Hinintay ni Agatha na sumagot ang gobernador sa sinabi niya, pero lumipas na lang ang ilang segundo ay wala pa rin itong kibo. She decided to wait for a little longer, pero wala pa rin. "Alfonso..." tawag niya sa pangalan nito pero wala siyang nakuhang sagot kaya naman kinuha niya ang cellphone niya at inilawan ang lalaki. Napaawang ang bibig niya dahil hindi siya makapaniwalang tinulugan siya nito. At hindi niya alam kung anong sumanib sa kanya at napatitig siya sa lalaki. At ngayong natitigan niya ito nang malapitan ay doon niya lang napansin ang bakas ng pagod at puyat sa mukha nito. Ngayon lang niya nahalata ang itim na bilog na nakapalibot sa mga mata nito. "Narinig kaya niya ang sinabi ko?" bulong niya sa hangin. Tinitigan niya pa ito nang ilang segundo bago siya nagdesisyon na

