CHAPTER 3

755 Words
Nandito ako ngayon sa loob ng room kung saan si itay ,mag-iisang linggo na ang nakalipas simula nong mabugbog ito ,ang sabi ni doc pwede na daw kami makauwi bukas kaso nga lang iniisip ko kung kakasya ba ang ipon ko at perang ibinigay sa akin ni aleng ruby sa bill na babayaran ko , kinakailangan ko na sigurong maghanap ng mapagkikitaan o di kaya trabaho kahit ano ,sobrang hina kasi ngayon ng benta sa palengke dahil nagmahal ang mga pamilihan kaya wala masyadong bumibili ,iilang suki lang namin ang dumadayo saamin para bumili. "Yay pwede na po tayo umuwi".ngiti kong wika habang inaayos ang mga gamit na ginamit ni itay sa loob ng isang linggo "Anak so...sorry ah".utal nitong tugon "Ano kaba itay okay lang po iyon ,ang importante ngayon ay gumaling ka".wika ko habang inaalalayan ko siyang makatayo. Bumukas ang pinto at inililuwa si aleng ruby"Tama ang anak mo genesis ,kaya't bumangon kana dyan".wika nito at tinulungan akong alalayan si itay. "Oh ikaw pala ruby , naikwento saakin ng anak ko ang pagtulong mo sakin kaya sobrang nagpapasalamat ako sayo".wika ni itay habang inaalalayan namin lumabas ng kwarto. "Anu kaba Genesis!Okay na okay lang nuh basta para sayo...sainyo".tugon nito habang patuloy kaming lumalabas sa hospital ay wala nang nagsalita pa. "Jade maiwan na kita dito sa palengke ,ikaw na ang bahala ah...babalik rin ako dito para tulungan ka maghahanap lang ako ng mapapasukan dito sa lugar natin".ngiti kong wika sa anak ni aleng ruby na si jade.Si Jade ay anak ni aleng ruby sa unang asawa niya ,18 years old na ito napag-usapan kasi namin ni aleng ruby na siya na lang muna ang magbabantay at mag-aalaga kay itay sobrang nahihiya man ako pero pumayag na lamang ako para daw makapag-hanap ako ng trabaho na malaki ang sahod dahil kinakailangan kong mapatherapy si itay sa lalong madaling panahon kaya inatasan ko muna si jade na siya ang magbantay dito sa palengke bakasyon rin naman nila at buti pumayag ito ,pinangakuan ko kasi ito na kapag makahap ako ng trabaho ay bibilhan ko siya ng mga colouring materials na hilig kasi nito ang mga drawing ng mga anime. "Sige po ate Isla ,ingat po".tugon nito at nginitian ko lamang ito. Kasalukuyan akong nasa harap ng gate ng Village of Harper , ngayon lang ako ulit nakapunta dito pero nong bata ako ay nadadaanan namin ito lagi ni inay at lagi ko rin nakikita yong batang lalake na laging umiiyak kay manong guard siguro gusto nun lumabas kaso hindi makalabas dahil mahigpit ang mga guard dito. Napahinto ang pag-iisip ko ng biglang bumulaga si manong guard"Oh hija ano ang kailangan mo rito?".wika nito habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa "Hello po naghahanap po kasi ako ng work baka meron pong available dito?".tugon ko habang sinisipa sipa ko ang bato sa talampakan ko "Sorry hija ah...wala pa kasing mga hiring na mga maids ngayon dito sa Harper".mahabang wika nito habang kumakamot sa ulo "Ganun po ba?Sa tingin niyo po kailan magkakaroon?".tugon ko ng biglang huminto ang kotse sa gilid namin ni manong guard at sabay kaming napalingon habang bumababa ang glass window ng kotse ay ang pagkagulat ko ng makita si aleng Vivian sa loob "Isla?".wika nito habang kinukumpirma kung ako nga ba talaga ang binabanggit niya "Po aleng Vivian".mahinang tugon ko habang papalabas ng kotse si aleng Vivian na nakangiti patungo sakin at sabay non ang pag bati sa kaniya ng mga guard"Maganda araw po ma'am Vivian"Sabay sabay na bati ng tatlong guard "Ma'am Vivian?".takhang tanong ko "Halika Isla ,sumama ka sakin".wika nito habang hila hila ako para pumasok sa kotseng itim ,hindi ako makapaniwala na mayaman pala si aleng Vivian Este ma'am Vivian "Bakit naman kaya siya nasa palengke nun?"tanong ko sa aking sarili ng hindi ko namamalayan na papasok kami sa malaking mansion. "Ehem Ma'am Vivian".wika ko at lumingon ito sa akin "Yes hija?".tugon nito habang nakatitig saakin "Ano po ba ang gagawin natin ,bakit niyo po ako sinama hehe".wika ko ng biglang nagsalita ang driver"Ma'am Vivian nandito na po tayo"at pinagbuksan si Ma'am Vivian ng kotse at ganon gulat ko rin ng may mag bukas ng pinto sa akin.Ang sarap sa feeling ,"feeling ko tuloy mayaman at sosyal nako ngayon"wika ko sa aking saril ng biglang hinila ako ni ma'am Vivian "Hija halika na ,huwag kang mahiya".wika nito habang hawak hawak ang pulsuhan ko "sige po".tipid kong tugon dahil sobrang nahihiya talaga ako pati mga maids nakatingin saakin ng malagkita na parang nandidiri kaya nginitian ko na lang sila ng peke
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD