NAGISING si Alfonso sa isang madilim na lugar. Hindi niya alam kung nasaan siya. Nanunuot sa ilong niya ang masangsang na amoy na dala ng tuyong hangin. Kahit saan siya tumingin ay puro itim ang nakikita niya. Walang kahit na anong bahid ng liwanag sa paligid. Maging ang sarili niya ay hindi niya makita. Kahit anong gawin niya ay wala siyang mahagilap. Sobrang tahimik din. Kahit na simpleng paghinga niya ay naririnig niya. “Hello?” Umalingawngaw ang boses niya sa buong paligid. Nagsimula siyang maglakad habang iginagala ang tingin sa paligid. “Hello!” Nilakasan niya ang boses, nagbabakasakaling may makarinig sa kanya. Napamura na lang siya nang wala talaga. Pero kahit na gano’n ay nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa may masipa siya. Kasunod nito ay ang pag-alingawngaw ng tunog ng gu

