KINABUKASAN ay maagang gumising si Agatha para muling maghanda sa pagpunta sa kapitolyo. Kahit na inis na inis pa rin siya sa pagmumukha ng gobernador ay wala siyang magagawa kundi ang harapin ito dahil napakahalaga ng pirma nito hindi lang para sa kompanya nila, kundi para na rin sa kanya. His signature is her ticket to see her long-time fashion idol. Matapos niyang makapagbihis ay agad na siyang lumabas ng hotel para maghanap ng masasakyan. Mamaya na lang siya kakain pagkatapos niyang kausapin at kumbinsihin muli ang gobernador. Alam naman niyang hindi magtatagal ang pag-uusap nila. Pagkarating niya sa tapat ng entrance ng kapitolyo ay huminga siya nang malalim at ngumiti. Tumango siya sa sarili at papasok na sana nang bigla siyang harangin ng guwardiya, “Ma’am, hanggang dito lang po k

