bc

Seducing My Mafia Husband

book_age18+
12.4K
FOLLOW
57.0K
READ
HE
badboy
powerful
mafia
sweet
bxg
mystery
loser
enimies to lovers
war
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya, si Iris ay isang matalino, makulit, masayahin at palabang babae. Ngunit dahil sa siya ay anak sa labas at nakikititira sa pamilya ng kanyang ama ay hindi niya pinapamalas sa mga ito ang kanyang tunay na ugali at palaging nagbibigay sa kanyang half-sister na si Rachel upang maiwasan niya na magalit ang kanyang ama sa kanya. Lumaki siya na laging sinusunod ang ano mang gustuhin ng mga ito at laking pasalamat siya at naging limitado lamang ito sa mga gawaing bahay, mga utos na hindi makatarungan ngunit wala namang masamang maidudulot sa kanya. Itinago niya sa kanyang ama ang tunay na kalagayan niya sa paaralan at nagpapagawa ng mga pekeng dokumentong nagpapakita ng kahinaan ng kanyang ulo. At ipinapagsalamat niya na magkaiba sila ni Rachel ng pinasukang university. At ng makatapos ay inisip niya na maaari na siyang umalis sa poder ng kanyang ama at mamuhay mag-isa kaya naman nagplano na siya ng mga bagay na dapat niyang gawin bago pa man siya makatapos ng kolehiyo.

Ngunit bago pa man niya maisakatuparan ang kanyang mga binabalak ay pilit siyang ipinakasal ng ama sa isang matandang mafia leader. Kahit ayaw niya ay wala siyang nagawa lalo na ng ipinakita nito sa kanya ang lahat ng binayaran niya ng maospital ang kanyang ina bago pa man ito malagutan ng hininga.

Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya na ang pinakasalan pala niya at ang pinakamayamang negosyante ng bansa ay iisa? Hanada ba siyang gampanan ang pagiging maybahay nito kahit na alam niyang napakasama nitong tao at may mga kaaway na handang patayin siya dahil sa pagiging mafia leader nito?

Anong kapalaran ang naghihitay sa kanya sa piling ng isang brusko, walang puso, makapangyarihan at mayamang lalaking walang ibang iniisip kundi ang kanyang kumpanya at organisasyon? Anong pag-uugali ang ipapakita niya at maaari niyang magamit para subukang palambutin ang puso o hulihin ang loob ng isang Alessio Montelibano Romano? Paano kung mahulog ang loob niya kasabay ng pagkatuklas niya na mayroon na itong itinatangi at kailan man ay hindi nito masusuklian ang damdamin niya para dito? Handa ba siyang harapin ang mga panganib na kaakibat ng pagiging Mrs. Alessio Romano?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Iris “Pakipirmahan na lang dito.” ang sabi ng lalaki na siya ko namang ginawa. Araw dapat ng kasal ko ngayon pero nandito ako at nakaupo sa sala ng isang mansiyon kaharap ang lalaking hindi ko kilala at nagpapapirma ng marriage contract. Ganto lang ba kadaling magpakasal ngayon? Grabe hindi ako nainform. Ang bata bata ko pa tapos ang papakasalan ko ay uugud-ugod na. Dapat nga proud pa siya dahil isang virgin na kagaya ko ang nakuha niya. Tapos ganito lang? Wala man lang walking in the aisle with matching red carpet? Gravasious naman na kapalaran ito. Hindi naman ako mag-iimbita ng mga kaibigan dahil hindi din naman mahalaga sa akin ang kasal na ito, kaya lang sana manlang ipinaranas niya naman sa akin ang kasal na pinapangarap ng lahat ng eba sa mundo. Lalo na kung hindi ko na yata mararanasan pa ang maikasal na muli dahil pinapirma nila ako sa isang kasunduan na hindi na ako maaaring magpakasal pang muli. Unfair para sa akin yon, paano kung mabiyuda agad ako? Ang ganda ko pa naman para buruhin lang ang lahi ko. “Pagkatapos ba nito ay pwede na akong umuwi?” ang tanong ko pagkatapos kong pirmahan ang lahat ng pinapirmahan niya. Hindi naman mahirap ang daddy ko pero bakit kailangan niya akong ipakasal sa matandang malapit na yatang sumakabilang buhay? Isa sa mayayamang angkan ang kinabibilangan ng aming pamilya at kahit na anak ako sa labas ay nabibigay naman sa akin ng aking ama ang mga bagay bagay na importante sa akin. Kaya naman nakakagalit man na ipinapakasal niya ako sa hindi ko gusto ay hindi ko pa rin naman lubusang mamuhi sa kanya. At isa pa, kwentahan ba naman niya ako ng mga ginastos niya para madugtungan ang buhay ng nanay ko. Paano pa naman ako makakatanggi kung pinakamahalagang tao sa buhay ko ang idinamay na niya, kahit pa patay na ito? “Hindi ka na maaaring bumalik pa sa bahay niyo.” ang sagot ng lalaki. “Ngayong kasal ka na sa aking boss ay dito ka narin titira at sisimulan mo ng gampanan ang mga tungkulin mo bilang may bahay.” ang sagot naman nito na ikinagulat ko talaga. “Kakapirma ko palang kasal na agad? Hindi pa nga pumipirma kung sino man ang mapapangasawa ko tapos ayaw mo na akong paalisin? Ano ka sinuswerte?” ang maaskad ko namang tugon na ikinagulat din niya. Hindi niya siguro inakala na sasagot ako sa kanya dahil humigit kumulang ay sinabi ng magaling kong ama na ako ay isang masunuring anak. “This is considered done once you sign. Hindi mo kailangang kwestiyunin ang kapasidad naming magprocess ng ganito ka simpleng bagay.” ang walang anumang sagot ng lalaki. Grabe talaga, parang normal na pagtae lang ang kasal sa kanila samantalang ang iba ay umaabot ng 6 na buwan kung minsan ay isang taon ang ginagawang paghahanda? “Paano ang mga gamit ko?” tanong ko na lang baka sakaling pagbigyan pa niya akong makauwi. Sabagay, bakit pa ba ako uuwi? Para ano? Para singhalan ang tatay kong naglagay sa akin sa sitwasyong ito na alam ko na din naman na walang pupuntahan? Hay naku, siguro nga ay mas mabuti ng nandito ako. At least hindi ko na makikita pa ang nakakainis na pagmumukha ng asawa ng tatay ko na pinagmanahan ni Rachel sa kapangitan ng ugali isama mo na pati mukha. “Pinakuha ko na sa isa sa mga tauhan namin ang lahat ng kakailanganin mo. Hindi ka na masasamahan ni Boss na mamili pa ng mga bagong gamit dahil busy siyang tao.” sagot naman ng lalaki na akala mo naman ay papayag akong mamili ng kung ano mang kailangan ko na kasama ang amo niya. Haler… “As if naman sasamahan niya talaga akong mamili, eh tatagal pa bang umikot sa divisoria ang boss mo ganong mas matanda pa siya sa tatay ko?” ang nasabi kong bigla at nanlalaki ang mga mata kong tinakpan ang aking bibig. Hindi naman niya siguro ako papatayin ng dahil sa sinabi ko di ba? “Hindi mo alam ang sinasabi mo.” ang tugon ng lalaki at iniwan na akong mag-isa. Ano ngayon ang gagawin ko? Pinalibot ko ang aking paningin at aminin ko man o hindi ay talagang napakayaman ng matandang mafia na napangasawa ko. Ang laki ng bahay at napansin ko sa labas na napakaraming mga lalaki ang paikut-ikot sa paligid. Mukhang madalas na may mga kaaway na nagtatangka sa asawa ko. Ang engot naman nila, sa tanda ba naman non eh hindi na lang nila hintaying mategi. “Ako si Nerissa, ako ang nakalaan na makasama niyo.” ang sabi ng isang babae na mukhang secretary. Pero teka, anong sabi niya? Nakalaan na makasama ko? Bakit? Anong meron? “Wala pa si Sir Al, kaya hayaan mong ilibot muna kita sa buong bahay.” ang dagdag pa nito. “Ah, OK lang. Dito lang ako.” ang sagot ko sa kanya. Hindi ko siya kilala baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. Mahal ko ang buhay ko no, kaya nga nagtiyaga ako sa pag-uugali ng mga kasama ko sa bahay eh. Tsaka hanep ah, Al talaga? Close ba sila at may pa-short term pa siya ng pangalan ni Alsessandro? “Kung iyan ang gusto mo.” sabi naman din niya sabay upo sa double seater na sofa sa harapan ko. So, ano to, babantayan niya ako maghapon? As in maghapon ba talaga? “Kailan ko pwedeng makausap si Alessandro? Gusto kong malaman kung ano ang mga dapat kong gawin.” ang sabi, “Tsaka may mga gusto din akong sabihin.” dagdag ko pa na ikinataas ng kilay ng babae. Aba, aba, mukhang mataray ang bruha ah. “Dito sa mansyon, si Al lang ang may karapatang magsalita at magmando. Bukod sa kanya ay wala na.” ang mataray niyang sagot. “Bakit ka nagsasalita?” ang tanong ko na lang. Mas pinili kong mamilosopo dahil may palagay akong hindi maganda ang tingin sa akin ng babaeng ito. Hindi din naman niya ako kinibo pa kaya naman nanahimik na lang ako habang naghihintay sa hindi ko alam kung ano. Dapat yata ay pumayag na lang ako na sumama sa kanya na libutin ang buong kabahayan kesa naman gantong para akong tanga na naghihintay sa wala. Makalipas ang 3 oras ay dumating ang lalaking kausap ko kanina at siyang nagpapirma ng marriage contract sa akin. May dala nanaman siyang papel na palagay ko ay ang marriage certificate na namin ni Alessandro. “Maya maya lamang ay dadating na si Boss,” ang sabi nito na tinanguan ko lang. “Dumating na rin ang mga gamit mo kaya ipapadiretso ko na sa inyong silid.” dagdag pa niya. Aming silid? Ibig sabihin ay talagang may asawa na ako at magkasama kami sa iisang kwarto? Goodness! Umalis na ang lalaki kasama ang iba pang mga kalalakihan. Napapaligiran talaga ng lalaki ang mansiyon na ito. Ako at ang babaeng prente paring nakaupo sa harapan ko ang nakita ko palang na babae. “Feeling mo ba ay magugustuhan ka ni Al?” ang tanong ng babae. “Feeling mo ba magugustuhan ka ni Alessandro?” tanong ko din sa kanya na ikinalaki ng mata niya. Kadirdir naman ang babaeng ito, may pagnanasa pa sa uugud-ugod. “Hindi ko alam kung bakit kailangang ikaw pa ang mapangasawa niya. Wala akong nakikitang espesyal sayo para maging karapatdapat ka sa kanya.” “Aba, kung gusto mo pala siya eh bakit hindi mo pinagilan? Sinabi mo sana ikaw na lang ang pakasalan niya. Sa tingin mo gusto kong makasal sa kanya? Hindi pa ko nahihibang, madami pa kong gustong gawin sa buhay at higit sa lahat, mas gugustuhin kong maging matandang dalaga kesa mapakasal sa isang lalaking walang puso at mamamatay tao!” ang sagot ko. Hindi ko siya aatrasan kung talagang gulo ang hanap niya. Hindi siya ang pamilyang kinalakhan ko na pwede kong harapin ng plasttikan dahil wala naman akong mapapala sa kanya. “Anong kaguluhan ito?” tanong ng isang boses ng lalaki na nanggaling sa likuran ko. Paglingon ko ay isang napakisig at super gwapong lalaki ang aking nakita. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naka-appreciate ng gwapo. Marami akong mga kaibigan lalaki at pawang may mga itsura naman kaya lang ay iba ang isang ito. Parang maliban kay Marya ay isa din siya sa bukod na pinagpala, male version nga lang at sa larangang pisikal. “Good afternoon, Sir.” bati ng bruhang si Nerissa. Parang mukhang naging magalang ang hitad, kaya tinignan kong muli ang lalaki. Anak siguro ito ni Alessandro. “Pinagsasabihan ko lamang sana si Ma’am Iris tungkol sa mga hindi pwedeng gawin ngunit agad na siyang nagalit at sinabing pinigilan ko dapat ang kasal.” at nagsinungaling pa ang lintik. Tinignan ko siya ng masama at nakita ko ang pagkakangisi niya na para bang sasamain ako sa lalaking dumating dahil sa sinabi niya. “You just came and yet you are already acting like you own the house?” ang tanong naman ng lalaki. “Hindi ko alam kung sino ka, pero hindi ba at natural lamang na umasta akong may-ari dahil ako na ang asawa ni Alessandro?” ang patanong na sagot ko na ikinakunot ng kanyang noo. May mali ba sa sinabi ko? “Ipinagmamalaki mo na asawa ka ni Alessandro?” “Hindi ah! Bakit ko naman ipagmamalaki na asawa ako ng isang kriminal?” bigla na lang naningkit ang mata ng lalaki na para bang gusto niya akong skalin ng mga oras na ‘to. “Kung ganon bakit ka pumayag na magpakasal? Dahil sa pera?” ang nakangisi naman na tanong ulit ng lalaki. “Kung hindi ako pinilit ni Domingo Paterno, hindi sana ako nandito. Tsaka bakit ako ang nandito? Hindi ba dapat yung tunay niyang anak ang pinakasalan ng tatay mo at hindi ako?” ang tanong ko sa kanya. Dahil sa paggalang na ipinakita ni Nerissa sa kanya ay naisip ko na siya ang nag-iisang anak ni Alessandro. Isang malutong na tawa naman ang pinakawalan ng lalaki na talagang namang ikinataka ko? Bakit kung makatawa siya ay tila ba may nasabi akong talaga namang nakakatawa. Teka, hindi ba siya ang anak ng asawa ko? “Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi mo, but one thing is for sure, hindi ka rin gusto ng napangasawa mo” tapos ay hinawakan niya ako sa aking panga at tinitigan ng husto. Nagpumiglas ako dahil mahigpit at nasasaktan ako pero sadyang diniinan pa nito ang pagkakahawak niya sa akin. Maya maya ay binitawan niya ako ng patulak na muntik ko nang ikatumba. Bakit pa tumayo pa ako ng makita ko siya? Gwapo nga ang sama naman ng ugali. Sabagay, anak nga ng mafia leader eh ano pa ba ang aasahan ko? Kung ano ang puno, siya din ang bunga. Hinawakan ko ang panga ko dahil parang nararamdaman ko parin ang mga kamay niya na nakadiin sa bahaging iyon ng aking mukha. Ang laki ng kamay niya para mahawakan ako ng ganon. Ano ba namang buhay ang kinasadlakan ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
258.4K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
51.5K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
72.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
44.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
9.1K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
96.4K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
61.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook