouble? Nang makabawi ang lalaki, hindi makapaniwalang sinulyapan nito ang balikat na nasaktan bago bumalik ang tingin kay Duke. Gumuhit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD