Kabanata 8: Pagbabalik

2025 Words
8 "Medyo mahirap ka turuan sa totoo lang hija...Kita kong hirap ka sa math, sa english, at sa science," Bumaba ang aking balikat sa nadinig, bagay na dumidiin sa aking damdamin. Hindi ko mapigilan manlumo. Ginagawa ko ang makakaya upang maintindihan ngunit kahit anong aral ko, nahihirapan akong makaalala sa mga subjects. Bagama't natuturuan kami sa bahay-ampunan, hindi masyadong natututukan ang bawat isa sa amin. Ngayong nandito na ako at may sariling titser, napagtanto kong marami pa akong pagkukulang at hindi nalalaman. Isa pa, nahihiya ako sa aking kapabilidad. Kapansin-pansin siguro ang aking pagkabahala kaya rumehistro ang ngiti sa mukha ni Mam Dhang. "Pero kahit ganon...magaling ka sa Filipino at Hekasi. Kailangan lang natin iimprove ang mga vocabulary mo at syempre ang pagbibilang," Marahan akong tumango sa kanya. Mahusay na guro ang binigay sa akin ni Mama. Nakakapanibago at nakakailang ngunit kinakailangan kong sanayin ang sariling bansagan siya bilang 'mama' gayong baka makwestyon ng tutor ang aking pakikitungo sa adoptive parents. Wala naman masamang tawagin siya ng mama, ngunit nababahala lang ako aa magiging reaksyon ni Damian. Halata naman kay kuya na ayaw na ayaw niyang mapabilang ako sa kanilang pamilya. "Then our lessons ends as of today...Sa susunod ulit Rose," "Thank you Teacher Dhang," Tuluyan ng tumayo si Teacher Dhang. Akmang lalabas na siya ng pintuan ngunit tumigil muna siya ng ilang saglit. "Wag mong kalimutan basahin ang libro Rose," "Hindi po teacher," Banggit ko sa kanya. "Napakabait mong bata Rose...ibang iba ka sa mga naturuan kong mga anak mayaman," "A-ampon lang kasi ako teacher," "I know. Halata naman Rose," Aniya sa akin. Natahimik ako sa nadinig. Wala namang masama sa kanyang sinabi ngunit may bahagyang kurot sa aking dibdib. Bilang pagsuway sa nararamdaman ko, ngumiti na lang ako bilang baling. Hindi naman kami nag-aksaya ng oras sa aking silid, ilang sandali ay umalis na rin ng tuluyan si titser. Bahagya ko pa siyang hinatid hanggang sa matayog na hagdanan pababa ng main hallway. Dati, natatakot akong magtaas-panaog sa nakakalulang hagdanan pero ngayon ay parang sanay na sanay na ako sa bawat estruktura ng mansyon. "I'm happy that she's progressing well Mam Dhang," "I can't say it's smooth. Napansin kong medyo mahina ang pick-up niya but I can see her determination to learn. And that is enough for me," "Ganon ba...masaya ako Mam Dhang. I am really excited to see her growth," Hindi ko nadinig na sumagot doon si Teacher Dhang, sa halip nilihis niya ang usapin. "By the way mother, nasan si Damian? How is he doing?" Sa hindi malamang dahilan, nagbago ang timpla sa mukha ni mama. Kung kanina ay buong-buo ang kanyang ngiti, ngayon ay hindi na ito umabot sa kanyang mata. Halata ang gulat dala ng hindi inaasahang tanong. Imbis na pansinin, sumagot si mama na animo'y walang nangyari—pero ako napansin ko ang pagbabagong iyon. Mapagmatyag at maobserba akong bata. Hindi sa nakikiusisa subalit inaalam ko ang kanilang nararamdaman, bagay na sinanay ko ang sarili upang malaman ang saloobin ng mga pamilyang bumibisita sa bahay ampunan. "He's actually in Manila. He has to meet Dr. Swanson—very skilled and professional..." "I see...kung hindi niyo pa sasabihin sa akin mam. Hindi ko aakalaing may PSTD siya," Tipid na ngumiti si Mrs. De Luca. "Well...the medicines are working. Kahit sino ay mata-trauma matapos ng pangyayari," "I hope he has a speedy recovery. Malaki ang potential ni Damian. Candidate na nga siya for acceleration, but I understand everything that happened and that there will be problems as well..." "Salamat Mam Dhang, he's going to get back in his feet again. Ipapasok ko sila sa Integrated elite school. Tiyak na mabibigyan silang dalawa ng proper education," "If you want that to happen then si Rose ang makakapagsabi. I vouch for Damian, and I can't deny that Rose will have a tough time adjusting," Ambang sasagot na si Mrs. De Luca ngunit nahinto sa kalagitnaan ng kanilang diskusyon sapagkat may umalingawngaw na tunog ng paparating na sasakyan. Miski akong nagtatago mula sa second floor ay napadungaw. At habang pinagmamasdan silang napadako ang tingin sa labas—tuluyan namang kumabog ang aking dibdib. "Ohh, speaking...Si Damian," Mula sa b****a ng pintuan, nakita kong lumabas sina mama kasama si Teacher Dhang. Sa hindi malamang dahilan, nanatili ako sa aking pwesto—animo'y napako ako roon. Ilang saglit, dumungaw na sa akin ang kabuuan ng kanilang mga pigura. Ang unang pumasok, dala-dala ang isang maleta ay mukhang drayber ng mga De Luca—hindi si Mang Hulio, mukhang baguhan o kaya naman ay pangalawa nilang drayber. Kasunod ng bulto ng lalaki ay sina Mrs. De Luca kasama na si Damian. Akala ko nakaalis na si Teacher Dhang ngunit nakita kong hinabol niya sina mama. Tipong may sasabihin sana. Hindi ko na narinig ang kanilang pinag-uusapan gayong mahina na ang kanilang palitan ng diskusyon at mga boses. Bukod doon, nagkatagpuan ang mata namin ni Kuya—ang isang gilid ng mapupula niyang labi umangat nang ako'y mapagmasdan. ____ WALANG NI isa ang nakapagsalita sa hapag-kainan. Sina manang at Ate Trina ay abala sa paghahain ng animo'y piging habang si Damian ay walang ekspresyong sumusubo ng kanyang pagkain. Wala rin ngayon si Mrs. De Luca gayong may inaasikaso pa ata. Habang ako, nanatiling pirmi sa aking kinauupuan. Kanina pa ako tapos mananghalian. Mabilis lang ako kumain at ngumuya, kaunti na nga lang ay mabulanan na ako. Matapos akong tanggapin sa pamamahay ng mga De Luca, walang araw na hindi naging masarap ang mga pagkain kaya hindi ko rin mapigilan ang masabik. Bagamat tinuturuan naman na ako ng proper table manners. Hindi lang si Teacher Dhang ang aking guro, sa tuwing Miyerkules si Mam Liezel ang nagtuturo. Hindi tulad ni Teacher Dhang, bahagyang masungit at hindi masyadong maimik si Mam Liezel. Nang matapos kumain ni kuya, hindi na siya nagliwaliw pa sa dining hall at kaagad na rin siyang umalis. Ngayon lang ako nakahugot ng malalim na hininga nang ito'y tuluyan ng lumayas. Simula kanina, wala akong nararamdaman maliban sa takot dala ng kanyang presensya. Hindi ko nga rin mawari kung nagagalit ba siya, simula kasi kanina wala na itong kinausap pang iba. "Rose, hindi ka pa ba tataas," Napalingon ako sa nagsalita. "Ahh, tataas na po manang...mag-aaral pa ako. Baka mapagalitan ako ni Mam Liezel," "Sige nak, hatiran kita mamaya ng meryenda," Bumakas ang ngiti sa aking labi. "Salamat nay," Hindi ko na hinintay ang kanyang magiging tugon. Bumaba na ako sa aking silya at umalis na rin sa dining area. Pumanhik ako pataas ng matayog na hagdanan. Nang makarating sa tuktok, naglakad ako sa mahabang hallway. Liliko na sana ako pakanan upang makarating sa aking silid ngunit agad akong natigilan ng makitang may taong nakaharang sa daanan. "K-kuya..." Nahihirapan kong banggit dala ng pagkabigla sa bumungad. "Dumating ka n-na kuya," Gusto kong kainin ng lupa sa aking sinabi. Malamang ay dumating na si kuya, pero ngayon ko lamang siya nakausap simula ng umalis siya. Halos isang linggo din iyon. Kaya sobrang nakakailang at nakakapanibago. Maliban doon, hindi naging maayos ang aming huling pagkikita. "You don't look happy...binigyan kita ng katahimikan ng isang linggo," Aniya sa akin. Umiling ako, bahagyang nahihirapan tumugon. "H-hindi naman sa ganon k-kuya," "I see...you understand me now," Napalunok ako. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Bahagya na akong nakakaintindi gayong panay english cartoons at movies ang ipinapanood sa akin ni mama. Minsan ay dinarayo niya ako sa aking silid upang turuan, pero hindi lahat alam ko. Sa loob ng pitong araw, masasabi kong epektibo ang lahat ng ginugugol kong oras matuto lamang. "K-kaunti lang kuya," Napalunok ako nang makitang umigting ang kanyang panga, nakita ko ring binasa niya ang kanyang labi. Hindi gaya ng inakala ko, hindi na niya ako masyadong pinansin at nilagpasan lamang ako, pero bago iyon, saglit siyang tumigil sa aking tabi. "Hindi ka makakatakas sa akin—" Aniya bago ibigay sa akin ang kanyang school ID. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. BUONG MAGDAMAG akong nagaral, pero sa isang sulok ng aking utak, naroroon kumakalembang ang mga titig sa akin ni kuya. Pilit kong winawaglit sa aking isipan ngunit minu-minuto ay inaabala ako. Isa pa, napakahirap intindihin ng binabasa ko ngayon. Parang gusto ko sabunutan ang sarili ko dahil wala akong maalala. Pinipilit ko naman talagang intindihin ngunit bakit ganon? Ang hirap itarak sa utak. Sa gitna ng aking pagmumukmok, nakarinig ako ng malamyang musika—na unti-unti'y umusbong sa nakakabighaning huni. Isang tao ang nagtutugtog ng piano, at ang musikang ginagawa niya ay parang pain na humihila sa akin. Sa bahay ampunan, madalas ang ganitong gawain. Ang pagtutugtog. Bagamat hindi pa ako mahusay, ang tanging nakakaya kong tugtugin ay ang saxophone. Pero wala rin akong pagkakataon maipagpabuti ito gayong minsanan lang dumalo ang nagtuturo sa church namin. Ang pokus kasi nito ay ang nasa choir. Habang naglalakad hindi ko mapigilan ang maluha. Naalala ko si Dianna. Sa aming mga ulila, siya ang pinakamahusay, matalino, at madiskarte kaya tuwing maalala ko siya. Kumikirot ang aking puso. Hindi ko akalaing mas malungkot palang manatili dito ng magisa, sa bahay at pamilyang hindi ko alam kung tunay ba akong katanggap-tanggap. Ang kaninang paglalakad ko patungo sa lugar kung saan nanggagaling ang musika ay nahinto. Lalo na nang masilayan ang pintuan at silid ni kuya. Napalunok ako sa sarili. Ang una naming pagkikita ay hindi naging maayos. Nagalit si kuya nang sumilip ako, at sa pangambang maulit ang nakaraan, pumihit na ako paalis. Gayunpaman, hindi pa ako tuluyang nakakaalis. Ang musika ay tuluyang natigil, at napalitan ng malamig na boses ni kuya. "I know you're there," Sa ilang pagkakataon, para akong nanigas sa kinatatayuan. "Pumasok ka," Utos niya sa likod ng pintuang humaharang sa aming dalawa. Napalunok ako, natatakot sa mangyayari. "Sinabi kong pumasok ka," At parang masunuring bata, ginawa ko nga iyon. Hindi ko alam kung sadyang uto-uto ako ngunit sa tuwing mauutusan—lalo na sa pagalit na tono—hindi ko mapigilan sumunod ng walang isip-isip. "Isara mo," Sa pagkakataong gaya nito, naitatanong ko sa sarili kung ano ang pumasok sa aking isipan para pakinggan siya. Para sumunod na lang ng basta-basta. Bumungad sa akin ang malimlim na kwarto ni kuya. Tulad ng dati kong pagsilay, simple lang ang laman ng silid. Isang kama, may mga instrumento, art works, mga bintana, at study table ng gaya sa akin. Pero hindi ang porma ng kanyang kwarto ang nakaagaw pansin kundi si Damian na nakaupo sa silya kaharap ng piano, habang matiim na nakatitig sa akin. Tinapik niya ang bakanteng lugar kung saan ako uupo. At dahil sa takot ko sa kanya, walang sabi akong tumalima. Bagama't ganon ang aking nararamdaman, may parte sa akin ang gusto rin siya kausapin. Kung malungkot ako dito, ano pa kaya siyang madalas ay nagiisa sa kwarto. "Ano ang tinutugtog mo kanina kuya?" Hindi siya agad rumesponde. Bahagya muna niyang pinuwesto ang mga daliri sa piano keys bago ako sagutin. "Nocturne in E flat..." Bumilog ang aking bibig. "Anong kahulugan kuya?" Tulad ng kanina, tumugtog muna siya bago ako balingan. Masarap sa tenga pakinggan. Hindi ko mapigilan mapapikit sa ritmo at sensasyon na animo'y emosyong binubuhos. "Depende sa tao," Mahinang bulong ni kuya habang tumutugtog. "Hindi ko maintindihan..." Kunot-noo kong sabi. "Nasa tao ang kahulugan...sa iba masayang kanta, parang huni ng ibon," Tumango ako. Nocturne...nocturne...baka maitanong ko kay Mam Liezel, ang music teacher ko kung maaari niya akong turuan. "Pero para sayo kuya?" Takang tanong ko, tinutukoy kung ano ang pagpapakahulugan niya sa kanta. Huminto siya sa pagtipa ng piano. "A warning call...one that can evoke our instincts," Aniya nang hindi nakatingin sa akin. Kinagat ko ang aking labi. Nahihiya akong itanong kung ano ba ang pinapahiwatig ni kuya. Pero napansin niya siguro ang aking interes at kuriosidad matapos niya akong lingunin. "Sa madaling sabi, paghingi ng tulong," Pinal niyang wika. "Ohhh..." Sandali kaming nagkatitigan. Hanggang ngayon, inaalam ko ang emosyon sa likod ng kanyang mata. May mga katanungan sa aking utak, isa na doon ay kung bakit biglang ganito ang pakitutungo niya sa akin? Alam kong dapat ako'y lumayo pero sa tuwing makakasama ko si kuya, parang hinihila niya ako sa kadiliman niya, bagay na alam kong sisira sa akin balang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD