HINDI na bago kay Agatha ang mga bagay na ginagawa ng mga mayayaman dahil naranasan na niya ito. Pero ibang-iba ang reaksyon niya nang tumambad sa harapan niya ang isang chopper pagkalabas na pagkalabas nila ng sasakyan. Nasa isang open field sila. Wala siyang ibang makita kundi ang malawak na damuhan at ang nag-iisang chopper sa harapan nila. "We're flying with this baby?" pasigaw niyang tanong para marinig siya ng lalaki. "Magcho-chopper tayo pa-city?" Tumitig lang sa kanya ang lalaki at ngumisi. Pagkatapos ay hinila na siya nito palapit sa sasakyan. Todo hawak naman siya sa buhok niya para masigurong hindi ito magugulo at bubuhaghag. She can't go around the city with a frizzy hair. Mas gugustuhin niya pang magkulong kaysa magliwaliw with a bad hair. Nang makapasok ay agad na pinapwes

