BUONG maghapon na nakahiga si Agatha dahil hindi rin naman siya makagalaw nang maayos. Tinipid niya ang pagkaing dala ni Riguel at pinagkasya sa dalawang kainan para hindi na niya ito makita pang muli at baka masaksak na niya talaga ang noo nito ng tinidor. Medyo magaan na ang pakiramdam niya dahil nakapagpahinga na siya. Naroon pa rin ang kirot sa ibabang parte ng katawan niya pero malaya na siyang nakakagalaw nang may paminsan-minsang ngiwi. Tiningnan niya ang oras at alas-singko na, meaning tapos na ang duty ng hinayupak na gobernador kaya naman ay tinawagan na niya ito, “Dalhan mo ako ng pagkain,” bungad niya pagkasagot nito. “Hindi ako nakapagluto ng dinner dahil masakit ang balakang ko, and it’s your fault,” dagdag niya kahit hindi pa man nakakapagsalita ang lalaki. “Alfonso, si Ag

