51 Kanina ay tahimik pa. Ang bahagyang ingay lang na namamayani ay ang minsan-minsanang nagdadaanang sasakyan at ang mga usap-usapan. Unti-unti kong sinupil ang bawat hikbi sa takot na may makarinig sa akin. Huminga ako ng malalim hindi pa rin sumisilip kung malapit pa rin ba siya o halos ilang dangkal na lang ba ang layo namin sa isa't isa. "She's not here, Villanueva. Lumipat na tayo." Rinig kong sambit ng kasamahan niya kanina. Kumunot ang noo ko sa narinig. Halos kinakabahan ako kanina pero mukhang hindi nila nakita si kuya sa katabing pamilihan. Nakaramdam ba siya ng kakaiba? Ang pagdating ng kapulisan kaya agad siyang nakatago? Did he leave me? "But this is our last stop. Still no good news, not even a sight of her." Baling ni Ethan. "Lumipat na tayo ng ibang bayan kung ayaw

