ALAS diyes na ng gabi nang matapos ang salo-salong inihanda ng mga trabahante ng hacienda. Nauna nang umalis ang iba dahil maaga pa raw ang mga ito kinabukasan para maghanda sa pamimitas ng ubas. Harvest day kasi kinabukasan, saktong-sakto sa pagbisita nila Agatha. Kaya naman hindi mapigilan ng babae ang masabik lalo na’t hindi pa niya nakikita kung paano i-harvest ang mga ubas. “Tara na, Alfonso, matulog na rin tayo,” aya niya sa lalaki na mukhang wala pang balak matulog. Kausap pa nito ang ilan sa mga empleyado niya. “Kailangan nating gumising nang maaga bukas at nang makasabay tayo sa pag-harvest ng grapes,” dagdag niya at nilapitan na ito. “May pinag-uusapan pa kami, Agatha. Mauna ka na lang sa kwarto,” sambit nito. “Susunod na lang ako.” “Okay,” sagot niya bago mabilis na tumaliko

