HINDI makapagsalita si Agatha—no, pinipigilan niyang magsalita dahil baka iba ang mamutawi sa kanyang bibig. Sumandal lang siya sa pinto at pilit na nag-isip ng paraan para matakasan ang sitwasyon. Hindi siya pwedeng bumigay na lang dahil sigurado siyang bababa nang husto ang tingin ng gobernador sa kanya. Habang nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ay biglang may tumulak sa pinto, dahilan para sumubsob siya palapit sa lalaki. Dilat na dilat ang mga mata niya nang maramdaman ang pagdampi ng labi niya sa labi nito. Agad niya itong naitulak bago siya napalingon sa kung sinong hinayupak ang nagtulak ng pinto at nakita niya si Riguel na kunot noong nakatingin sa kanila, “Bakit nakaharang kayo sa pinto?” tanong pa nito kaya mas lalong sumidhi ang inis na nararamdaman niya. “Can you knock?!” sa

