bc

Obsession for my stepsister (FREE)

book_age18+
7.4K
FOLLOW
45.4K
READ
dark
dominant
mafia
twisted
bxg
heavy
serious
tortured
punishment
addiction
like
intro-logo
Blurb

Homeless series 1: Rose

Ang nais lamang ni Rose ay ang magka-pamilya. Pamilyang magmamahal at tatanggap sa kanya. Dala ng kanyang pangarap, ginawa niya ang makakaya maging karapat-dapat sa pribilehiyong makakamit niya gayong may mga taong ninanais siyang ampunin. Ito na nga ba ang pagkakataon niya sa matagal niya nang inaasam?

Paano kung iba ang plano ng tadhana? Isang desisyong makakapagbago ng kanyang kapalaran at buhay. Ang kinabukasan at pagasa niyang kinakapitan, paano kung pantakip butas lang pala?

"Sa akin ka lang dapat tatakbo Rose...ako lang ang meron ka," - Damian

____

Tags: Stepbrother x Stepsister | PSYCHOLOGICAL

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: 12 Years Ago
1 12 years ago "- Father, thank you for our daily means, we ask that you would guide each and every one of us a fruitful day. May we be blessed in your grace. Amen." "Amen" Sabay-sabay naming tugon ng mga bata sa bahay ampunan. Lumingap na kami mula sa aming pagkakayuko at nakaramdan ng kasiyahan at pagkatakam ng masulyapan ang mga pagkain nasa hapag kainan.  Pawang mga karne at samu't saring putahe ang nakahain. Hindi na rin napigilan ng aking tiyan ang mapaungol sa mabangong amoy hatid nito. Nagaatubili ko ng kinuha ang aking mga kubyertos at sumandok na rin ng porsyon ko ng pagkain. Sa talang ng aking buhay, ngayon ko lamang nasaksihang maghanda ng ganito ka-engrande ang bahay-ampunan.  Madalas ay ang mga panahong ang mga pamilyang bumibisita ang nagpapakain ng mga karne. Pero ngayon lamang ako nakakita ng sobra-sobrang pagkain na animo'y kaya ng mapakain ang isang barangay. Nagtataka na rin siguro ang iba kong mga kaibigan kaya hindi na rin napigilan ni Ysabelle na kasalukuyang katabi ko na magsalita patungkol sa pagkaing nakahanda.  "Rose, sa tingin mo may pamilyang bumisita?" Ani niya na bahagya pang puno ang bibig. Sinenyasan ko muna siyang ngumuya bago magsalita. "Sa tingin ko, oo. Tuwing may mga pamilyang bibisita lang naman nagpapakain ng mga baboy at manok." Sabi ko matapos lunukin ang kinakain. "Pero Rose mukhang napakayaman ng pamilyang ito!" Nasisiyahan niyang sambit. "Gusto ko maranasang maging mayaman! Gusto ko makahawak ng mga magagandang laruan!" Hindi ko mapigilang masiyahan rin sa isiping mayaman ang pamilyang maaaring kumupkop sa amin. Ano nga ba pakiramdam maging mayaman? Ano nga ba pakiramdam makuha ang mga gusto mo? Ano pa man, masaya na rin akong magkaroon ng pamilya, mayaman man o hindi. Parang bonus na rin kung mayaman nga. Narinig ko ang paglapit sa amin ni Mother Elena, kasabayan ang paghawak niya sa aming mga balikat.  "Kayo mga anak. Kumain muna kayo bago magusap. Nakakabastos sa harap ng pagkain." Mahina niyang wika. Bahagya kaming napayuko sa hiya ng kami ay mahuli ni Mother Elena. "Sorry po mother." Sabay naming wika bago ipagpatuloy ang pagkain. Nang matapos kumain ang bawat isa sa amin ay kumalembang na ang hawak na bell ni Mother Elena. Sa kabila ng ingay na namayani, lahat kami naulinigan sa tunog na umalingawngaw. "Mga anak, oras na para ayusin ang hapagkainan. Mamaya ay dumiretso na sa entrance hall."  Nagtulungan kaming lahat sa pag aayos ng mesa. Ang iilang babae sa hugasan samantalang sina Richard at Ford naman ang nagbubuhat ng mga lamesang pinagkainan.  "Sana ako ang kupkupin! Piling ko talaga mayaman ang pamilyang bumisita!" "Rena, ako naman muna. Mas matagal na ako sayo dito." "Hoy di pa nga sigurado kung magkukupkop nga sila!" Napuno ang aming usapan tungkol sa pamilyang maaaring nabisita. Katulad ko ay nagtataka rin sila sa magarbong kainan kanina. Ngunit habang abala ang iba sa paggawa at pakikipagusap, tahimik lamang na nagaasikaso ng gawain si Dianna.  Tinulungan ko na siya nang makitang nahihirapan ito buhatin ang iilang pinggan. Hindi tulad ng iba sa amin na maiingay, pawang tahimik lamang si Dianna nang dumating sa bahay-ampunan. Kaya paminsan nagiging sagabal itong katahimikan niya para siya ay kupkupin ng mga pamilya. Katahimikan lamang ang pumalibot sa amin habang tinutulungan ko siyang hugasan ang mga pinggan. Ilang saglit pa lamang ang lumilipas nang basagin ko na rin ang nakakabinging katahimikan. "Dianna, paminsan kailangan mo rin talagang makihalubilo sa iba. Lalo na sa mga bibisita. Para 'pag nagustuhan ka nila, baka kunin ka nila."  Imbis na sagutin, nginitian niya lamang ako. Si Dianna ang uri ng taong kahit di masalita, alam mo sa sariling napakabait niya. Kaya kahit wala gaanong laman ang aming usapan, nagtuturingan na kaming tunay na magkapatid. Matapos ang aming mga gawain, hinawakan ko na ang kamay ni Dianna at iginawi patungo sa entrance hall. Pare-pareho kaming nag-indian seat sa harapan bago magsibukasan ang ilaw sa enteblado. Karaniwang ganap sa entrance hall ang mga religious at missionary retreat. Paminsan dito rin nagtuturo ang mga madre patungkol sa bibliya at kay Heavenly father. Sa pagkakataong may mga bisita, dito rin sila sinasalubong ng mga bata sa bahay-ampunan. "Mga anak, tayo at magpasalamat sa pamilya De Luca dahil sa kanilang donasyon at pagpapakain sa atin" Runagasa ang palakpakan naming mga bata at natunghayan ang pagpunta sa harap ng dalawang panauhin. Isang babae at lalaking mukhang nasa edad kwarenta pataas ang umakyat sa entablado. Bakas sa kanilang mga mukha ang kagalakan maparito, pero higit sa lahat, ramdam ko na napakabait ng mag-asawang ito. "Salamat po sa pagkain at donasyon" Sabayan naming bigkas, dahilan para mapangisi ang dalawang bisita. Inanyayahan ni Mother Elena ang mag-asawa patungo sa direksyon naming mga bata. Isa-isa kaming nagpakilala sa kanila, ang iba, bahagya pang nagpapatagisan sumagot sa kanilang mga tanong.  Sa pagkakataong iyon, dumating na ang katiwala ni Mother Elena na si Ate Tracy. Si Ate Tracy, sa kasamaang palad, ay isa ring ulila na namalagi sa bahay-ampunan, hindi tulad ng kaniyang mga kasamahan na naampon habang ang iba lumuwas upang magtrabaho, siya naman ay namalagi na lamang upang tumulong kina Mother Elena. Hindi man sila magsalita, alam naming mga bata na naging sagabal sa kanya ang kanyang kapansanan sa hindi pagkuha sa kanya ng mga nais mag-ampon. Laking pasasalamat na lang namin kina Mother Elena at sa iba pang madreng namamahala, na hinayaan na lamang nilang maglingkod dito si Ate Tracy. "Mrs. and Mr. De Luca, pwede ko po kayong igala sa function room" Mungkahi ni Ate kung saan napakunot naman ang noo ng panauhin. "Function room?" Tanong ni Mrs. De Luca.  "Yes po mam, sa function room nakalagay ang mga nagawang sining ng mga bata." "Maganda iyan. Gusto kong makita mga gawa nila." Tugon ni Mrs. Luca habang napatingin sa akin. May dumi ba sa mukha ko? Simula kanina, pansin ko ang panay na pagtingin sa akin ni Mrs. De Luca.  Tumango na lamang si Ate bilang kasagutan at inudyok sila patungong function room. Nang tuluyan na silang maglaho sa aking paningin, dali-dali kong hinarap si Dianna. "Dia, may dumi ba ako sa mukha?" Nagaalburuto kong tanong. Umiling lamang siya at ngumisi.  "Niloloko mo ako Dia! Baka naman meron. Ba't mo ako diyan nginingisian." Bahagya siyang napahalakhak ng mahina. "Parang gusto ka nila." Mahinhin na sambit ni Dianna habang nakangisi pa rin. "Imposible naman Dianna. Kung titignan sa ating dalawa ikaw ang mas cute. Mas ikaw pa gusto nilang kunin. Lalo na 'pag nakita nila gawa mo. Tiyak akong magugustuhan ka nila." Bumalik sa aking alaala ang masining na kamay at talento ni Dianna pagdating sa pagpinta at pagguhit. Kung susumahin ang aking abilidad, masasabing nasa pagitan lang. Napailing ang aking kausap. "Alam ko. Ikaw gusto nila." Giit niya muli, nakangisi pa rin bago ako pilit na hilain papuntang asotea. Hindi na ako umimik pa at nagpaudyok na rin sa mga hila ni Dianna. Bumungad agad sa aking paningin ang aking mga kapwa kasamahan sa bahay-ampunan, ngayon ko lamang napagtantong naririto rin si Ate Tracy. Pero ano ginagawa niya dito? Akala ko ba kasama niya ang bisita?  Kasalukuyang namimitas sila ng bulaklak, napakunot ang aking noo nang mapansin ang pinupuno nilang mga basket.  "Rose, gagawa kami ng souvenir na bulaklaking decoration para sa mga bisita. Gusto mo kami tulungan?" Alok sa amin ni Ate, bagay na aming tinanguhan kaagad. Pumatak na ang ala-sais ng hapon. Sa gitna ng paghabi, tanging tunog na lamang ng mangangawit ng simbahan ang aming naulinagan. Mahinang tumunog ang makinang nabuksan mula sa ibaba ng ikalawang palapag. Halos lahat ng bata ay nagsidungawan, tuluyan naming natanaw ang pagalis ng aming panauhin kaganina lamang. Mukhang naibigay na rin ni Ate Tracy ang dekorasyong ginawa subalit kita kong dala-dala ito ng animo'y gwardiya ng mag-asawa.  Ngunit bago sila lumisan, sa iilang beses, muli akong tinitigan ni Mrs. De Luca. Hindi ko man malinaw na nasisilayan ang kaniyang mukha, alam kong nakangiti ito sa akin. Bagay na pinagtataka ko simula kanina. Bahagya akong nakaramdam ng tapik sa aking balikat dahilan para tuluyan akong mawaglit sa aking pagiisip.  "Bakit Dianna?" Tanong ko ng makitang siya ang gumising sa aking huwisyo. "Tawag ka ni Mother Elena." Mahina niyang sambit.  Tumango na lamang ako. Ano kailangan nila gayong maggagagabi na? Sinuyod ng aking paa ang koridor ng bahay-ampunan. Nahinto na lamang ako sa paglalakad ng masalubong ang pintuan ng kwarto ni Mother Elena. Sa aking pagkaalala, iisang beses lamang ako napunta rito. At iyon ang panahong ipinasok ako ng aking mga tiyahin sa lugar na ito. Kung dati, takot ang aking nararamdaman subalit nababahala ako sa panibagong buhay na sasalubong sa akin. Ngayon, parang kuriosidad lamang ang pumalibot sa akin. Mahina akong kumatok sa pintuan bago pagbuksan ito. "Mother Elena?"  Pansin kong abala si Mother Elena sa pagbabasa ng papeles nang ako'y pumasok subalit kasalukuyan niya pa ring suot ang salamin sa kaniyang mata. Nginitian ako ni Mother habang ginuguyo ako sa direksyon ng upuan. Ano kayang kailangan niya? "Rose. Alam kong matagal ka ng nagaasam magkapamilya." Kinutuban ako sa narinig. "Opo. Pero ano pong ibig sabihin niyo Mother? Ngisi lamang ang naiganti niya. "Gusto ko sanang sabihin sayo na interesado ang pamilya De Luca na kupkupin ka."  "Yung pamilya kanina?" Tumango bilang kasagutan si Mother. Hindi ako nakasagot. Sa halip, tila natigilan ako sa narinig. Tama ba? Tama ba akong ng rinig?  Totoo bang magkakapamilya na ako? Na interesado silang tanggapin ako sa kanilang pamilya? "Rose alam kong matagal mo na itong inaasam. Alam kong may pangamba ka rin sa maaaring trato sayo. Pero masaya ako at mapupunta ka sa mabuting pamilya." Wika ni Mother Elena kasabayan ng pagabot niya sa akin ng isang folder. Pagkabukas, tumambad sa aking paningin ang nilalaman nitong mga dokumento ko, tulad na lamang ng mga birth certificate at baptismal. "M-mother...t-totoo ba ito?" May panginginig kong sambit kung saan tumango lamang si Mother bilang kasagutan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako halos makapaniwala sa mga nadinig. Sinubukan kong kurutin ang sarili pero totoo nga, magkakapamilya na ako. "Matulog ka na ng maaga. Dahil bukas na bukas rin ay kukunin ka na nila." Masyadong mabilis para sa akin ang lahat ng pangyayari. May parte sa akin na tila ayaw pang maging bagong realidad ang kahaharapin. May kaunting pangamba rin ang pumapalibot sa akin. "Mother, kailangan ba talagang agad-agad?" "Kung gusto mo pakiusapan ko muna ang magasawa na bigyan ka muna ng isang araw para makapagpaalam sa mga kaibigan mo." Nais ko pa sanang humirit na gawing tatlong araw na lamang, ngunit sino pa ba ako para magreklamo. Ayaw kong isipin nilang maarte ako, at baka maging dahilan pa ng pagurong nila. Kaya wala man akong opsyon, dali-dali na akong kumaripas patungo sa aming kwarto.  Pansin kong nakatulog na ang aking mga kasamahan nang makabalik sa aming kwarto, pwera sa isa na kasalukuyang nakaupo sa dulo ng kama, si Dianna. Pansin kong abala siya sa kanyang ginagawa, nilapitan ko ang aking kaibigan ngunit mabilis niya ring naitago ang pinagkakaabalahan. "Dianna. Gising ka pa rin?" Napatango-tango lamang siya sa gitna ng dilim. Kalahati lamang ng kaniyang mukha ang naaninag ng buwan, kung kaya't mahirap basahin ang kanyang emosyon. "Aalis ka na ba?" Aniya habang nakatitig sa akin. Nananalaytay sa kanyang boses ang panlulumo dahilan para makaramdam ako ng kurot na pumipisil sa aking puso, hindi na ako nakapagsalita bagama't tumango na lamang.  "Masaya ako para sayo." Dagdag niya muli. Nagtaka ako sa kanyang sinabi. "Hindi ka ba magagalit man lang? Or magtatampo dahil iiwan na kita?" Umiling si Dianna at bumakas sa mukha ang isang ngiti. "Masaya akong may pamilya ka na." Lubos na pagkalungkot ang aking nadarama kung kaya't hindi ko na rin napansin ang pagtutubig ng aking mata. "Dianna I'm sorry na maiiwan kita."  Patuloy ako sa aking paghikbi. Tanging kami na lamang ni Dianna ang gising kaya umalingawngaw sa kwarto ang aking munting paghihinagpis. Parang kapatid ko na talaga si Dianna, at ang hirap isipin na kung ako ay magkakapamilya na, siya namang naririto, araw-araw na umaasang mabuo ang matagal ng pangarap. Hindi nagsalita si Dianna, tulad ng dati niyang gawi. At sa halip ay dahang-dahang lumapit. Habang abala sa aking paghikbi, namalayan ko na lamang ang kaniyang pagyapos na bahagyang nagpakalma sa akin. Ginantihan ko rin siya ng yakap, pilit pa ring winawaglit ang aking mga luha. "Wag ka ng umiyak. Mahalaga ay may bago ka ng mga mamahalin." 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
131.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.7K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
41.0K
bc

The Sex Web

read
136.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.9K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
67.1K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
36.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook