“Wow, sinulit mo talaga ang isang linggo, ‘no, Alfonso? Ni hindi mo nga sinasagot ang mga text at tawag ko!” Iyon ang mga salitang bumungad kay Alfonso nang makauwi siya mula sa hacienda. Kakalabas pa lang niya ng kotse niya at sinalubong na agad siya ni Riguel habang nakakunot ang noo. Nakapameywang pa ito habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa kanya. Napangiwi siya dahil ang sakit sa tainga ng boses ng lalaki. Kulang pa siya sa tulog at pagod ang katawan niya dahil ang dami niyang ginawa habang nililibot ang buong hacienda, kaya gano'n na lang siya kabilis mairita. Hindi nga siya kumuha ng babaeng empleyado dahil ayaw niya sa maingay, tapos heto ang kaibigan niya. “What are you, my girlfriend?” kunot-noong tugon niya rito bago ito nilagpasan. “You know exactly what I’m ta

