Chapter 9

2238 Words
Nag-stay ako sa bahay after at naubos lang ang oras ko sa paglalaro. Hindi naman ako pinakialaman ni Alessandro kahit pa nakikita niya na wala akong ibang ginagawa kung hindi iyon. May pakiramdam naman ako na hindi niya ako papayagang magtrabaho kahit pa magpaalam ako kaya ito na lang, ganito na lang ako. Busy na ako sa kakalaro ng bigla na lang mag pop up ang message ni Niña. Naging sobrang tahimik siya at hindi na ako kinulit tungkol kay Alessandro at ang pagchat niya ngayon ay nangangahulugang handa na itong makakuha ng sagot mula sa akin. Hay naku, ano kaya ang sasabihin ko dito? ‘I know that you’re in-game, so if you didn’t want me to disturb you, you have to finish that now and talk to me.’ sabi ng message niya. Siguradong tatawag ng tatawag ang bruha na ‘to kapag hindi ko ginawa ang gusto niya kaya naman nireply-an ko na lang siya na tatapusin ko lang ang laro. He’s my dearest best friend and even if she’s noisy, I will still love her. So ayun, itinuloy ko na ang paglalaro pagkatapos ay nagvideo call na ako sa kanya. Hindi na ako nagtaka ng i-cancel niya iyon at ginamit ang group chat namin. “Are you ready to tell us who Alessandro Romano really is in your life?” ang bungad agad na tanong niya. “Wala talagang liguy-ligoy? Tanong agad? Kamustahin mo kaya muna ako?” ang sabi ko naman sa kanya. “Paano pa kitang kukumustahin kung alam kong OK na Ok ka. Naglalaro ka na nga eh.” ang sagot niya na naman na naging dahilan ng pagtawa namin. Kevin was with her and the other lovers were together too. Ako lang talaga ang alone as always. “So tell us already!” ang naiinip na niyang sabi. “Fine,” ang tinatamad kong sabi, wala naman akong ibang masasabi kundi ang i-kwento sa kanila kung paano kami naging mag-asawa. Pati na rin ang pagbanggit niya sa Sandy na yon ng natutulog siya ay sinabi ko na din maliban sa pagpupwersa niya sa akin. “Wait, so how do you feel when you hear him calling someone else's name? Is this right after you had s*x?” tanong ni Niña. “Bakit mo pa kailangang itanong ‘yan?” ang natatawang tanong naman ni Melissa kay Niña. “I just want to know. So how do you feel?” “Syempre nakakainis at nakakagalit!” sabi ko na kulang na lang ay umusok ang mga butas ng ilong ko. “Sino ba naman ang matutuwa na tumatawag ng ibang pangalan ang asawa niya sa kanyang pagtulog?” “Kahit na forced marriage ang naganap sa inyo?” tanong niya ulit. “Of course! Kahit ano pang paraan ng pagpapakasal namin hindi niya dapat ginawa ‘yon. Tsaka sana iyon na lang ang pinakasalan niya, di ba?” sabi ko pa, “Wait, as far as I know, Alessandro Romano is the wealthiest in the country. So does that mean that you are the wealthiest among us now?” sabi pa ni Clarise na natatawa, “Aba dapat ilibre mo na kami!” dagdag pa niya na sinigundahan naman ng iba pa. “Ano yon, manghihingi ako sa kanya ng pera? No way!” “Hey! Isipin mo na lang na malaya niyang nagagawa sa katawan mo ang lahat so dapat ay matugunan niya ang mga wants at needs mo.” sabi pa ni Niña. “No, I am not going to ask him for money.” ang pinal kong sagot. “OK, kailan mo na lang kami iiinvite sa bahay niyo?” sabi naman ni Mikael. “I’d rather meet you outside than bring you here.” sabi ko naman. “Napakadamot!!!!” tili ng aking bestfriend na ikinatawa naman namin. “Stop laughing, I am really curious about his house because no one has ever been there.” “We are not that close, besties. I’m sorry for that.” sabi ko na lang. “Who are you not close with?” ang tanong na nagmula sa likod ko. Walanya! Kanina pa ba siya? Akala ko ay sobrang gagabihin siya ng uwi kaya naman prenteng prente pa ako dito. Nagdinner na ako ng 6:30 kasi ay wala naman siya at hindi ko na kailangang hintayin pa. Tapos ay nandito na siya ganong mag 8 pm palang. “There he is,” narinig kong sabi ni Niña na ikinatingin naman ni Alesandro. “What is it?” ang direktang tanong niya dito. Knowing my bestfriend, she will surely say what she wants to say. “We are telling her to invite us over to your house but she said you are not that close to do that.” naipikit ko ang aking mga mata dahil siguradong uusok ang ilong niya sa galit. “It will be safer for her if you will just visit her here.” napatingin ako sa lalaking ipinaglihi sa sama ng loob dahil sa narining ko. Natahimik din ang mga kaibigan ko dahil sigurado akong hindi din nila inaasahan yon. “Why are you suddenly quiet? Is there something wrong with what I said?” tanong pa ni Alessandro. “No, nothing.” sabi naman ni Kevin. “You can come here any time.” sabi pa ni Alessandro bago ito tuluyang pumunta sa walk-in closet para siguro magpalit ng damit. Hindi ko maiwasang sundan siya ng tingin dahil sa mga narinig ko. Ano ang nangyayari sa kanya? May sakit kaya siya? Napatingin ako sa aking mga kaibigan at nakita ko ang kakaibang ngisi sa kanilang mga mukha. “Stop it!” ang nanlalaking mga matang sabi ko sa kanila na naging dahilan upang sila ay tumawa. Dahil nagkasundo na ay itinigil na namin ang video call at ako naman ay nagtungo na sa kama upang maging mas kumportable ako sa paglalaro. Nakita ko ng pumunta sa bathroom ang aking asawa so malamang sa alamang ay maliligo ito. Nagsimula na kaming magkakaibigan sa paglalaro at sinabihan ko sila na pang content ko ito kaya dapat nilang ayusin.Higit sa lahat ay hindi ko sila iimbitahan dito sa bahay kapag nanganser sila. “Sabi ko na ako na lang dapat ang nagtank eh.” sabi ko habang nanggigil ako kay Kevin na malamang ay si Niña ang pinaglalaro. “Bestie, give the phone back to your boyfriend!” sabi ko sa kanya sakto namang upo ni Alessandro sa tabi ko. Grabe ang bango niya. At tuloy gusto ko ng itigil ang paglalaro at siya na lang ang laruin ko. Charot!! Tapos ay naramdaman kong lumapit siya sa akin at tinignan ang aking nilalaro. Nailang tuloy ako at hindi ko malaman ang aking gagawin. “Hoy! Iris, bakit hindi mo pa napatay yon?” Ang sabi naman ni Nicko. Ako ang fighter at lowhealth na siya at dahil sa sinabi niya ay muli akong nabalik sa aking huwisyo at hinabol ang kalaban. “Sama ka bestie baka may nakaabang na kasama ang kalaban.” ang sabi ko tapos ay sinundan ko si Angela na patung lang ng patong tapos mananakbo kapag namatay na ang pinatungan. Hindi nga ako nagkamali dahil nandon ang kanilang mage na handang sumaklolo. Pero hindi siya makakatakas sa akin lalo pa at may ultimate ako. Freya kaya ako ng mundo. “Stun mo si Cyclops pag SS niya sa akin ha,” sabi ko kay Niña na siyang may gamit ng Hylos. “Ult bestie.” sabi ko na ginawa nga niya kaya naabutan ko si Angela at deds na siya bago pa ako ma-ultihan ng mage tapos ginawa nga ng aking bestie ang sinabi ko kaya naman naka double kill pa ako. Bumalik na ako sa aking lane ganon din naman si Hylos, este si Niña. “That was good.” Nagulat ako dahil sa sinabi ni Alessandro. “It’s my first time watching someone play that game and I guess you're good.” sabi pa niya tapos ay kinuha ang kanyang cellphone at may kung ano ng ginawa doon. Patuloy naman kaming naglaro at pagkatapos ng isa pang game ay nagkasundo na kaming tumigil. Nag-agree agad ako dahil parang ang hirap maglaro kung nararamdaman ko ang kamay ng aking asawa na pahaplos haplos sa tagiliran ko. Nung una akala ko ay kinakalabit niya ako at may sasabihin, pero ng tumingin ako sa kanya ay busy naman ito sa kanyang phone. Marahil ay nagfi-feeling close din ito sa akin. OK lang naman kaya lang eh nananayo ang balahibo ko sa katawan dahil sa ginagawa niya. Inilagay ko sa bedside table ang aking phone tapos ay nagready na akong matulog. “Done?” tanong pa niya, “Obvious ba?” tanong ko din na hindi naman sarkastiko ang dating pero nangunot pa rin ang noo niya. “Can’t I ask you without giving me a sarcastic answer?” tanong niya kaya nanahimik na lang ako. Malay ko bang sarcastic pala ang dating sa kanya samantalang sa aming magkakaibigan ay normal lang ito. Nahiga na ako at naalala ko ang sinabi sa akin ni Niña nung nakaraan na dapat daw akitin ko si Alessandro kung talagang asawa ko nga siya. At dahil sa nangyari ngayong araw ay malamang na sabihan nanaman ako non. Paano nga kaya kung iyon ang gawin ko? Makalimutan niya kaya ang Sandy na yon kung sakali? Hay, malay! Itulog ko na nga lang ito. Ipinikit ko na ang aking mga mata ng maramdaman kong hilahinn ako ng aking asawa palapit sa kanya. “Are you going to sleep without telling me what you've been doing the whole day?” ang tanong niya. Nakaharap ako sa kanya at nakatingin siya sa akin kaya naman malinaw na malinaw naming nakikita ang isa't-isa. “You already saw it, I played the whole time and then edited some for my content in my sss page and youtube.” “Are you not going to ask me how I’ve been?” Wala namang masama sa tanong niya kaya lang ay bakit parang iba talaga siya ngayon? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? “Not interested,” sabi ko na lang. Baka sabihin pa niya ay interesado nga ako. Wala naman siyang sinabi at tinitigan niya lang ako. Bigla tuloy akong kinabahan at napaisip na baka nagalit ito sa sinabi ko. “I see,” sabi niya tapos ay bumangon sabay labas ng silid. Nagtaka naman ako syempre. Nagalit ba siya sa sagot ko? Ayaw kong magtanong kasi ayaw kong malaman na may pinatay siya o may ginawa siyang hindi maganda. Alam ko naman na OK ang kumpanya niya dahil kilala na naman siyang genius sa larangan ng pagnenegosyo. Naisip kong baka may kinuha lang siya kaya naman nagdesisyon akong hintayin siya. Pero ng magkakalahating oras na ay hindi pa rin siya bumabalik ay nagchat ako kay Niña at sinabi sa kanya ang nangyari. “Luka luka ka talaga! Hindi mo man lang ba naisip na maaaring nagsisimula na siyang maging asawa sayo? Binigyan mo sana siya ng chance.” sabi niya. “Malay ko ba naman kasi ano? Tsaka sana sinabi niya sa akin para hindi ako manghuhula sa bawat actions niya.” sagot ko naman. “He is a very proud man. You should know that many women wanted him for themselves. But he is yours! Why can’t you be nice to him?” “Kaibigan ba kita? Ako pa talaga ang hindi nice sa kanya? Alam mo ba ang first encounter namin?” ang sabi ko sa kanya na naging dahilan ng pag-uusisa niya at nasabi ko sa kanya ang tungkol sa aming first kiss. “It was so romantic!” sabi pa ng bruha. Kung hindi ba naman luka luka talaga ito. “Imagine, he thought you knew and it turned out that you didn’t. It was a very romantic first encounter!” dagdag pa niya. Madami pa siyang sinabi sa akin kasama na ang maging mabuting asawa na lang para kay Alessandro, handa naman ako para don kaya nga lang ay hindi ko alam kung ganoon din siya. Pinayuhan niya din ako na akitin ko nga daw para makalimutan na ang babaeng laging nasa panaginip niya pag lasing. Wala naman daw masama kung gagawin ko iyon dahil mag-asawa naman daw kami. Sa madaling sabi ay napaisip ako sa lahat ng pinagsasabi niya sa akin at talaga namang naengganyo akong sundin ito lalo na sa part ng pang-aakit. Hindi ako marunong pero sabi nga niya ay lamang na ako dahil bata, maganda at seksi ako. Napapikit ako ng mata at nagmunimuni ng ilang minuto bago ako tuluyang bumangon sa kama at inilapag sa bedside table ang aking phone dahil tapos na kaming mag-usap. Pumunta ako sa bathroom at naligo tapos ay kumuha ako ng medyo revealing na pangtulog. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng bathroom pagkatapos kong bistahan ang sarili ko sa salamin. Hindi naman ako mukhang malandi kaya hindi naman siguro iisipin ni Alessandro na inaakit ko siya kahit na iyon naman talaga ang plano. Saktong pabalik na ako ng kama ng bumukas ang pinto ng aming silid at iniluwa ang aking asawa na sobrang gwapo at lasing. Putik! Lasing? Ano to, iimaginine niya na si Sandy ang kasama niya at hindi ako? Dahil sa naisip ko ay napalitan ng galit at inis ang kanina ay medyo kinakabahan at excited kong pakiramdam kaya naman dumiretso na ako ng balik sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD