AGATHA has been distracted ever since she came back from the stage. Nangangati ang mga paa niyang pumunta sa mga audience para tingnan at kumpirmahin ang nakita. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Namamawis ang mga kamay niya at kaylakas ng tibòk ng dibdib niya. “Girl, you okay?” tanong sa kanya ni Yva na tila napansin ang pagkabalisa niya. “Kanina ka pa mukhang wala sa sarili mo,” dagdag pa nito. “I saw him,” diretso niyang sabi. “I saw Alfonso. He’s here.” Titig na titig siya sa kaibigan dahil naghihintay siya ng sasabihin nito. “What should I do?” Ngumiti lang sa kanya si Yva bago tumango. “Ano bang gusto mong gawin?” tanong nito sa kanya. “I know by now you already have something in your mind. Go and do what you want.” “Support lang kami sa ‘yo, Aggie,” segunda naman

