Kabanata 12: Pagkakataon

2130 Words
12 "Anak, salamat sa pagtulong but you don't have to do this," Hindi ko pinansin si mama, at nagpatuloy lamang ako sa inaatupag. "Hindi ko maintindihan bakit biglaan ka na lang kung mag-offer ng tulong. Kadalasan nahihiya kang lapitan ako," Ani sa akin ni mama. Matapos masaksihan ang hindi dapat masaksihan ng isang batang tulad ko, tuluyan akong nakaramdam ng emosyon para sa kalagayan ni Mrs. De Luca. Paminsan napapatanong ako sa sarili kung may alam ba siya. Gusto ko mang magsumbong, alam kong hindi pu-pwede. Marami kasing posibleng mangyari. Una ay kung paniniwalaan ba ako, pangalawa, ano ang magiging reaksyon ni Mr. De Luca kapag nalaman niyang nagsumbong ako? Kung si Damian at mismong asawa niya, kayang kaya niya saktan. Paano pa kaya ako? Mapapaisip ka na lang talaga... Kasalukuyan kaming nagliligpit ng mga damit na binili ni mama. Napakaraming bagong damit nga kung tutuusin. Marami akong nadatnan na panlalaking damit, malamang ay para kay Damian. Binigyan din naman ako, subalit masyadong malaki sa akin ang mga iyon kaya ang suhestyon niya, itatago na lamang niya kapag lumaki na ako ng kahit kaunti. "Nalulungkot talaga ako Rose...aalis na si Damian," "Bakit po siya aalis?" "Well, it is his for his own good. Pupunta siya ng boarding school," "Ano ang boarding school mama?" "Kapag ang tao, malaki ang potential, marami g opprtunidad in the future—madalas silang ipadala sa boarding school para mas lalo silang humusay," Napatango ako sa kanya. "Kailan po aalis si kuya Damian?" "Hmm—siguro ngayong taon. Pero mas magandang sa susunod na lang. Mamimiss ko rin ang anak kong si Damian," Halata ko sa boses niya ang lungkot, subalit ayaw ko siyang mas malugmok. Lalo na ngayong dala-dalawa ang kinahaharap niyang problema. Problemang wala pa siyang kaalam-alam. "By the way anak, ilang araw simula ngayon magkakaroon tayo ng banquet. A small formal party lang, to celebrate Damian's big moved and study opportunity," Bahagya akong tumango, nahihirapan himayin ang ingles ni mama. "Kaya maganda sanang ngayon pa lang makapag-paalam ka na. Gusto kong kahit magkalayo kayo, malapit kayo sa isa't isa," "Sige po mama," Wika ko. Bagama't may pag-aalinlangan sa aking parte. "Para makapag-usap kayo, ikaw na magdala neto anak," Inabot niya sa akin ang shopping bag, puno ng aming tinuping damit. Bahagya kong nalaglag nang mapagtantong mabigat-bigat pala ito. "Kaya mo ba?" "Opo mama, dadalhin ko lang sa taas..." Gaya ng aking sinabi, bitbit-bitbit ko ang shopping bag sa aking kamay habang dinala ito sa ikalawang palapag, medyo hinihingal na ako pagtungtong sa taas. Nang makarating sa harap ng kanyang pintuan, bigla akong binalot ng takot. Naalala ko ang huling sabi sa akin ni kuya. Nabanggit niyang ayaw na niya akong makita pa. Pero tulad ng sinabi ni mama, hindi dapat kami malayo sa isa't isa. Lalo na ngayong magkakahiwalay na kami. Matapang kong hinarap ito. Siya lang ang nag-iisa kong kuya. Wala dapat akong ikatakot. Kumatok ako sa kanyang pintuan. Ilang saglit, binuksan ko ito kahit pa wala siyang permiso. Pagpasok, bumungad sa akin si kuya Damian na ngayon ay may nilalarong bola sa kanyang kamay. Nakaupo siya sa riles ng kanyang bintana habang nakadungaw doon. Kahit hindi niya ako sulyapan, malakas ang aking kutob na kilala niya kung sino ang pumasok. "Kuya...mga damit mo. Ito yung pinamili ni mama," Wala siyang naging responde sa akin, sa halip ay nagpatuloy siya sa ginagawa. Nilapag ko na lamang ang hawak kahit wala siyang pinakitang interes. Dulot ng katahimikan, sinuyod ng aking mata ang kabuuan ng kanyang katawan. Hindi tulad ng huli naming pagkikita, tila naibsan na ang mga bakas ng pasa sa kanyang balat. Nagbalik na ito sa dating anyo. "Kuya...aalis ka na daw. Gusto kong magkabati tayo. Ayokong umalis ka ng may sama ka ng loob sa akin," Bahagya akong nabigla ng nahinto siya sa ginagawa. Itinapon niya ang bolang hawak bago tumayo sa pagkakaupo. "Why do you think I would do that?" Kumunot ang aking noo. "—syempre dahil kapatid mo ako," Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Really? What if I don't want you as my sister?" Nahihirapan akong lumunok. "W-wala akong intensyon na agawin sayo sina mama o papa. Ang g-gusto ko lang ay maayos tayo," "Hanggang kailan ka magpapanggap na parang wala kang nalalaman?" Hindi ako makapagsalita sa kanyang pahayag. Medyo nauulinigan ko ang gusto niyang ipahiwatig. "H-hindi naman ako magbubulag-bulagan kuya. Tinitimbang ko lang ang mga desisyon ko..." "And that included being with the neighbor's son?" Mabilis pa sa alas-kwatrong napa-angat tingin ako sa kanya. Ano ang ipagsabihin niya? "Pati ba siya kakapitan mo? Lalapitan mo? Kakausapin mo?" "S-sino ba kuya? Si Ethan?" "Don't f*cking tell me his name!" Napaatras ako ng kaunti. Pinakitid niya ang distansya sa pagitan naming dalawa nang lusungin niya ako at marahas na itulak sa dingding ng kanyang silid. "Masaya ka bang nilalapit-lapitan siya habang wala ako!?" "H-hindi! N-nanghingi lang ako ng gamot sa kanya...para sayo kuya!" "Didn't I tell you to stay away from anyone?" "Kuya! Hindi lang ikaw ang taong papasukin ko sa buhay ko," Nagdilim ang kanyang mata sa aking sinabi. " Rose...sa akin ka lang dedepende...ako lang ang lalaking sasagip sa magulo mong buhay...ako ang aayos at ako ang sisira sayo," "H-hindi kita maintindihan kuya...a-ano ba ang gusto mong gawin ko?" "Simple lang naman. Sa akin lang iikot mundo mo. Gusto kong mabaliw ka gaya ko," Sinampal ko si kuya. Hindi nga siya normal! Hindi ganito ang kilos ng isang bata! Hindi ito tama! Marami na akong nakasalamuha—naging kaibigan sa bahay-ampunan ngunit ni isa, walang katulad sa klase ng pagkatao ni kuya. Masyado siyang mapag-angkin. Ayoko sabihin spoiled siya pero bakit ganon ang nangyayari? Bakit niya ako ginagamit na parang laruan? Hindi ako bagay! Tao ako! At higit sa lahat, isa lang akong bata! Sa mga oras na naiisip ko 'to, mga pagkakataong namumulat ako sa kagawian niya, naiiyak ako para sa aking sarili. "K-kuya! Wag mo akong idamay! Wala akong naging kasalanan sa iyo! Kahit kailan hindi kita sinaktan!" Marahan siyang napahalakhak sa sarili. "Talaga? Anong ginawa mo kanina? Pagdampi lang ng kamay?" Umiling ako, malinaw na tinutukoy niya ang pagsampal ko sa kanya. "Please lang kuya...hindi—hindi ganun ang tinutukoy ko—" Natigil ako sa pagsasalita nang pisilin niya ang aking pisngi. Kaunti na lang ay bumaon na ang kuko niya sa aking balat. "Ang malaking pagkakamali mo ay ang pumasok sa buhay ko..." "K-kuya...kung ano man ang ginawa nila sa i-iyo...wag mo akong igaya sa kanila...mahal kita. Mahal na mahal kita sobra bilang kapatid! Parang awa mo na!" Tuluyan nang umagos ang aking luha. Hindi lang ako nagmamakaawa para sa aking kaligtasan, nagmamakaawa ako para sa pagmamahal ng isang kuya. Ang pagkakaroon ng kapatid at pamilya ang pinanghahawakan ko gabi-gabi tuwing matutulog sa malamig na kama ng ampunan. Ngunit ngayon, lahat ng hiling ko ay tila sinasagot ng kasamaan. "Hindi...hindi mo ako mahal. Walang pagmamahal sa ating dalawa. Makinig ka sa akin..." Pilit niya akong pinatitig sa walang emosyon niyang mga mata. "Hinding hindi ka makakatanggap ng pagmamahal kahit kanino...at kung hihingi ka man ng tulong o oras, tandaan mong akin ka lang," "P-ple-ase. H-hindi ito tama, kuya...alam mo iyan! K-kailangan mo ng tulong—tutulungan kita...kaya w-wag mo na akong tratuhin ng ganito," Lumapit siya sa aking tenga. Tila nakukulangan pa sa kanyang mga pahayag na sadyang dumidiin sa aking damdamin. "Gusto kitang paikutin sa kamay ko..." "Pero bakit! Bakit!?" "Kasi inosente ka. Ang sarap dumihan ng napakalinis mong budhi," Nanlaki ang aking mata. Hindi! Hindi pwede! Ayokong magaya kay Dianna! Hindi! Buong lakas ko siyang tinulak kaso mas malakas si kuya, kaya kaunting usog lang ang nakayanan ko. Bahagya pa siyang napangiti sa aking panlalaban. Sinubukan ko ng tumakbo ngunit bigla niyang hinila ang nakapony-tail kong buhok dahilan para masalampak ako sa sahig. "Alam kong hihingi ka ng saklolo sa kanya," Hinihimas ko ang aking ulo. Naguguluhan ako sa sinasabi niya. "Kaya ko siyang patayin, Rose...yang kaibigan mo. At hindi siya ang magiging una kong biktima," "A-ano ba ang sinasabi mo kuya! Hindi na 'to tama!" Lumapit siya sa akin. Sinubukan ko muling makalayo ngunit masyado siyang nakakalamang. Sa isang iglap, hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan bago ako ambahan at itilapon sa malaking aparador. Naramdaman ko ang pamamanhid ng aking mukha. Sinubukan kong hawakan ang aking ulo ngunit para akong mahihilo sa nasilayan. Dugo...sa aking kamay...nakikita ko lang ay dugo... Kaunti na lang ay mahihimatay na ako sa nasilayan. Bukod sa hilo, nasusuka ako sa mga nakita. Masyado na akong aligaga sa aking dugo para mapansin ang pagdating ng isang panauhin. Nakarinig ako ng sigaw subalit wala akong lakas upang alamin kung kanino iyon nanggaling. "Rose!" Parang kulob ang boses na iyon. Nakaramdam ako ng munting pag-angat sa aking katawan. Rinig ko ang nagaalalang boses ni manang sa aking tenga subalit ang atensyon ko'y nasa dalawang bagay lamang. Sa taong nagdulot nito, at sa dugong umaagos sa aking mukha. Ngayon ko lang ata napagtantong lasang bakal pala talaga ang dugo. "T-take her out!" Isa pang boses na suminggit. "Madam! Ang anak mo! Hindi pwedeng ganito! Halimaw na yan madam! Halimaw!" Nagising na lang ako bigla nang mabitawan ako ni manang. Rumehistro ang gulat sa mukha niya nang marahas siyang sampalin ng naiiyak na si Mrs. De Luca. Ang katunayan, dalawa silang nagkagulatan sa nangyari. Tinakpan ni mama ang kanyang bibig nang mapagtantong nasaktan niya si Manang Cindy. At base sa ekspresyon ni manang, hindi niya rin nagustuhan ang ginawa sa kanya ni mama. "Sa susunod! Hindi na ako matatakot sabihing ang demonyo mong anak ang pumatay sa aming kasamahan!" Sigaw ni manang Cindy, maluha-luha gaya ni Mrs. De Luca bago kami layasan. Masyado akong okupado sa eksena sa pagitan nilang dalawa kaya hindi ko namalayang lumapit si kuya sa aking nakabulagtang katawan bago niya ako bulungan. "Will you still love a murderer like me?" May isang takas na luha ang lumabas sa aking mata. Iyon na ata ang huli kong alaala matapos ako lamunin ng kadiliman. ___ MADALAS may mga taong kumakatok sa iyong buhay, ang iba naman—sa kasamaang palad, umaalis upang magbigay aral sa iyo. Siguro nga. Naniniwala akong may kailangang ialis sa iyong storya upang ika'y magising. Sabi ng iba kapupulutan daw ng aral. Nagising ako matapos ng ilang oras. Ayon kay mama na nadatnan kong nagbabantay sa aking walang malay na katawan, inabot ng labing-dalawang oras bago ako tuluyang magising. Naipatingin na raw ako sa pribadong doktor. Sa kabutihang palad, wala namang malalang nangyari sa aking pagkakauntog. Simula kanina, ginagawa ko ang makakaya lumayo sa usapin ng pananakit. Tulad ko, ganoon rin si Mrs. De Luca. Halata kong ayaw niyang pinag-uusapan ang bagay na alam kong nararanasan niya rin. KINABUKASAN, naging matiwasay at maayos ang aking gising. Bumaba ako ng kusina ngunit walang Manang Cindy ang bumungad gaya ng aking inakala. Sa halip, si ate Trina ang humalili bilang tagapagluto ngayon. Wala akong imik habang kumakain. Ayoko na rin isipin kung bakit nag-iisa ako ngayon sa hapag-kainan. Dumating ang hapon bago ko muling masilayan si Manang. Nakita kong may mga dala na siyang gamit sa kanyang kamay. Hindi ko na kailangan pang itanong upang malaman ang nangyayari. Alam kong aalis na si manang. Kaya may parte sa akin ang animo'y namatay sa isipin. "Nay...b-bakit mo naman a-ako iiwan?" Halos namamaos kong wika. Bahagya siyang natigilan sa paghapit ng kanyang maleta. Nilingon niya ako. At sa gitna ng makulimlim na kalangitan, nasilayan ko ang bahagyang pagtakas ng ulan. "Rose...kailangan ko ng umalis. Desisyon ko na ito," Alam ko kung bakit naging ganun ang kanyang desisyon. Sa tono pa lamang niya matapos ng pangyayari, alam kong dumaan na sa kanyang isipan ang pagkakataong ito. "Rose...sumama ka na lang sa akin. Walang makakaalam. Walang hahanap sayo," Bahagya akong nasaktan sa sinabi niya. Hindi naman niya kailangan idiin sa aking mukha na wala talagang magbabalak humanap sa akin sa oras na mawala ako. "Umalis ka na dito nak habang maaga pa...wala kang mapapala dito," Dumaan ang kulog sa panandaliang katahimikan na bumalot sa aming dalawa. Sa halip na sumaludo, ang sumunod kong sinabi ay sadyang hindi niya inaasahan. "Hindi pwede manang...ayoko," "B-bakit?" Gumawa na lang ako ng kapanipaniwalang dahilan. Bahagyang katotohanan, bahagyang kasinungalingan. "Nandidito ang dokumento ko...at gusto ko pa ring malaman kung nasaan ang mga tunay kong magulang...para makamit iyon, kailangan ko ng tulong nila," Pahayag ko sa kanya, ipinapahiwatig na malaki ang impluwensya ng mga De Luca. "Nak, wala na akong masasabi sayo dahil nagdesisyon ka na...pero tatanungin uli kita...ayaw mo ba talagang sumama sa akin?" Umiling ako sa gawi niya. Ayoko sumama sayo manang...dahil mas malala ka sa kanila... Ikaw ang taong may alam sa nangyayari sa pamilyang ito, ngunit ikaw ang nanatiling tahimik sa gitna ng kaguluhang hinayaan mong lumago. Ngayon, sa murang edad pa lamang, napagtanto kong ang katahimikan ang pinakamalalang kasalanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD