60 - Be the Best Man

2226 Words

“Mukhang pagod ka yata, Agatha?” tanong ni Riguel kay Agatha nang makapasok siya sa kotse. “Magdamag ba kayong nag—” Hindi nito natuloy ang sinasabi nang matalim niya itong tiningnan. “Nag-usap, okay? Nag-usap,” dagdag nito nang alisin niya ang tingin dito. “Ang aga-aga nagsusungit ka.” “Kasi inaasar mo ako,” sagot niya rito bago siya sumilip sa labas para tingnan kung parating na ba si Alfonso. Iniwan niya kasi ito sa kwarto habang naliligo pa ito dahil ayaw na niyang makita pang muli ang hubad nitong katawan. She has seen enough. “Hinihintay mo ba si Alfonso? Miss mo na siya agad?” Binalingan niya si Riguel at masamang tiningnan. “Kapag hindi ka pa tumigil sa kakaasar mo sa akin ay mag-aalmusal ka talaga ng kamao,” sabi niya rito bago siya sumandal sa upuan at pumikit dahil ramdam ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD