NALUKOT ang mukha ni Agatha pagkagising na pagkagising niya dahil sinalubong siya ng matinding sakit sa kanyang likod, baywang, at mga binti. Kahit isang simpleng galaw ay nasasaktan siya. "A-Aray..." halinghing niya bago marahang bumangon. Todo ngiwi siya at hindi napigilang mapamura dahil masakit talaga ang kalahating parte ng katawan niya. What she and Alfonso did last night was too extreme, so body and muscle pains are to be expected. Pero hindi niya naman akalain na ganitong level ng sakit ang mararamdaman niya. She can't even move her legs properly without groaning in pain. Napailing na lang siya nang maalala ang ginawa nila kagabi. Labis-labis na pagsisisi ang nararamdaman niya. Inabot niya ang cellphone para tingnan ang oras, pero ang una niyang napansin ay ang text na mula sa gob

