Kabanata 2: Damian

2133 Words
2 Isang araw na ang lumipas at masaya akong nakihalu-bilo sa aking mga kaibigan sa huling pagkakataon. Sadyang sinagad ko na ang aking makakaya at ang mga oras na makakasama ko pa sila dulot ng nalalapit kong pag alis sa puder nina Mother Elena. Sa ngayon, nagsusulat ako ng mga mensahe sa mga papel na hiningi ko kay Mother. Gusto kong bawat isa sa kanila ay makakatanggap sa akin ng liham nang sa gayon ay maipahiwatig ko sa kanilang, hinding hindi ko sila malilimutan. Pakiwari ko'y mamaya-maya, maaari na akong sunduin ng pamilyang De Luca kaya agad-agad ko ring sinusulat ang aking mga saloobin sa munting papel. Matapos magsulat, isinilid ko ang mga liham sa bulsa ng aking magiging maleta. Hindi ko mapigilang malungkot habang pinagmamasdan ito. Dapat maging masaya ako para sa kanila. Dapat magpasalamat ako sa blessing na ito. Pero bakit may sakit na pumapalaot sa puso ko? Tinignan ko ang oras at nakitang ala-una na. Iisang oras na lang darating na ang mag asawa. Imbis mag-aksaya ng oras, minamabuti ko na lamang na ayusin at pagandahin ang sarili.  Alam kong walang pamilya ang nais mag-ampon ng isang batang hindi marunong maglinis o magayos ng sariling katawan. Kung maaari, ginagawa ko ang aking makakaya upang maging presentable sa kanilang harapan.  Napakabilis ng oras lumipas. Napagtanto ko nang narito na sila nang marinig ang mahinang katok ni Mother sa aking pinto. "Rose?" Pambungad ni Mother bago tuluyang pumasok. Dumako ang kaniyang paningin sa maletang nasa sahig at bumakas sa kanyang mukha ang isang ngiti. "Narito na sila Rose. Bumaba ka na." Ito na nga ang aking hinihintay. Ito na ang aking kinabukasan. Tumango na lamang ako bilang tugon at pumanhik pababa habang dala-dala ang maleta. Mula sa itaas ng hagdanan, natanaw ko ang mag-asawang De Luca, gayundin ang mga kapwa kong ulila. Ang aking mga kaibigan. At si Dianna na nakatuon ang titig sa akin. Ang aking kapatid.  Nang makababa, sinalubong ko sila ng yakap. Gayundin ang ginawa nila. Hindi ko mapigilang maluha sa pagkakataong ito. Tunay ngang mamimiss ko ang ang mga presensya nila. "Rose magiingat ka ha" Naiiyak na sambit ni Ysabelle sa akin kasama ang iba ko pang mga kaibigan. "Andaya naman Rose naunahan mo pa ako" Hagulgol naman ni Jena na ngayon ay nakayakap pa rin sa akin. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at tuluyang napahagulgol na rin. Niyakap ko sila ng mahigpit bago kumalas sa kanilang mga bisig. Lumapit ako kay Dianna at siya namang niyakap ko. "Mamimiss kita Dianna" Naiiyak kong sambit ngunit tinignan lamang ako ni Dianna bago unti-unting kinalas ang pagkakayakap ko sa kaniya.  Kinuha niya sa bulsa ng kanyang damit ang isang munting kahon at inilapag sa aking palad. Makahulugan ko siyang tinignan.  "Mamaya mo na buksan pag alis mo. Para surprise." Nakangiti niyang sambit.  Ginantihan ko rin siya ng ngiti. Namalayan ko ng oras na umalis nang dumapo ang kamay ni Mother sa aking balikat.  "Rose aalis na kayo." Bilang sagot, tumango na lamang ako at sinundan sila palabas papunta sa isang itim na sasakyang nakaparada. Hindi ko mapigilan ang kaba sa aking puso ng pumasok na sa kotse. Mula sa loob, tinignan ko muli ang kabuuan ng bahay ampunan at ang mga kumakaway kong kaibigan.  Bumukas bigla ang windshield ng sasakyan. Tinitigan ko ang mag-asawa sa harapan ko, at napansin ang kanilang ekspresyon na tila inuudyok akong magpaalam na sa mga kaibigan ko. Naintindihan ko naman ang nais nila ipahiwatig kaya kinawayan ko na ang mga kaibigan ko sa labas. "Mamimiss ko kayo!" Sigaw ko mula sa loob ng sasakyan.  Kinawayan nila ako pabalik. Sumara na rin ang windshield ng kotse matapos ang aking pamamaalam. Minasdan ko sila mula sa likod at nasaksihan ang tuluyang paglaho ng kanilang pigura sa aking paningin matapos makaalis ng bahay-ampunan. Isang munting luha ang lumandas muli sa aking mga mata. Naninikip na ang aking dibdib habang napahigpit ang aking pagkakayukom sa regalo ni Dianna. Si Dianna. Pinunasan ko na ang aking luha at binuksan ang kanyang regalo. Isang larawan ang tumambad sa aking mata nang makita ito. Isang painting.  Sa painting makikita ang buong pamilya sa bahay ampunan. Lahat kami naka-uniporme at tila lahat gradwado na. Naluha ako nang mapagtantong may magiging kinabukasan na ako. Sa bahay ampunan, wala akong nakikitang kinabukasan para sa aming mga ulila sa pamilya. Kami man ay nakakapagaral magsulat at magbasa, hindi ito magiging sapat para magkaroon ng kabuuang kaalaman sa ilabas na mundo. Mangmang ako sa mga ibang termino ng komunidad kaya minsan natatakot akong makipagsapalaran dito sa oras na walang kukupkop sa akin.  Ang pangambang habang buhay akong hindi malilibot ang mundo, tuluyang napapawi na. Matapos ang matagal na paghihintay at pagaasam. Nakamit ko rin ang nais kong matamo. Una, ang magkapamilya. Pangalawa... at sana ay ang makapag aral.  Hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang marinig ang balitang ito dahil sa wakas mararamdaman ko na rin ang piling na magkaroon ng isang pamilya, gayundin ang nanunuot na lungkot sa aking puso sa isiping tuluyan na akong mawawalay sa mga taong nakasama ko ng iilang taon. Ang aking mga kaibigan. Si Mother. At higit sa lahat ay si Dianna. Sa kabila ng lahat, nais kong ipagbuti ang aking pakikisama sa pamilya De Luca.  Ilang oras na ang lumipas. Paminsan-minsan ay hindi ko namamalayang nakakatulog na ako sa biyahe. Simula kanina, nararamdaman ko ang hilo at ang kagustuhang sumuka. Sinubukan kong pigilan ang sarili masuka ngunit huli na ang lahat, tuluyan na akong naduwal sa aking damit.  "Sorry po! Sorry po!" Naiiyak kong sambit habang salo-salo sa damit ang aking suka. Imbis na magalit ang magasawang De Luca, nginingitian na lamang nila ako at inihinto ang kotse. Nakita kong napatigil kami sa isang fast food restaurant, dito kinuha nila ang aking maleta at inudyok akong makapagpalit ng damit. Hindi ko mapigilang mahiya ng lubusan. First day nila akong makakasama pero napakapalpak ko agad. Sinisisi ko na lang tiyan ko at bakit ba ako tinaraydor ng ganito. Matapos makapagbihis at kumain sa resto, nagpatuloy na muli kami sa biyahe. Pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pagkahiya sa nangyari. "Hindi ka siguro sanay sa biyahe hija. Kaya wag ka ng mahiya." Ngising sambit ni Mr. De Luca habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. "Opo. First time ko lang makasakay sa kotse na may aircon." Nahihiya ko pa ring sambit bagama't sa kanilang pangungumbinsing ayos lang ang nangyaring insidente. Masyado na siguro akong nagiisip patungkol sa mga nangyari dahilan para di ko mapansin ang tuluyang paghinto ng sasakyan kundi ko pa narinig ang kanilang pagtawag sa akin, hindi pa ako tuluyang magigising sa ulirat. Napamasid ako sa labas ng bintana ng sasakyan at halos mapa-nganga sa mangha nang makita ang isang malaking mansyon sa aking harapan. Ito ba ang kanilang bahay? Hindi bahay ang tawag dito. Mansyon na ito.  Bumaba na ang mag-asawa. Nabigla na lamang ako nang may mga katulong ang lumabas sa mansyon at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi na ako nakaangal pa subalit napagbuksan na nila ako.  "Salamat po..." Nakatungo kong wika sa kanila habang tuluyan ng nakalabas.  Kinuha na ng ibang katulong ang aking maleta samantalang ang iba ay bumabati sa mag-asawa.  "Hija, halika na at pumasok na tayo. May ipapakilala ako sayo." Tumango na lamang ako sa sinabi ni Mrs. De Luca at sinundan siya papaloob. At katulad ng aking inakala,  mas magarang at magarbo ang ilooban ng mansyon. Miski ang kanilang malaking chandelier ay nakakaagaw atensyon sa kahit sinong taong papasok sa loob.  Nanuyo ang aking lalamunan sa kasiguraduhang napakayaman ng pamilyang ito. Pero malaki pa rin ang takot ko. Mayaman sila at hindi ko alam paano kikilos sa kanilang pamamahay. Sanay ako sa kilos ng mga mahirap.  "Umupo ka muna hija. At tatawagin ko lang anak ko"  Ani ni Mrs. De Luca, habang pinagmasdan ko siyang pumanhik pataas sa ikalawang palapag. Kung hindi ako nagkakamali ng nadinig. May anak pala ang mag-asawang ito. Kung gayon, bakit pa sila nag ampon? Ang kadalasang dahilan ng mga taong magaampon ay ang walang kakayahang magkaanak, samantalang ang iba namang nagiisa ay naghahanap naman ng magiging katuwang sa buhay, marami pang maaaring rason pero ano kaya ang nagtulak sa kanila para kumuha ng isang ulilang tulad ko? Tumambad sa aking paningin ang nakapanlumong ekspresyon ni Mrs. De Luca. Ano kaya ang nangyari at bakit mukhang hindi naging maayos ang kanilang pag uusap ng kaniyang anak?  "Hija. Pasensya na. Pagod lang siguro si Damian." Damian? Pang-mayamang pangalan nga.  "Ahh okay lang po tita ayoko rin makaabala masyado." "No worries and hija please call me mama na or mommy. Stop calling me tita. Mahirap man sa una, I hope masanay ka rin." Ngumisi ako bagamat nahihirapan akong bansagan siyang 'mommy'.  "Anyway, would you like something to drink?" Aniya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi ako masyado marunong umintindi ng ingles. Limitado lang ang aking kaalaman at tanging Filipino pa lamang ang aking naaaral.  Pansin siguro sa aking mukha ang pagkabagabag kaya't nagsalita muli si Mrs. De Luca. "Ahm...pasensya na hija. Ano gusto mong inumin?" "Kahit wag na po tita." "No...no kahit tubig man lang or juice uminom ka...and again hija you can call me mama in return I'll call you anak. Okay?" Nakangiti muli niyang sambit, napatango na lamang ako bago tuluyang umalis si Mrs. De Luca na sa tingin ko ay kumuha ng maiinom. Nang makaalis si Mrs. De Luca, tsaka lamang ako nakahinga ng malalim. Mahirap sa totoo lang, nahihirapan akong makisama. Akala ko noong una ay madali lamang. Parang nangaaliw lamang ako ng bisita pero ang hirap pala, lalo na't alam mong isa ka lamang dayo sa lugar na ito.  Dahil sa kaba ay namamawis na ang aking palad. Kailangan ko munang kumalma. Hingang malalim uli. May isang malakas na tunog ang umalingawngaw dahilan para mapalingon ako. Nanggaling sa ikalawang palapag ang tunog na naging huni ng instrumento. Hindi ko mapigilan ang sarili nang makarinig ng magandang tunog ng gitara. Naalala ko si Dianna na mahusay tumugtog ng piano at ng mga string instruments.  Kahit papaano ay namimiss ko na ang bahay-ampunan at sila mother na siyang nagturo rin sa amin maggitara at tumugtog.  Hindi ko alam kung tataas ba ako o hindi, may parte sa aking gusto tumaas at may parte rin sa aking natatakot mahuli ni Mrs. De Luca. Ayokong isipin niyang kakarating ko pa lamang sa kanilang pamamahay ay pagala-gala na ako ng walang permiso. Isang beses lang. Silip lang. Pataas na ako ng hagdanan ng makarinig muli ng pagbalibag na tunog.  "f**k this piece of s**t!" Ano daw?  Bahagya lamang ako sumilip. Silip lang. Sa may maliit na siwang ng pintuan kung saan nanggaling ang tunog. Nanlaki ang aking mata nang makita ang sirang gitara na nasa sahig. "What the f**k are you looking at" Napatalon ako sa gulat nang makatagpuan ang aming mata ng isang batang nakaupo sa sahig. Nagdudugo ang kamay.  "N-nagd-dudugo kamay mo," Nanginginig kong sambit habang nakaturo sa kaniyang direksyon. "Shut the f**k up b***h. Why are you even here." Bagama't di ko masyado maintindihan ang wikang ingles. Halata ko ang galit sa kanyang tono at mata. Gusto ko sanang magsorry sa pagiging mausisa ko ngunit muli siyang sumigaw. "I said why the f**k are you here!" Nanginig na ako sa takot ng makitang hawakan niya ang sirang instrumento sa kamay gayundin ang dahan-dahan niyang pagtayo mula sa sahig.  Bahagya na akong napausod patalikod. "Pas-pasensya- p-asensya po," Napasigaw na ako sa takot ng maibato niya ang gitara malapit sa aking paa.  Nasaktan ako kaya't nahihirapan akong pigilin ang aking hikbi. Umaagos na sa aking mata ang luha kaya't nais ko man humingi uli ng tawad ay tuluyan na akong pumanhik pababa ng hagdanan.  Patuloy pa rin ang kabog ng aking dibdib kasabayan ng sumasakit kong paa. Kinakabahan subalit baka magalit si Mrs. De Luca sa aking inakto. Nakarinig muli ako ng yabag mula sa gawi ng hagdanan. Sa pagkakataong iyon nakasalubong ng aking mata ang batang lalaking nasabi.  Matalas niya akong tinitigan. Puno ng galit. Hindi ko man alam ang bigat ng nagawang kasalanan, alam ko sa sariling tunay ko siyang nabagabag.  "Anak bumaba ka rin!" Masayang ngisi ni Mrs. De Luca nang makita ang batang lalaki na kaniya palang anak.  "That b***h, pumunta sa taas!" Isinenyas na lamang ni Mrs. De Luca sa anak na itikom ang bibig. Natakot na ako. "Pa-pasensya na p-po Mrs. De Luca. Masyado po ako naging pakialamera. P-patawad po" Nanginginig kong sambit habang nakatungo ang ulo. Ngumisi na lamang si Mrs. De Luca. "Hija ayos lang magiging parte ka rin naman ng pamilya. Magandang masanay ka na sa pasikot sikot ng mansyon." Tila nagulat ang anak ni Mrs. De Luca sa narinig kung kaya't isang basag na picture frame ang nalaglag mula sa pagkakasabit sa dingding nang suntukin ito ng kaniyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD