Chapter 3

1513 Words
Iris Nakakagigil, ano ba itong napasukan ko? Bakit ba ako pumayag na maikasal sa hinayupak na lalaking ito? Gwapo nga nakakatakot naman. Oo, nakakatakot siya. Napag-alaman ko na siya na pala ngayon ang pinuno ng mafia dahil nagretire na ang kanyang ama na si Alessandro. Akalain mong junior pala siya at kilala bilang Alessio. At napagtanto ko na siya pala ang pinaka mayaman sa bansa ngayon. Marami siyang mga negosyo at tanggapin ko man o hindi ay ginagamit ko ang ilan sa napakarami niyang produkto. Mula sa sabon, shampoo, pati na ang patis, toyo at suka. Masasabi ko na legal ang mga negosyo niya ngunit hindi alam ng marami na isa siyang mamamatay tao. Ilan na kaya ang napatay niya? Nung huli naming pag-uusap wherein he asked me if I was ready to become a good wife, kung anu-ano ang pumasok sa isip ko. Napaka playful ng itsura niya noon kaya lang ng hindi ako sumagot at pinanlakihan ko siya ng mata ay bigla ba naman niyang sinabi na, “Vince, do you know someone who needed an eyeball? I was thinking of selling hers.” Lalong nanlaki ang mga mata ko, mabuti na lang at nandoon ang kanyang ama na mukhang boto sa akin. “Stop it Alessio, you're scaring her.” Tapos ay tumingin siya sa akin at nakangiting sinabi. “Don’t take his words to heart. He is the kindest person I have ever known.” Gusto kong maniwala sa sinabi niya kaya lang ng tumingin ako sa asawa ko ay takot pa rin ang naramdaman ko. Ngayon ay papunta ako sa bahay ng tatay ko. Kailangan kong kunin ang laptop ko dahil yon ang ginagamit ko sa paggawa ng mga content. Yes, I am a content creator and instead of paying someone to edit my videos, I did it myself. Naglalaro ako ng sikat na online game na mobile legend: bang bang pero syempre hindi nila alam na babae ako. Basta recorded video lang ang pinapakita ko at mga highlights. It was only to inspire other players na hindi kasing galing ng iba na talagang kina-career ang paglalaro. Hindi ako mahina, pero hindi din naman ganon kalakas. Marunong lang akong tumimbang ng kalaban. Pag alam kong hindi ko kayang i-1 v 1, syempre aatras ako. “Nandito na po tayo,” ang sabi ng driver. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bahay ng tatay ko. Bumaba ako ng sasakyan at tuluy tuloy na pumasok sa aming bakuran tapos ay dumiretso ako sa living room. Narinig kong nagtatawanan sila habang nagkukwentuhan at lalagpasan ko nalang sana sila kaya lang ay narinig ko na binanggit ang pangalan ko. “Ano sa palagay niyo ang ginagawa ngayon ni Iris? Buti na lang dad at siya ang ipinakasal mo sa matandang yon. Alam mo namang si Alessio ang nababagay para sa akin,” narinig kong sabi ni Rachel. Talaga namang nakakagalit, tama ako, siya dapat ang makasal at hindi ako tapos ang ama kong walang balls ay ako ang isinoga? Sa galit ko ay sumugod ako pero kinalmahan ko lang. Ayaw kong maisip nila na napikon ako, isa pa, alam kong manggagalaiti ng husto ang bruha kong stepsister at ang ina nitong kabiyak niya ng hilatsa kapag nalaman ng mga ito na si Alessio ang aking asawa at hindi ang ama nito. “Sobrang saya niyo dahil nagtagumpay kayo na ipakasal ako sa lalaking yon?” ang tanong ko na ikinagulat nila. Pero sadyang ang sama ng ugali ni Beatrice dahil mabilis itong nakabawi. “Dahil hindi nararapat ang anak ko sa matandang mafia leader na yon. Si Alessio Romano dapat ang makatuluyan niya. Isang kagalang galang na lalaki, mayaman, gwapo at edukado. Ikaw na laging bagsak sa klase ay OK lang na matali sa matandang yon!” Natawa ako sa sinabi niya, lalo na sa mga adjective na ginamit niya kay Alessio. Kung gusto nila ay kanila na ang asawa ko. Tumingin ako sa tatay ko at nakita kong nakayuko lamang siya. “Hanggang ngayon ay wala ka paring “say” sa pamilyang ito. Ganyan ka katakot maghirap? Kahit himurin mo na ang tae ng asawa mo ay OK lang basta sa kama ka nakahiga?” ang tanong ko na ikinagulat nila. Paanong hindi eh ni minsan ay hindi ako sumagot kanino man sa kanila. Kilala nila ako bilang isang masunuring anak ni Domingo Paterno. “Bastos ka! Iyan ba ang natutunan mo sa ilang araw mong pananatili dun sa mamamatay taong yon?” galit na tanong ni Beatrice. “At least alam ko kung anong klase taong ang matandang sinasabi mo. At sa maniwala ka o hindi, mas mukhang tao siya kesa sayo,” ang sabi ko na nang-aasar na naging dahilan para makatanggap ako ng mag-asawang sampal mula sa bruha. “What’s going on here?” ang sabi ng boses ng lalaking ayaw kong makita. Ano ang ginagawa niya dito? “Alessio!!” Ang naliligayahang wika ni Rachel na ngayon ay akala mo napaka-demure. “I am asking what was going on here?” tanong niya ulit. “Nothing, Alessio. I was just giving this woman a lesson. She was way too arrogant that she answered back to her father. We took her in our family and this is what she gave us in return.” Paliwanag ni Beatrice habang lumalapit naman ang aking asawa. Tumingin siya sa akin ng nasa tabi ko na siya. “Let’s go,” sabi niya na ikinataka ko, “Bakit? Saan mo ko dadalhin?” ang mabilis kong tanong. “I am going to send you home. Make it fast because I need to be somewhere at this time.” “Hindi ko sinabing sumunod ka dito. Tsaka sinama ko naman ang driver.” “If you are not going to hurry ay isasama na lang kita sa pupuntahan ko,” sabi niya. “May kailangan pa akong kuning gamit. Mauna ka na at pumunta kung saang lupalop,” sagot ko. “Iris! Wala ka talagang modo! Hindi mo ba alam na si Alessio Romano ang kausap mo?” ang galit na sabat nanaman ni Beatrice. Ang aking ama naman ay nakatingin lang at kagaya pa din ng dati ay no comment siya. “I’m really sorry about her, Alessio. My stepsister is really uneducated and didn’t know how to act like a civilized person,” sabi naman ni Rachel. Goodness, I rolled my eyes at her dahil don. “No one hurt my wife but me, be prepare to face consequence.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Alessio. Hinila niya ako ngunit nagpumiglas ako. “Teka, teka, lang!” pagpupumiglas ko. “May kukunin nga ako,” dagdag ko pa at mabilis na akong pumunta sa aking dating silid. Makadati wagas, eh ilang araw palang naman akong nakakaalis dito. Pagbalik ko sa sala ay tahimik na ang mag-ina. Siguro ay napagsalitaan ni Alessio ng hindi maganda. Wala na akong pakialam sa kanila at dumiretso na ako ng labas. Pero bago yon ay nakita ko pa ng titigan ako ni Rachel na para bang gusto niya akong sakalin. Pagdating ko sa kotse ay sinabihan ako ng driver na sa sasakyan na ako ni Alessio sasakay. Nakakapagtaka naman, bakit kaya? Bago pa ako magtanong ay may kamay ng humila sa sa akin papalayo sa sasakyan papunta sa isa pang kotse na nakaparada sa likod. “Aray!” sabi ko. “Hindi ka ba pwedeng humawak ng hindi ka mananakit?” tanong ko ng makita kong ang hinayupak ko palang asawa ang humila sa akin. Binuksan niya ang pinto ng kotse sa likod bago niya ako halos itulak papasok. “Since nagtagal na rin lang ako, I am going to bring you with me,” sabi niya. Saan kaya ako balak dalhin nito at bakit ba nandito ‘to? Hinintay ko na nga siyang makaalis bago ako nagsabi sa driver na aalis tapos ganon padin. Badtrip talaga, nasa kanya ang loyalty ng mga hinayupak na tauhan din niya. Napansin ko na nasa expressway na kami at out of the way na talaga sa mansyon. Nagtuluy-tuloy ang aming biyahe hanggang sa makarating kami sa isang bagong gawang 4 storey building. Wala pang laman ang loob at mukhang hindi pa ginagamit. Malinis ang paligid at nakita kong may mga kalalakihan pa ring paikut-ikot sa paligid. Bumaba si Alessio at syempre sumunod na rin ako. Hindi manlang ako hinintay ng hinayupak at diretso ng pumasok sa loob. Ang mga lalaki naman ay nakatingin sa akin at natakot ako kaya naman binilisan ko ang paglakad para makaabot sa damuhong yon. Pumasok siya sa isang silid kaya naman pumasok din ako. Napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo, “What? Hindi mo sinabing maghintay ako sa sasakyan,” sabi ko sa pag-aakalang nagagalit siya na sumunod ako sa kanya. “Wala kayong makukuha sa akin!” narinig kong sigaw ng isang lalaki at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko itong nakaupo sa isang upuan at nakatali habang nakapiring ang mata. I think I am in the wrong place and at the wrong time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD