“WE’RE here.” Napatingin si Agatha sa unahan nang marinig ang sinabi ng lalaki. At hindi niya napigilan ang pag-awang ng bibig niya dahil sa pagkamangha nang makita ang malaking itim na gate na unti-unting bumubukas matapos niyang bumusina. “We’re still a few minutes away from the mansion,” sabi nito bago pinaandar ang sasakyan papasok. Nakita niya ang pagsaludo ng guwardiya kay Alfonso bago nila ito malapagpasan. Sa harapan naman nila ay ang mahabang daan na siyang magdadala sa kanila sa sinasabi nitong mansyon. “On our way, makikita mo ang vineyard, tubohan, at manggahan,” dagdag nito kaya napatingin na siya rito. His words just got her interest. Hindi niya lubos akalain na literal pala na hacienda ang pupuntahan nila. Akala niya ay bahay lang. “You have grapes here?” tanong niya at

