NAPAPIKIT si Agatha nang umihip ang malamig na hangin sa kanyang mukha. Alas otso pa lang nang umaga ay maingay na ang paligid. Mula sa second floor kung nasaan ang apartment unit niya ay tanaw niya ang mga tao na halos maghabulan sa pagmamadali. Maya-maya lang ay makikisali na siya sa mga ito. Huminga siya nang malalim bago tumingin sa kalangitan. Malinaw at bughaw na bughaw ang kalangitan. “What a nice day,” bulalas niya bago isinuot ang sunglasses at sumbrero. Kinuha na rin niya ang sketchpad niya kung saan nakalagay ang lahat ng mga design na naisip niya. It’s been six months since she left the country, at masasabi niyang kahit papaano ay um-okay ang na ang pakiramdam niya. She couldn’t even imagine that it’s been six months since she left; six months of trying to get over with the

