CHAPTER 2

2519 Words
Pagkatapos ng meeting ni Von ay dumiretso na siya sa katapat na mall ng opisina nila para roon kumain. Madalas ay sa mga fastfood chain restaurant sila kumakain ng mga kaopisina niya katulad ng McDonalds, Jollibee o ‘di kaya ay KFC, pero nakita niya na punuan at mahaba ang pila kaya’t naisipan niya na mag-foodcourt na lang at doon bumili ng makakain. While at the escalator, may pamilyar na tao siya na nakita sa loob ng department store at habang papaakyat siya ay mas lalo niyang namukhaan ang babae. She is definitely not the girly-girl type but there's something about her na hindi niya maipaliwanag kung bakit attracted siya rito. The first time he saw her was an overwhelming moment dahil sa aksidente and he thought the reason why he’s extra concern to her was because the accident was his fault. He doesn’t believe in love at first sight. Definitely not. Subalit, sa edad niyang 27, he never thought that a girl - in fact, a tomboy - will cause his sleepless nights and will occupy his mind even while at work. At kahit ilang beses niya pang hingin kay Trish ang number ni Michaella ay tumatanggi ito, dahil daw masyadong ‘private’ na tao ang bestfriend nito. Muli siyang sumakay ng escalator pababa para puntahan si Khel ngunit wala na ito sa lugar kung saan niya ito nakita. Nagpalinga-linga siya sa paligid at napangiti siya sa sarili nang mahagip ng mata niya ang hinahanap. Marahan siyang lumapit dito. Matagal na siya sa tagiliran nito pero hindi pa rin siya nito alintana. Tumikhim siya pero animo may sarili itong mundo at walang ibang tao na nakikita o naririnig. "Bagay sa iyo 'yang hawak mo," nakangiti niyang sabi. Really Von, 'yon ang linya mo! aniya sa sarili. Batid niya ang pagkagulat sa mukha ng dalaga nang lingunin siya nito. "Hi! Long time, no see, Michaella!" agad na bati niya nang magsalubong ang mga mata nila. Crap! Ninenerbyos siya! He loves her full name than her nickname, he felt like it fits her personality. "But I guess the size is too big for you," dagdag niya. It seemed odd and she looked uneasy. "Ah, natingin-tingin lang ako," sagot nito. "Saka, Khel na lang ang itawag mo sa akin. 'Di kasi ako sanay na tinatawag sa buong pangalan," dagdag nito. "Michaella fits you better, I guess," iyon na lang ang nabanggit niya. "Kumusta ka na nga pala? Ang paso mo, okay na ba?" pagkuwa'y tanong niya. "Okay na naman. Paso lang naman ito," sagot nito at pagkuwa'y muling ibinaling ang atensyon sa pagpili ng damit. Wow, panis ang karisma mo, Von, wika niya sa sarili habang pinagmamasdan ito. "Mag-isa ka lang ba rito? Nasaan sina Trish?" tanong na lang niya. "Nandoon sila sa kabila," turo nito sa ladies' section. Magsasalita pa sana siya ngunit dumating na ang barkada nito. Wrong timing! Inis na anas niya sa sarili. Labis ang panghihinyang niya sapagkat ngayon pa nga lang siya nag-e-enjoy na kasama ng solo ang dalaga, ang kaso, dumating agad ang mga asungot! "Oh, hi, Von!" masiglang bati ni Trish. "What brought you here?" Bumati siya sa mga ito bago sumagot, "Malapit lang ang opisina ko rito kaya madalas na rito ako nanananghalian kasama ng mga kasamahan ko." "Ah, nasaan sila? Bakit parang ikaw lang mag-isa?" tanong naman ni Melrose na nakakunot-noo. "May meeting kasi ako sa labas kaya rito na ako dumiretso para kumain," paliwanag niya. Since tanghalian na, niyaya niya ang mga ito na kumain sa foodcourt. He offered to buy the food na hindi naman tinanggihan ng mga ito kahit sa tingin niya ay may alinlangan si Khel. Seafood ang inorder niya to impress Khel. Sino nga ba naman ang tatanggi sa seafood, 'di ba? Pagkalapag ng pagkain ay napansin niyang napangiwi ang mga ito bago alanganing nagsalita si Trish. "Khel is allergic to seafood, Von," anito. "Sus! Sa alimango lang naman at hipon. Okay lang 'yan, Von, salamat, ha" nahihiyang sabi ni Khel. Ang dalaga na rin ang unang naglagay ng pusit sa pinggan nito. Maagap niyang kinuha ang pinggan nito at kunot-noo siyang nagsalita. "No! Now that I know that you're allergic, I will not let you eat that!" medyo napataas ang boses niya, "I-I'm sorry, nabigla lang ako. Baka kasi kung ano na naman ang mangyari sa iyo, magi-guilty na naman ako," patuloy na dahilan niya nang makabawi, gulat na gulat kasi ang mga ito sa tinuran niya. He grabbed her hand and asked her to come with him. "Excuse us, guys! Halika, o-order tayo ng iba," aniya na walang balak bitawan ang kamay nito kahit pilit nitong inaalis ang pagkakahawak niya. "Gora na, Khel. My point siya baka kung mapano ka pa dahil sa pusit!" sang-ayon ni Chase na parang kinikilig pa. Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod sa kanya habang para itong batang hilahila niya. *** "Guys, napapansin n'yo ba ang napapansin ko?" kinikilig na pauna ni Chase na lumipat ng upuan para mapalapit kina Melrose at Trish. "Ano 'yon?" tanong ni Melrose na abala sa pagpipindot sa phone nito. "Feeling ko, type ni Von si Khel! Tingin ko lang, ha. Parang may something!" patuloy ni Chase. "Okay ka lang, Chase? Look at Khel! Paano naman siya magugustuhan ni Von, samantalang mas lalaki pa nga si Khel sa kanya kung kumilos!" wika naman ni Trish na nakaismid, sadyang ayaw papadaig. "No. Iba ang nasasagap ng radar ko. Saka over ka, Trish, ha. Kapag nagdamit pambabae 'yang si Khel, mas maganda pa 'yan sa iyo," sagot at pang-aasar ng binata. Tumaas ang kilay ni Trish at pagkuwa'y umirap sa kaibigan. "Teka, ikaw, ha, napagdiskitahan mo na naman si Khel. Kung hindi ka lang mas malandi pa sa amin ni Trish, sasabihin ko talaga kay Khel na ikaw na lang ang patulan," natatawang pag-iiba ni Melrose ng usapan para 'di na mapikon si Trish. "Ay ayoko! Mamamatay ako!" maarteng tanggi ni Chase habang iwinawasiwas ang mga kamay sa ere. Bahagyang nag-isip si Trish at pagkuwa'y nilingon sina Khel na noon ay nasa tapat ng Pizza Hut, pakuwa’y umiling, Na-ah. I think Von is just being a gentleman. I've noticed it everytime we talked on the phone, wika ni Trish sa sarili, ignoring the signs that Von might really be interested at Khel and not her. *** Tumango lang si Khel nang magpaalam si Von na kakausapin lang ang kasamahan na noon ay nasa kabilang linya ng telepono. Ilang sandal pa ay bumalik ito habang patuloy silang magbabarkada sa pagkain. "I'm sorry, but I have to go back to the office," paumanhin ng binata sabay abot sa kanila ng kamay. "It was nice seeing you all again," nakangiting dugtong nito. May bahagyang pisil ang pinakawalan nito nang kamayan niya si Khel. Damn! She's so cute kapag nagbablush! Ang sarap pisilin ng pisngi! anang isip ni Von habang matiim na nakatitig sa nakakunot-noong si Khel. Biglang binawi ng dalaga ang kamay. Kulang na lang siguro ay sapakin ng dalaga si Von dangan nga lang at madaming tao. "Ok, Von. Let's just talk later," makahulugang wika ni Trish nang mapansin ang pagtingin ng binata sa kaibigan. "Bye, guys!" paalam ni Von at tuluyan nang binaybay ang palabas ng mall. Gago ‘yon ah! Bulag ba siya! Di ba niya nakikita ang hitsura ko! sigaw ng isip ni Khel sa ginawa ni Von. Feeling niya close kami! Kapal ng mukha! Naghuhurimentadong bulong ng dalaga kahit ang puso naman niya ay tumatalon sa saya! Napaisip tuloy siya. Ito na ba ‘yong sinasabi ni Chase? Nagyaya na sana siyang umuwi pero napagpasyahan ng barakada na magvideoke muna before calling it a day. As usual, sina Melrose at Chase muna ang inihatid nila ni Trish dahil magkapit-bahay lang naman sila ng dalaga. "Ano’ng tingin mo kay Von?" simula ni Trish kay Khel habang nagmamaneho. "Tingin saan?" bahagyang tumingin si Khel sa kaibigan. "I mean, do you find him attractive?" paglilinaw nito sa tanong. Nagkibit-balikat siya kahit tila may bumabayo sa dibdib niya. Ano ba 'yan, pangalan pa lang nito ay apektado na siya! Nag-alis siya ng bikig sa lalamunan bago naghalukipkip, "Oo, may hitsura naman siya. Teka, Trish, huwag mong sabihin na type mo si Von?" nanlalaki ang matang tanong niya sa kaibigan. Ngumiti si Trish bago nagsalita, "He's gorgeous, Khel! Maganda pa ang katawan at matangkad! Not my type but I want to date him." Parang may kurot siyang naramdaman sa dibdib sa sinabi ng kaibigan subalit pinilit niyang itago iyon. Trish is tall, beautiful, sexy, smart and rich! Nasa kanya na yata lahat ng magandang pisikal na katangian at walang matinong lalaking hindi magnanais na makadate ang isang Trishabel Montellibano. Sa katunayan, sa tagal ng pagiging magkaibigan nila, wala siyang maalala na hindi nito nakuha basta nagustuhan. And from the way she talks, si Von ang trip nito ngayon. Usually, she doesn't mind at all kung sino man ang i-date ng kaibigan huwag lang itong madedehado, pero bakit apektado siya masyado ngayon, isipin pa lang na gusto ni Trish si Von? Hindi rin naman kasi imposible na magustuhan ito ng lalaki. "By the way, how's Brandon? Parang MIA siya sa f******k these past few days, ah," tanong ni Trish na ang tinutukoy ay ang nakatatanda niyang kapatid na lalaki na kasalukuyang nagtatrabaho sa Canada. "Busy siguro sa trabaho. May bagong raket 'yon," sagot niya. Tumango lang ito. Ilang sandali pa ay nasa harap na sila ng bahay niya. "Hindi ka ba bababa?" tanong niya kay Trish habang tinatanggal ang seatbelt. "Hindi na. Sa dorm ako mag-i-stay today, wala naman sina mommy sa bahay," sagot nito. Lumabas na siya ng sasakyan bago nagsalita. "Sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho, ha. Dahan-dahan lang at huwag mainit ang ulo," paalala niya sa kaibigan bago isinara ang pinto. Sumaludo lang ito pagkuwa'y pinaharurot na ang kotse. Kakasabi ko lang! napapailing na wika niya bago tuluyang pumasok ng bahay. Nadatnan niyang nanonood pa ng TV sa sala ang kanyang magulang at bunsong kapatid pagpasok niya. "Oh, bakit umalis na si Trish?" puna ng nanay niya ng hindi tumitingin sa kanya at tutok na tutok ang mata sa pinapanood. Nasa may pintuan kasi ito ito kaya't marahil nakita nito na si Trish ang naghatid sa kanya. "May pupuntahan pa raw po," dahilan niya habang nagmamano. "Kumain ka na ba?" ang tatay naman niya ang nagtanong. "May tortang-talong sa mesa, kumain ka na," dugtong nito. "Mamaya na lang po ako kakain, magpapahinga lang po ako sa kuwarto," aniya bago pumasok ng silid. Sa totoo lang, busog pa kasi siya dahil sa siomai na kinain nila habang nagvivideoke kanina. Habang mag-isa ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin bago napabuntung-hininga. It was her choice to dress and act like a man not because she felt like it, but because she is more comfortable with it. She likes dressing up the same way her older brother do. Having said that, she is 100% sure na babae siya dahil hindi siya attracted sa mga kapwa babae at ganoon din naman sa opposite s*x. Until now. *** Nasa Student's Lounge ang buong barkada at nagkukuwentuhan nang sumagi sa isip ni Khel si Von. It's almost a week mula nang magkrus ang landas nila sa mall and she's fully aware that he talks to Trish often. By the way Trish puts it, mukhang tuluyan nang nahulog sa bitag nito ang binata. Napabuntung-hininga na lang siya. Bakit nga naman siya makakaramdam ng selos? Between her and Trish, natural lang na si Trish ang matipuhan nito. Pero bakit ganoon na lang ang kilos at pakikitungo nito sa kanya noong una at huli silang nagkita? Bakit nito pinisil ang kamay niya at tumingin ng makahulugan sa kanya? Ah, ewan! Buwisit! anas niya sa sarili. "Uy!" untag sa kanya ni Trish. "Kanina ka pa namin kinakausap para kang wala sa sarili," patuloy nito. "Ah, ano ba 'yon?" tanong niya at pagkuwa'y umayos ng upo, "Iniisip ko 'yong research ko! Hindi ko pa rin natatapos, eh. Malapit na ang submission!" dahilan na lang niya para hindi na siya kulitin ng mga ito. "Bakit kasi pinahihirapan mo pa ang sarili mo diyan sa research mo. Pwede naman na mga information from Mr. Google and kunin mo, bakit pa 'yong mga previous thesis ang pinuntirya mo," naiiling na wika ni Melrose. “Oh, my God, these teenage girls really don’t get it! Khel, kindatan mo na nga para magtigil!” naiinis na anas nito nang makita ang ilang highschool students na nasa kabilang table at kinikilig sa pagtingin sa kanya. “Huwag ka nang pumatol, Mel, hayaan mo na lang sila,” aniya bago nginitian ang mga dalagita. Sabay-sabay na nagtilian ang mga ito at mahiya mo mga mansanas ang naging hitsura sa pagba-blush. Mabilis siyang kinabig ni Trish at hinalikan sa pisngi para asarin ang mga ito, na obvious na nagging effective dahil sumimangot ang mga ito at nag-walk out. “Ikaw talaga, Trish,” naiiling na wika niya bago iniba ang usapan. “Ano nga ulit ang ikinukuwento mo?” tanong niya rito. "Sabi ko, may naisip na akong pwedeng i-dagdag sa project ko for my finals. 'Yong mga models ko kasi, parang hindi ako satisfied doon sa outcome ng shots, so, I wanna try something new. Kaya kung pwede sana, kayong tatlo na lang ang mag-pose as my models," paliwanag ni Trish. Bachelor of Arts Major in Photography ang kinuhang kurso nito. "Models? Kami?" natatawa niyang bulalas. "Trish, kung gusto mong bumagsak ka sa final project mo, sige ipagpatuloy mo 'yang kahibangan mo." "Aray, ha! Sobra ka, Khel! Aba, 'di ko lang nasasabi sa inyo pero madami na ring nag-aalok sa akin na magmodel, tumatanggi lang ako!" palatak at biro ni Chase. "Oo nga! Grabe kang manglait, Khel! Itong katawan na 'to, madaming nagnanasa rito!" segunda ni Melrose habang tila nang-aakit na nagpose. Napalakas ang tawa niya sa tinuran ng mga kaibigan. "Ano ba ang balak mo at gusto mo na kami pa ang gawin mong model, Trish? Huwag mong sabihin na wala ka nang pambayad sa models ngayon kaya mapipilitan ka na kami na lang ang isabak diyan?" patuloy niya. Umiling ito bago ngumiti ng matamis at nagpaliwanag. "I have a new vision," sagot ni Trish habang kumukumpas at nagmumuwestra sa hangin. "I want to show individualism sa concept ko. So, para ma-attain 'yon, kailangan ko ng newbies sa lens para lumabas ang totoong pagkatao nila sa photo," mahabang litanya nito. "I'm in!" sagot ni Chase. "Pero may kondisyon ako, kailangan maganda ako sa photo!" "Ako, kailangang lumabas ang alindog ko sa litrato!" ayon naman ni Melrose. "Out ako riyan. Kayo na lang," tanggi niya. "Ay, nakakainis naman 'to, oh! Ang kj!" reklamo ni Trish. Yumakap ito sa kanya at nagsimulang maglambing. "Sige na! For me naman ito, Khel! Please!" pamimilit nito. "Kahit ano'ng gawin mo, ayoko. Alam n'yo naman na 'di ako kumportable sa mga ganyan, 'di ba? Sasamahan ko na lang kayo kahit saan, kahit ako ang maging assistant mo, Trish," tanggi pa rin niya sabay kibit-balikat. Inirapan siya ni Trish dahil alam nito na hindi na talaga magbabago ang pasya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD