“Are you done?” Lumingon si Agatha sa may pintuan ng kwarto nang muling sumilip ang gobernador na nakasuot ng maong na pantalon at pinarisan ng checkered polo shirt na pinailaliman ng puting sando. May suot din itong sumbrero kaya mukha na itong literal na cowboy lalo pa’t nakabota rin ito. Pangatlong beses na itong sumilip para tingnan kung tapos na ba siyang magbihis. Nasa mansyon na sila at kasalukuyang naghahanda para bisitahin ang taniman ng kape. “I’m having a hard time putting these boots,” reklamo niya sa lalaki habang sinusuot ang gomang bota. “Bakit kasi walang zipper?” “Agatha, that’s not for fashion, for god’s sake!” tugon ng lalaki at hindi napigilang mapailing. “Ginagamit ‘yan sa farm, hindi sa runway. Come here,” dagdag nito bago lumapit at lumuhod sa harap niya. “Ako na

