PANSIN ni Agatha ang pananahimik ni Alfonso kanina pa. Gusto niya sanang tanungin ang lalaki pero malakas ang pakiramdam niya na magagalit ito sa kanya kaya minabuti na lang niyang manahimik. Nasa sala na silang dalawa at nanonood ang telebisyon habang hinihintay na tawagin sila ni Nana Rosita para kumain ng hapunan. Ilang sandali pa nga ay lumapit na ang matanda sa kanila. "Luto na ang pagkain. Halina kayo at nang makakain na," sambit nito bago ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Alam kong napagod kayo sa pamamasyal n'yo sa hacienda." "Kaya nga po," tugon ni Agatha bago tumayo at lumapit sa matanda at ngumiti pabalik. "Pero ayos lang po, Nana Rosita, dahil nag-enjoy naman po ako nang sobra." "Mabuti naman kung gano'n, hija," tugon nito bago nilingon si Alfonso. "Hijo, tumayo ka na riyan at

