Prologue
"Rina ipagkuha mo nga ako ng pineapple juice sa ref." Utos ni Lovely, ang not-so-blood-related-sister ko.
Tinapos ko nalang ang pag aarange sa may sala saka ako puntang kusina para kumuha ng inutos nya.
Dala dala ang pineapple juice ay dahan dahan kung nilapag iyon sa may center table ng sala saka sya pinagsalin. Busy pa din sya sa pag cecellphone ng biglang mag salita ito.
"Alam mo Rina, ikakasal na kami ni James." saka nya ako nginitian nang puno ng kademonyohan.
Nabitawan ko naman ang mababasaging pitsel at nabasag nga ito. Napahiyaw naman sya ng matalsikan sya at nagasgasan ng bubog kaya mas lalo syang nag hysterical.
Galit na galit syang bumaling sa akin.
"Tingnan mo nga, iniwan ka na nga nung tao, narinig mo lang ang pangalan nambabasag pa! Ang landi mo talaga" nanlilisik ang matang tiningnan lang ako.
"Oo, iniwan nya ako at pinalitan din ng sobrang kay landing babae jan." balewalang sabi ko at kumuha ng dustpan saka walis para linisin ang kalat.
"HOY BABAE, WAG NA WAG KANG MAGTANGKANG MAG ESKANDALO SA ENGAGEMENT NAMIN BUKAS AT MALILINTIKAN KA SA AKIN." Huling sigaw nya saka ko narinig ang mga yapak nya pataas para mag bihis.
Walang katulong ang bahay na ito kaya ako ang gumagawa lahat ng gawaing bahay. Ako ang ginawang maid dito kasi kabayaran ko raw iyon sa pagkupkop nila sa akin.
Adopted lang ako kaya ganun ang trato nila sa akin. Ang Papa ni Lovely ang syang kumopkop sa akin dahil nakita lang nya ako sa may tabing ilog, malapit sa Asylum, na walang malay kaya dinala nila ako sa kanila. Sabihin nating mabait si Uncle Sam dahil sinagip nya pero napansin ko ang pagbabago nitong nga nakaraang buwan. Si Tita Maress naman at Lovely ang na pipilitang pakisamahan ako. Peke kung mutrato ang dalawang iyan sa akin lalo na at pag may maraming tao. Tatlong taon palang ako sa kanila at talagang gusto ko nang umalis. Gugustohin ko man pero di ako makabwelo kung kilan.
Si James Estrada naman na nabanggit kanina ay ang ex boyfriend ko na ikakasal kay Lovely. Arrange marriage lang dahil malapit nang ma bankrupt ang Companya ng mga Cruz kaya yan lang ang tanging paraan para sila ay umahon.
I brokeup with him when I caught him with Lovely making love in her Room. Galit ako sa lalaking iyon sa panloloko nya. Ang sabi pa nya ay inaya sya ni Lovely makipag inoman at nilagyan raw ng drug ang ininom nya kaya nya nagawa yun. Gusto kong pumatay sa mga panahung iyun pero di ko ginawa. Nagsumbong ako sa mga Magulang ko kuno pero ang sabi ni Tita? Ok lang daw kasi ikakasal naman daw sila. At ang Sabi naman ni Uncle Sam ay ganun din. Matagal nang may gusto si Lovely kay James kaya malaki ang ngisi nya nang malaman nya na ikakasal na sila.
Napakuyom ako ng kamao at diko napansin na mag bubog pa pala sa kamay ko kaya naman umagos ang masaganang dugo mula roon.
Don't worry, hindi ako ganun ka walang kwentang babae na humahabol sa isang walang kwentang lalaki
Nilinis ko na ang natirang kalat at pagkatapos nun ay dumeritsong kwarto para maghanda.
Tomorrow will be a long daaaay!