CHAPTER 2

3142 Words
"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko dahil kahit masarap ang amoy ay hindi pamilyar sa akin ang pagkain. He smiled widely, showing his perfect set of white teeth. "Adobo nga, hindi ka pa ba nakakakain nito?" kunot-noong tanong niya at inilapag ang baunan para malabas ang isang container ng tubig sa bag. I watched him prepare the food; wala naman akong balak sana na kumain, pero naka-ilang pilit siya sa akin at hindi ko 'yon natanggihan. I don't know what's with his presence, but I've never felt violated, even when he raised his voice at me. Parang wala na lang sa akin dahil pansin ko na mas lamang ang pagka-isip bata niya. He started scooping the rice, and he smiled at me. Imaabangan ko lang siya na mauna sa pagsubo. Pinagmasdan ko kung paano niya isabaw ang kulay itim na sabaw sa kanyang kanin at humiwa ng baboy. I gulped when I felt my throat dry as I watched his mouth open. Nakailang lunok pa ako bago napagdesisyunang kainin na rin ang pagkain. Maaamoy ko naman kung may lason ang pagkain at isa pa, hindi ko rin namang ugaling magsayang ng pagkain. "First time mo lang makakain ng Adobo?" mayamaya'y tanong niya pagtapos uminom ng tubig. Nilunok ko muna ang pagkain at blangko ang mata na tumingin sa kanya. Gusto kong ipakita sa kanya na nasasarapan ako sa luto niya at gusto ko 'yon ngunit pinigilan ko, alam kong magyayabang lang siya. "Hindi ako kumakain ng baboy," saad ko, at nag-iwas nang tingin nang makita ang pagkunot ng noo niya. "May manok naman na Adobo," nakangiwing sabi niya. Kinuha ko ang flask sa bag ko at uminom. He watched me sip the water in my container. "I usually eat vegetables and fruits," paliwanag ko. Tumango-tango siya at tila ba iniintindi ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. "Kaya pala..." "Kaya pala ano?" takang tanong ko at pasimpleng kumuha ng isa pang manok sa container habang nagsasalita siya. Nakadalawang manok na ako at pangatlo ko na ito. Iniiwasan ko talagang kainin ang baboy sa adobo niya; medyo marami naman ang naluto niya, kaya mukhang okay lang sa kanya. I wanted to tell him that I wanted to know how to cook this food and the recipes, but pinapangunahan ako ng hiya. "Kaya pala ang ganda ng balat mo." Tumango ako habang ngumunguya. "May I ask something?" Umawang ang labi niya at tila ba hindi makapaniwalang tumingin sa akin. I waited for his playful remark, and as expected, wala talagang magandang lalabas sa bibig niya. "Getting to know each other na ba 'to then ligawan na?" I raised a brow. "I just want to know kung bakit ba dikit ka nang dikit sa akin." "Ahh.. akala ko gusto mo na rin ako, eh." I pursed my lips and looked at him badly. "Just kidding!" He chuckled. "Wala lang, napansin ko lang kasi na madalas kang mag-isa. Bakit? Ayaw mo ba na palagi akong lumalapit sa 'yo? Sayang naman kasi lagi sana kitang lulutuan." Natahimik ako sa sinabi niya at bahagyang nag-isip. Kung tutuusin ay hindi ko kailangan ng tagaluto, pero hindi mapagkakailang masarap nga ang pagkaing hinanda niya ngayon. He looked at me, waiting for me to answer. "Kaya kong ipagluto ang sarili ko." "Wala naman akong sinabing hindi mo kaya." He scratched the back of his head and smiled faintly. "A-Ano, hindi ka ba talaga komportable kapag kasama ako? Okay lang naman sa akin kung hindi talaga, lalayo na lang ako." Akala ko ay guniguni ko lang 'yon, but I saw sadness pass across his eyes. Guilt filled me. Ano bang pumipigil sa akin na pigilan siya? He seemed harmless, at saka maiksing panahon na lang ay tuluyan na akong magiging kabilang nila. I remembered Nisha, hanggang ngayon pala ay hindi na ako kinausap ng babaeng 'yon. I suddenly want to lock myself inside my room and avoid these people. Dalawang araw pa lang na nakilala ko sila ay may ganito na silang epekto sa akin. I guess we're already forming a bond. "Just don't touch me without my consent," halos mautal sa sagot ko at nagpatuloy sa pagkain. His face beamed, and his eyes screamed delight. Pakiramdam ko ay parang gusto niyang tumalon sa tuwa nang makitang magana akong kumain. "Anong gusto mong lutuin ko bukas? Caldereta? Mechado, o dinuguan? Teka, kumakain ka ba no'n?" hyper na tanong niya. Pinagmasdan ko saglit ang mukha niya at nag-iwas nang makitang titig na titig siya sa mukha ko. "Hindi ko alam ang pagkain na 'yon." Matapos kumain ay niligpit niya ang pinagkainan namin habang nakangiti na para bang nanalo sa lotto. Nakakagulat dahil kahit hindi niya sabihin ay ramdam ko ang kasabikan niya na ipagluto ako ng ulam para bukas. We sat in the peace of mantel and watched the sky. It was filled with smoky clouds, and birds are still flying above, enjoying their freedom. I heard the man on my side clear his throat, so I focused my gaze on him. "Masaya ka ba?" he suddenly asked out of nowhere. "Masaya saan?" I asked curiously. Nakakagulat dahil dapat sa mga oras na ito ay wala na ako ngayon ngunit natagpuan ko na lang ang sarili ko na katabi siya. "Sa buhay mo, gano'n. Masaya ka ba na nag-aaral ka sa Cerulean University? O kaya naman masaya ka ba sa program na kinuha mo?" "I don't see any reason to be happy just because I entered this prestigious university and took the program I wanted." "Ahh, ano ba para sa 'yo ang happiness?" "It's just a temporary emotion," walang emosyong sagot ko. Pakiramdam ko ay bumalik ang kaninang walang pakialam na emosyon ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya na tila ba hindi maintindihan ang sinabi ko. "We have different perceptions of happiness, and for me, it was just a temporary emotion and feeling that would never last." Muli akong nag-angat sa langit at pinagmasdang ang kulay asul na langit. "Ah... pero paano kita mapapasaya?" biglang tanong niya. Nagtama muli ang tingin namin at sa puntong ito ay hindi ako nag-iwas. "I'm incapable of feeling happiness; you'll just waste your time trying to make someone happy who no longer sees life as a place to be happy." Matapos tumambay ay napagdesisyunan na naming umalis. Hindi na siya nagsalita pa tungkol doon matapos ng sinabi ko. Hindi ko na rin dinagdagan pa ang lahat ng sinabi ko. If he can't get what I meant, then it's not my problem anymore. For me, happiness is a temporary feeling that may not last. It was just a sudden reaction of our mind to an event, and just like bubbles, it might vanish. How could I say that happiness is just temporary? Simply because I didn't have the chance to feel it genuinely. Lahat ay peke at puno ng pagpapanggap. I may smile every time my family is around, but it is just a facade to show that I am okay. I don't want them to ask further questions about it; I just know that the moon goddess has already decided that I won't be able to feel genuine happiness while I'm still alive. Pinilit niya akong ihatid sa room ko, but I declined his offer. Masyado nang matagal kaming magkasama, and I don't like the attention other people give me. They looked like daggers hitting my back as I walked into my room. As if ignoring them were my favourite hobby, I didn't pay attention to them. Time has passed, and I'm in my last subject now. Nagsasalita ang professor sa harapan namin at may dini-discuss tungkol sa psychology. It was one of my major subjects, and our professor is currently my favourite teacher. Her smell doesn't seem to be strong, and her aura screams elegance yet innocence. She continued discussing psychoanalysis, and I kept on jotting down the things she said. I sometimes nod my head every time she mentions something that catches my full attention. Minsan pa siyanvg tumingin sa gawi ko, and I noticed her smiling a bit before proceeding to her discussion. After the long discussion, we had a long quiz. Everyone except me complained because they were not prepared. The class went on until she bid us good-bye. Lahat ng estudyante sa room ay halatang nalanta sa tatlong oras na tuloy-tuloy na klase. I could not help but feel proud of myself. I really enjoyed the topic. May iba akong estudyante na nakakasalubong na panay pa rin ang titig sa akin, and one of them had the courage to block my way. "Excuse me?" mahinang saad ko nang harangin niya ulit ang daan ko matapos kong umusog. I saw her smirking while her lips were almost red. I wanted to roll my eyes at her when I noticed a few buttons on her uniform were undone. This gives those jerks the opportunity to see her cleavage. "Nilalandi mo ba si Ash?" she muttered, full of rage. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili nang maka-agaw siya ng atensyon. I don't like her presence; it screams arrogance and is pathetic. "Get out of my way," I said while clenching my jaw. She scoffed at me and looked at me from head to toe. I couldn't help but raise my brow when she laughed as if thinking about something. "Hindi ko alam na ganito na pala ang mga tipo ni Ash, a boring and plain person." Nanatili akong nakatingin sa kanya, habang tinatawanan niya ako. What's wrong with my uniform? Parehas lang naman kami ng suot, idiot. "Can you get out of my way? I have no time for your shits." I hear murmurs around us. Hindi ba nagsasawa ang mga estuyante sa mga ganitong eksena? Tumaas ang kilay niya at mas lalo akong sinamaan ng tingin na para bang handa niya akong sugudin ano mang oras. Nanatili akong kalmado ngunit sa loob ay gusto ko na siyang sugurin. I don't want to waste my time listening to her bullshit, so I walked past her, but she grabbed my hand and forced me to look at her, but she made the wrong decision. I held her hands and twisted them; she screamed in pain when I held them tightly, forcing her to face the floor. Marami ang napasigaw sa nangyari ngunit wala na roon ang pakialam ko. I don't know this girl, and she should know her place, too. "I already warned you; hindi ka ba marunong umintindi?" "Ouch! Let go of me!" Mas lalo kong diniinan ang kamay niya, kaya tumili siya ng malakas. "Aray! Tama na! Ang sakit, bitawan mo 'ko." Hindi ko siya pinakinggan at nilapit ko ang mukha sa kanyang tenga upang bumulong. I could feel her body trembling in fear when I smiled at her. Tila ba nakakita siya ng isang halimaw at nanlalaki ang matang pilit nagpumiglas ngunit nasaktan niya lang ang sarili. "Try me again and you'll face your death," bulong ko at inalis ang nakaharang na hibla ng buhok sa mukha niya. Nanginginig siya sa takot at pilit na kumawala, pero mas hinigpitan ko ang hawak sa dalawang kamay niya. "You will not scream for my mercy, and instead, you'll beg me to kill you already." Pahagis ko siyang binitawan dahilan para sumubsob siya sa sahig. I heard gasps, and it's now my turn to face the students around us, watching our scene and trying to involve themselves. "What are you looking at?" Madilim na tingin ko kay Nisha nang makita ang nag-aalala niyang tingin sa akin. Gulat na nag-iwas siya ng tingin bago tumakbo paalis sa kumpol ng mga tao. Everyone was looking at me as if I had killed someone in front of them. I held my breath and exhaled when I noticed that I had caused a ruckus right away. I glanced at the girl, and she was crying while her friends were trying to console her. Hindi naman gano'n kalala ang nagawa ko sa kanya ngunit alam kong magmamarka 'yon. Naglakad ako papaalis sa lugar na tila ba walang nangyari. Walang sumubok na humarang sa daan ko at sila pa mismo ang kusang umiiwas sa direksyon ko para bigyan ako ng daan. I hid my smile and bowed as I heard how scared they were. May narinig pa ako na para raw balak kong patayin ang babae. She was not wrong. I am capable of killing someone, but I choose my target. As I walked away from them, I realised that my stay here wouldn't be easy. Ilang beses ko nang nagamit ang lakas ko, hindi na ako magugulat kung isa sa mga araw na ito ay ipatawag ako sa Dean's office. I sighed and shook my head. I should have chosen my school wisely first before deciding to enter this school. I think I made the wrong decision. Tahimik lang akong naglalakad papunta sa dorm, wala akong makitang available na golf cart, kaya napagdesisyunan ko na lang na maglakad. Tahimik na ang paligid at papalubog na ang araw. Wala na akong masyadong estudyanteng nakikita sa paligid; they were probably in their rooms now. Malaki ang university na ito at tanging mga mayayaman lang ang nakakapasok. Karamihan sa kanila ay mga anak ng mga negosyante at nagtatrabaho sa gobyerno. And I was able to enter this school because Beta was one of the major shareholders of this school. Hindi lang ako ang nag-iisang werewolf na nag-aral dito, but this time, ako na lang ang natitira. Mas pinili ng karamihan sa amin na hindi makihalubilo sa mga tao pagkatapos ng isang pangyayaring gumulo sa mundo namin. I was three years old at the time when humans attempted to attack our pack. Wala silang kalaban-laban sa amin ngunit nagulat na lang ang lahat nang magdala sila ng mga armas at pinatay ang karamihan sa Gama. The Alpha tried to rescue everything in our pack, but they had a lot of equipment and even tried setting a bomb in our packhouse. Maraming namatay nang mangyari 'yon ngunit isa lang 'yon sa dahilan kung bakit naging magulo ang mundo ng mga lobo. "Hi!" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Ash. He was smiling at me and obviously happy to see me again. Pasimple akong kumamot sa ulo, nakakasawa na ang mukha niya. "Ano na naman?" naiinis na tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman siya sa akin at nakangiting naglakad. "Ganyan ba talaga ako kapanget sa panigin mo, kaya ayaw mo na ako agad makita?" nakangusong tanong niya at sinabayan ang bilis ng lakad ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang. "Estella..." Tumikhim ako. "Idy..." "Ahhhhhh!" Pareho kaming natigil sa paglalakad nang makarinig kami ng malakas na sigaw. We both looked at each other; sabay rin kaming tumingin sa masukal na parte ng University kung saan namin narinig ang sigaw. Akmang lalapit ako ngunit agad akong pinigilan ni Ash. Masama ang ginawad kong tingin sa kanya ngunit seryoso lang ang mukha niya at tila ba nakikiusap. Hindi ko siya pinansin at pumunta sa pinanggalingan ng sigaw, but to my surprise, I saw Nisha crying while her body was full of scratches. Umawang ang labi ko nang makita ang mahahabang kalmot sa katawan niya, mayroon din sa pisngi, at umaagos ang kulay pulang dugo niya roon. I heard Ash's gasp. Maging siya ay hindi makapaniwala sa nangyari. Patuloy na umiiyak si Nisha habang yakap ang sarili. I was about to hold her arm when I smelled something at her body. That scent was familiar and came from someone I knew. I clenched my jaw as I realised something. Tinulungan siya ni Ash na tumayo at inalalayan palabas sa masukal na parte. Mataas ang mga d**o roon at madilim kaya halos walang makakakita kung may mangyari man sa kanya. Nilibot ko ang paningin sa paligid at pinakiramdaman ngunit wala akong ibang makita bukod sa amin. Inalalayan pa rin siya ni Ash at pilit pinapatahan. Nakakapit sa kanya ang babae at nanginginig sa takot. Hanggang ngayon ay ramdam ko ang namuong galit sa akin nang sandaling makita ang mga sugat niya. Pakiramdam ko ay gusto kong sumabog na tila ba bulkan at parusahan ang may gawa niyan sa kanya. "Ihahatid na kita sa dorm mo," saad ni Ash habang nag-aalalang nakatingin sa babae. Hawak ko ang kaliwang kamay ni Nisha at ngayon ay kumalma na siya. Ayaw niyang sabihin kung ano ang nakita niya. Nanatiling tikom ang bibig niya na tila ba may pinoprotektahan. "N-No, I don't want to go there. B-Baka bumalik siya, n-natatakot ako," nanginginig ang boses na saad niya. Ash sighed and looked at me for a second before returning his gaze to the girl. "Gusto mo bang sa akin ka muna?" mahinang tanong ng lalaki dahilan para kumunot ang noo ko. "Nababaliw ka na ba?" Umawang ang labi ni Ash, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Hindi, bakit?" inosenteng tanong niya. "Babae siya tapos iuuwi mo sa kwarto mo?" naiinis na sagot ko at tiningan si Nisha. "Sa akin ka muna kung ayaw mong mag-isa." Parehas silang hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil sa namumuong inis sa dibdib ko. I was just concerned for her; baka bumalik ang may gawa sa kanya. "Are you sure?" Nisha asked while playing with her fingers. Nakayuko siya at tila ba nahihiya. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang aking daliri at tinanggal ang ilang hibla na tumatakip sa mukha niya. "Tara na." Nakaalalay sa kanya ang lalaki hanggang sa makarating kami sa dorm. Pumasok sila sa loob at nakita ko kung paano nila nilibot ang paningin sa paligid. I checked the refrigerator and sighed when I noticed that I didn't have anything that I could offer. Kumuha na lang ako ng isang pitsel at dalawang baso para sa kanilang dalawa. Nisha looked shy while still looking at her hands. "Hindi mo ba talaga sasabihin sa amin kung paano ka nagkaroon ng ganyan?" Hindi siya sumagot. Tahimik lang din si Ash at nakatingin sa akin. Nakaupo sila ngayon sa kulay itim kong sofa; hindi gaano kaliit 'yon, but it looked smaller when Ash sat. "H'wag muna nating pilitin," sabat ni Ash. Tumango ako at nagkrus ng braso sa harapan nila. "Hindi ka pa uuwi?" Ash pouted like a kid, and my brows furrowed when I saw him shake his head. "I need to guard your house; dalawa lang kayong babae rito." "Are you saying that I can't fight when someone enters my own room?" inis na tanong ko. "Nope," he said, popping the P. "I just want to make sure na safe kayong dalawa at para na rin masiguro kong hindi kayo mag-aaway. Baka mamaya, malaman ko na lang nagsabunutan na pala kayo." Akmang hahampasin ko siya nang biglang magsalita si Nisha. Maga ang mata niya kakaiyak. "Hayaan mo muna kami rito sa place mo, please?" I sighed, defeated. "Fine, but you're not allowed to touch any of my things."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD