65 - Moments

2119 Words

“Bakit mo pala kami hinahanap, Rigor?” tanong ni Alfonso sa trabahante nito. Tahimik lang na nakikinig si Agatha sa kanila dahil naiinis at nahihiya siya at the same time. Naiinis siya kay Alfonso sa biglaang pag-iwan nito sa kanya, habang nahihiya naman siya kay Rigor dahil sa naabutan nito kanina. Sigurado siyang nakita nito kung paano sila kamuntik nang maghalikan ng amo nito o baka nga iniisip na nito na naghahalikan talaga sila at naistorbo niya lang. “S-Sorry sa abala, sir, nautusan lang ako nila Carlos na hanapin kayo at kakain na raw ho ng tanghalian,” sagot nito. “Pasensya na po talaga at naabala ko kayo.” Nakagat ni Agatha ang labi at napamura na lang sa hangin dahil mukhang ‘yon nga ang iniisip nito. At dahil ayaw niyang magmukhang bastos o ‘di kaya’y isipin ng lalaki na nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD