IN THE end, walang nagawa si Agatha kundi ang pumayag na sa kwarto na lang ng lalaki matulog dahil wala talaga itong plano na ipagamit sa kanya ang ibang kwarto. At ang rason nito ay hindi raw nalinis ang guest rooms. Ayaw naman niyang matulog sa maalikabok na kwarto at baka magka-rashes pa siya. Kaya heto siya ngayon, nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa lalaki na inaayos ang kamang hihigaan nila. “Make sure to put something between us,” sambit niya at nang hindi sila magkadikit. Pagkatapos ay napatingin siya sa damit niya dahil nabasa ito kanina nang maghugas siya. “And can I borrow some old clothes from you? Ayokong matulog nang basa ang suot.” Lumingon sa kanya ang lalaki. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago ito marahang tumango. “Okay. It’s in the dra

