“Are you crazy?!” Umalingawngaw ang boses ni Agatha sa apat na sulok ng kwartong tutulugan nila. Kakaalis lang ng mga kasambahay na tumulong sa kanila para ihanda ang buong kwarto. Mabuti na lang talaga at mabilis ang mga itong natapos, dahil hindi niya alam kung mapipigilan pa ba niya ang sariling sigawan ang lalaki dahil sa sinabi nito. “Anong girlfriend pinagsasasabi mo? Are you out of your mind?” Nanlilisik ang mga mata niya at kulang na lang ay sabunutan niya ang lalaki. “Para sabihin ko sa ‘yo, we are still dating. This. is. just. our. first. date,” mariin niyang dagdag bago nasapo ang ulo dahil lalagnatin yata siya sa sinabi nito. She can still hear the squeals of those maids and how they celebrated the news. “I said what I said,” paninindigan nito at nagkibit-balikat. “You sho

