Agatha woke up in the governor's arms. Kaysarap ng tulog niya dahil sa init na dala ng yakap ng gobernador. Medyo ngalay ang balikat niya na siyang inunan ng gobernador, pero ayos lang sa kanya dahil mukhang naging maayos na ang pagtulog nito. It was her first time waking up before him, at laking pasasalamat niya dahil nagkaroon siya ng pagkakataong muling pagmasdan ang payapang mukha ng lalaki. Alfonso looks like a little kid snuggling on her. Maya-maya pa ay gumalaw na ito at marahang nagmulat ng mga mata. Kitang-kita ni Agatha kung paano mabalot ng pagtataka ang kulay kape nitong mga mata bago dahan-dahang lumayo sa kanya. "Why are you hugging me?" tanong nito sa malalim at medyo paos na boses. His lazy voice sounds so hot and sexy. Umagang-umaga pero hindi mapigilin ni Agatha ang ma

