Iris
“Dito po ang inyong silid,” sabi ng unang lalaking nakausap ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ang pangalan. Nung umakyat ang lalaking gwapo pero masama ang ugali ay bumalik ito sa akin at sinabing nailagay na sa kwarto ang aking mga gamit at ngayon nga ay nandito na ako sa tapat ng nakasaradong pintuan ng isang silid.
“Anong pangalan mo?” Hindi ko na napigilang itanong. Paano ko siya ia-address kung sakali at meron akong gustong sabihin sa kanya?
“Vince, ako ang assistant ni Boss,” sagot niya na tinanguan ko lang. So, hindi ko makukuha ang kalooban niya dahil siguradong loyal ito sa amo niya. Pumasok na ako sa silid at talagang nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Sobrang ganda at laki nito, di hamak na mas mayaman sila kaysa sa pamilya ko, I mean pamilya pala nila Rachel. Alam ko naman na agad yon pagdating ko palang. Ang mga gamit ay pawang mga antique o kung hindi man ay mga modernong kagamitan na malamang ay inangkat pa sa ibang bansa. Lumapit ako sa kama pero napalingon ako sa pinto ng marinig kong sumara ito at makita kong wala na si Vince.
Huminga ako ng malalim, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin dito at sa totoo lang sinisikap ko na maging kampante ako pero hindi pa rin maalis sa dibdib ko ang kaba at takot sa aking asawa. Siguro ay kailangan ko ng tanggapin na ito na talaga ang buhay ko at wala na akong magagawa pa. Nakita ko ang aking mga gamit malapit sa pinto ng tila isang silid. Walk-in closet siguro, pagtayo ko para kuhanin at isalansan na ang mga iyon ay tsaka naman bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang gwapong lalaki kanina.
“Anong ginagawa mo dito? Hindi ka man lang kumatok bago ka pumasok!” ang pagalit kong tanong. Natatakot ako sa kanya pero hindi naman yata tama na basta nalang siyang papasok sa silid ko ng walang paalam.
Nakita kong palapit siya sa akin kagaya ng kanina bago niya ako iwan ay hinawakan niya ako sa baba na nasa pagitan ng kanyang hinlalaki at hintuturo. “I forgot to kiss you,” sabi niya na ikinagulat ko talaga. Anong karapatan niyang halikan ako? Itutulak ko sana siya pero bago ko pa iyon magawa ay magkahinang na ang aming mga labi at naramdaman ko pa ng medyo sipsipin niya ang ibabang labi ko. Nanlalaki ang mata ko na sinikap kong itulak siya at mangingiyak-ngiyak ako ng tuluyan niya akong bitawan.
Pero ganon pa man ay hindi ako makakapayag na gawin niya sa akin ang ganon kaya naman hindi ko napigilang sampalin siya. Alam kong naramdaman niya ang sakit dahil nakita ko ang galit sa mukha niya. At ng hilahin niya ako at buhatin tapos ay dinala sa kama at pabalibag na inilapag doon ay sinaniban na ako sobrang takot. Sumunod siya sa kama at kinubabawan ako bago niya muli akong hinalikan. Nanlaban ako ng husto dahil hindi ako makakapayag na magawa niya ang masamang binabalak niya sa akin. Tumili ako ng tumili sa tuwing nakakakuha ako ng pagkakataon na maghiwalay ang aming mga labi. At ng muli niyang sakupin ang aking bibig ay naisipan ko na siyang kagatin. Tumigil ito at tumingin sa akin, ang akala ko ay sasaktan niya ako kaya naman inihanda ko na ang aking sarili ng tumayo ito.
Hawak ang nagdudugo pa niyang mga labi dahil sa pagkakakagat ko ay nakita kong ngumiti pa ito. “Sa pagkakaalam ko ay malinaw sa napagkasunduan na gagampanan mo ang pagiging may bahay ng walang angal,” sabi niya.
“Oo!” ang sagot ko, “Pero sa asawa ko hindi sa iyo. Hindi ka na nahiya, asawa na ako ng tatay mo tapos hinalikan mo ako!” ang nanggagalaiti ko pa ring turan. Ang tigas ng mukha niya, oo nga’t sobrang gwapo siya, pero hindi iyon dahilan para basta ko nalang tanggapin ang pambabastos niya sa akin. Masarap ang halik pero putik, hindi ako papaya na maging babae ng stepson ko!
“Paano kung sabihin ko sayo na anumang pag-aari ng ama ko, ay pag-aari ko rin?”
“Hindi ako kabilang sa mga bagay na yon, asawa ako at hindi kung ano mang kasangkapan, gadget lalo na putahe na pwedeng pagsaluhan at i-share!” ang sigaw ko, sabay bangon sa kama at layo sa kanya. Mahirap na at baka bigla na lang niya akong hilahin ulit. Hindi siya nagsalita pero ang paraan ng pagkakatingin niya sa akin ay parang sinasabi niyang hindi siya titigil.
Namulsa siya at tinignan ang mga gamit ko, “Ayusin mo na ang lahat ng mga yan at pagkatapos ay bumaba ka sa sala.” Lumakad siya papunta sa may pinto pagkasabi niya. Syempre sinundan ko siya ng tingin dahil baka mamaya ay it’s a prank lang pala yon at bigla na lang niya kong hilahin ulit. Hawak niya ang door knob ng bigla ulit itong tumingin sa akin. “Siguraduhin mong bababa ka kung ayaw mong balikan kita ditto,” dagdag pa niya sabay labas ng kwarto. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Habang hawak ko ang aking dibdib ay napagawi ang tingin ko sa aking mga gamit at naalala ang sinabi niya. Kaya naman mabilis na akong kumilos at sinalansan ang mga iyon sa walk-in closet.
Gusto ko pang pagsawain ang paningin ko sa ganda ng silid, ng walk-in closet na puno ng mga magaganda at mamahaling mga damit na malamang sa alamang ay sa asawa ko.Gusto kong tignan kung gaano kaganda ang bathroom kahit na alam kong hindi naman namin yon magagamit ng sabay ng aking asawa. Juice ko load, tatayo pa kaya yon? Eeeeewww… Bakit ko pa naiisip yon?
Kahit naman matanda ang napangasawa ko ay hindi nangangahulugan na hindi ko na rin pahahalagahan ang aming pagsasama. Para sa akin ang pag-aasawa ay hindi parang isang kanin na isinubo at kapag napaso ay iluluwa. Lumang kasabihan pero balak kong gawing batayan sa aking buhay may asawa. Hindi naman lahat ng mag-asawa ay nagmamahalan. Maaaring marami ang nangangaliwa, pero meron paring may respeto sa isa’t-isa. At iyan ang panghahawakan ko kahit na alam ko namang hindi karesperespeto ang matanda ko ng asawa dahil nga isa itong Mafia leader at malamang ulit sa alamang ay napakarami ng buhay na inutang. Makababa na nga at baka bumalik ang damuho kong step-son at pagsamantalahan nanaman ang kagandahan ko. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng imoral na buhay kahit gaano pa siya ka sarap tignan.
Mabilis akong bumaba at nabungaran ko ang damuho kong step-son na nakaupo sa single seater na sofa, kaharap ang isang may edad ng lalaki na kahit saang anggulo ko tignan ay kamukhang kamukha niya. Gwapo pa rin pala ang asawa ko kahit na matanda na. Lumakad ako palapit sa kanila at nakangiti sa akin ang matanda ng makita niya ako. At least welcoming siya sa akin. Kumunot ang noo nito ng umupo ako sa tabi niya, nakakapagtaka ba yon, eh asawa ko siya? Nakita ko ng magpalitan sila ng tingin mag-ama.
“Ikaw ba si Alessandro?” ang tanong ko at nakangiti naman siyang tumango kaya naman nginitian ko na din siya.
“Ako naman si Iris, kanina pa kita hinihintay.”
“Ano naman ang dahilan at hinihintay mo si Dad?” tanong ng masungit na lalaki na ikinatingin naman ni Alessandro sa kanya.
“Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpakasal sayo,” ang sabi ko ng humarap na muli sa akin ang aking asawa, siguro ay hinihintay niyang sagutin ko ang tanong ng anak niya pero wala naman akong pakialam sa kanya kaya manigas siya. “Pero dahil ito na at nangyari na, maaari bang huwag mong hayaang pumasok sa silid natin ang anak mo ng ganon-ganon nalang? Hindi natin mahal ang isa’t-isa pero umaasa ako na kahit papaano ay irespeto ako ng mga taong nandito kahit hindi na bilang misis mo kundi bilang tao na lang din. Ang sabi ni Dad ay hindi ako pwedeng magtigas ng ulo sayo dahil ikaw ay isang mafia leader at maaaring hindi mo magugustuhan ang mga bagay na ginagawa o gagawin ko, but I want to assure you that I am not going to do anything that will disrespect you.” Ang mahaba at mabilis kong sabi. Nakita kong tumango-tango siya at manaka-nakang tumitingin sa kanyang anak.
“Wala kang dapat alalahanin sa akin, tungkol naman sa anak ko, bakit ayaw mong pumasok siya sa silid?”
“Hinalikan niya ako! Napaka walang galang at respeto! Imbis na tawagin niya akong mommy or mama o nanay ay hinalikan niya ako! Sa susunod na gawin niya iyon ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya at babasagin ko talaga ang kaligayahan niya!” ang sagot kong nanlalaki pa ang mga mata at umaasang kakampihan niya ako. Syempre, sino ba namang lalaki ang papayag na mahalikan ng iba ang asawa niya, at anak pa?
Laking gulat ko ng bigla nalang siyang tumawa ng malakas. Natulala ako dahil hindi mo iisiping isa siyang mamamatay tao sa sobrang genuine ng pagtawa niya. “Ikaw ang dahilan ng sugat niya sa labi?” ang tanong pa nito na tila naaaliw pero tumango parin ako bilang pagsang-ayon.
“I believe you didn’t know who you married,” he said so I got confused. Hindi ba at siya ang pinakasalan ko? “I cannot stop my son from getting in and out of his own bedroom, right?” ang tanong pa nito. Literal na nakanganga ako sa sinabi niya.
“Nandon ang mga gamit ko nakalagay,” tugon ko.
“Of course, you’re his wife so your things will definitely be put there,” sabi pa niya, “I am your father in-law and Alessio over there, is your husband,” dagdag pa niya. Gusto ko sanang maaliw sa accent niya pero hindi nakakaaliw ang katotohanang nalaman ko. Parang mas gugustuhin kong yung ama ang maging asawa ko kesa sa anak.
Nakita kong umayos ng pagkakaupo ang damuhong lalaki na si Alessio pala ang pangalan na kung saan ay parang pamilyar sa akin. “Are you ready to become a good wife to me now?” tanong pa nito na parang nang-aasar.