CHAPTER 3

2456 Words
KAKATAPOS lamang ng huling klase ni Khel nang makareceive siya ng tawag mula kay Trish. "Oh?" patanong na sagot niya habang palabas ng classroom. "Khel, last class mo na, 'di ba?" naninigurong tanong nito. "Oo, kakatapos lang, bakit?" tanong niya habang patuloy sa paglalakad papunta sa library. "Perfect! Gimik tayo! Tutal wala namang pasok bukas. Confirmed na sina Mel at Chase," yakag nito. "Hindi ako pwede, busy ako," tanggi niya. Pinaikli kasi ang deadline ng submission ng research kaya’t kailangan niyang matapos iyon kaagad. "Ipagpapaalam kita kina Tita. Sige na!" giit nito sa kanya. Nagpakawala siya ng bunting-hininga bago muling nagsalita. "Kelangan kong tapusin ang research ko. Inagahan ang deadline namin," paliwanag niya. "Kayo na lang. Pass muna ako," patuloy niya. Pagkuwa'y tumigil sa paglakad at umupo sa isang bench bago inilapag ang backpack. "Ay naku! Puro ka research-researc-research! Khel naman! Mas masaya kapag kumpleto tayo," pilit pa rin nito. Napailing na lang siya sa kakulitan ng kaibigan. Alam niyang hindi siya nito titigilan so she need to end the call. "Hindi talaga pwede, Trish. Saka na lang. Sige na. Mag-ingat kayo mamaya at hinay-hinay ka sa pagda-drive," paalala niya. Magsasalita pa sana ito pero ibinaba na niya ang phone. Panandalian niyang binuksan ang bag at kinuha ang notebook, a scented note fell from its insides. Napailing na lang siya. She’s not even trying to be one of the boys, pero may mangilan-ngilan pa ring babae ang nagkakagusto sa kanya at tahasan pa ang pagpaparamdam. Ang bansag nga ng mga ito sa kanya ay 'Pretty Boy'. Hindi pa man siya nakakatayo ay mayroon nang isang grupo ng mga higschool girls sa kabilang bench ang kumakaway sa kanya at nagpapacute. Nang ngumiti siya ay nagtitili ang mga ito. Hindi niya tuloy malaman kung matatawa siya o maiilang. Ganito siguro ang pakiramdam ng Kuya niya. Mabilis na siyang tumayo at nagdiretso ng library, unfortunately, hindi pa rin naisasauli ang thesis na kailangan niya para sa kanyang research, kaya’t minabuti niyang lumabas na lang at magtungo sa Palacio del Café, atleast, doon ay walang bubuntot sa kanya na mga dalagita. "Hi, Khel. Mag-isa ka lang? Nasaan sina Trish?" bati sa kanya ni Tyrone saka ibinaba ang isang tasa ng kape. Nagtaas siya ng tingin mula sa binabasang notes sa notebook niya, "Oy, Ty!" magiliw na bati niya sa binata. "Hindi ko kasama, may gimik," sagot niya bago ipinukol ang tingin sa ibinigay nitong kape, "Ano 'to, promo?" nakangiti niyang tanong. "Hindi," sagot nito sabay turo sa isang lalaking pamilyar sa kanya, "In-order niya, para raw sa iyo," patuloy nito na may impit na ngiti sa labi bago siya iniwan. Gusto yatang lumabas ng puso niya mula sa rib cage niya pagkita pa lang kay Von. Hindi niya malaman kung bakit ang lakas ng dating nito sa kanya samantalang marami naman siyang kakilalang mas bata at mas guwapo pa nga rito, pero, ito pa lang ang tanging lalaking nagdulot ng eratikong t***k sa puso niya. Hinay lang, Khel! Hinga ng malalim! bulong niya sa sarili. Sumaludo lang si Von sa kanya pero hindi siya nilapitan, and she's confused because she's a bit disappointed. Pero maigi na rin siguro iyon dahil kung nagkataong lumapit ito ay hindi rin naman niya alam ang sasabihin dito. Tumango siya bilang pasasalamat at muli niyang ibinalik ang atensyon sa binabasa, kahit pa nga nagmistulang blanko ang notes at librong dala niya! Michaella umayos ka nga! Bakit ba nagkakaganyan ka! saway niya sa sarili. Hindi pa nga siya nakakarecover sa kaba nang biglang may nagtakip sa mata niya. "S-sino 'to!" gulat na tanong niya habang pilit tinatanggal ang kamay ng kung sinoman na nakatakip sa mata niya. Pero imbis na sumagot ay naramdaman pa niya itong humalik sa ulo niya. "A-ano ba! Sino ka ba!" reklamo niya. Akmang tatayo na siya nang alisin nito ang kamay sa mata niya. "Surprise! I knew, I'll find you here!" magiliw na bati nito sabay halik sa pisngi niya at yakap sa kanya. Masaya siyang gumanti ng yakap nang mapagsino ito. "Brandon!" maluha-luha niyang anas. Buong pagmamahal nitong hinaplos ang buhok niya. "Aba, marunong ka na palang umiyak ngayon. Parang dalawang taon lang tayo na nagkahiwalay, naging iyakin ka na?" biro nito. Kumalas ito sa pagkakayakap at tiningnan siya habang hindi nawawala ang ngiti nito na umabot hanggang mata. "Mas lalo kang gumanda sa paningin ko!" anito sabay halik sa noo niya at yakap ulit sa kanya bago umupo. "I missed you so much!" Tatayo na sana kanina si Von mula sa pagkakaupo kung hindi pa tinanggal ng lalaki ang pagkakatakip ng kamay sa mata ni Khel. Nainis ang binata sa nakita at halos madurog ang ngipin nito sa gigil nang makitang tumugon din ng yakap ang dalaga pagkakita sa lalaki. Guwapo ito, mukhang mas matangkad sa kanya at kayumanggi ang balat. Ganito ba ang tipong lalaki ni Khel? He felt pain in his chest. He’s jelous. Hindi na siya makatagal pa kaya minabuti na lang niyang umalis dahil baka kung ano pa ang magawa niya ng dahil sa selos. *** MASAYANG nagkukuwentuhan sina Khel at Brandon kaya't ni hindi nila napuna ang pagdating ni Trish at paglapit sa kanila. "Look who's back!" nakangiting anas nito na ang tinutukoy ay si Brandon. "Trish, kumusta?" malamig na bati ng Kuya niya rito. "Still single and ready to mingle," biro ni Trish bago sinundan ng malanding tawa. Napailing na lang si Brandon sa tinuran ni Trish. Kung mayroon mang nakakakilala ng lubos kay Trish maliban sa kanya, iyon ay walang iba kung hindi si Brando since they’ve been friends all their lives. "Oh, akala ko ba aalis kayo?" tanong niya, sabay tingin sa likod nito. “How about you? Akala ko ba may research ka kaya hindi ka makakasama?” nakaismid na balik-tanong nito. Inginuso niya ang mga libro at notes na nasa table nila ni Brandon bilang sagot. "Nasaan sina Chase at Mel?" kunot-noong tanong niya. "Nasa kotse. Imi-meet ko lang sana si Von. Tumawag sa akin, nandito raw siya," sagot nito habang palinga-linga. "N-nakita ko siya kanina, doon siya nakaupo pero umalis na rin," imporma niya. Ayan na naman siya. Pangalan pa lang ni Von parang nilalamutak na ang sikmura niya. Mayamaya ay nag-ring ang phone ni Trish. "Oh, yes, Von. Where are you na? Nandito na ako sa Cafe... okay, sige... saan?" sumenyas ito ng pamamaalam habang kausap si Von sa phone. "Okay, let's meet there," narinig pa nila na patuloy nito bago tuluyang nakalabas ng pintuan ng Cafe. "Who's Von? Bago na naman niyang papaiyakin?" amused na tanong ng kuya niya. Nagkibit-balikat lang siya bago sumagot, "Flavor of the month." *** MAHIGPIT at puno ng panggigigil ang ginawang paghawak ni Von sa manibela. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang nakangiting mukha ni Khel habang kausap nito ang lalaki kanina. Damn, Michaella! You're driving me crazy! wika ng isip niya. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin pa. He likes her at alam niya iyon sa sarili niya. His mind has been pre-occupied by her lately and it’s driving him insane knowing na mayroon nang ibang nagmamay-ari rito. It's been a week since the last time he saw her at the mall. Ilang beses siyang nagtangka na hingin ang number nito kay Trish pero tumatanggi ito. He's an IT Specialist at kung tutuusin ay kayang-kaya niyang halungkatin ang anumang bagay na may kinalaman kay Khel using his method, but he respects her so much that even the simplest phone number ay hindi niya tinangkang kunin ng walang pahintulot. Tumigil siya nang makita ang red light. Bigla ay naalala niya ang pakay niya sa Café. "Hi, Trish," simula niya, "I’m sorry, something came up kaya umalis ako ng biglaan," patuloy niya. "Pwede ba tayong magkita mamaya? How about at The RestauBar, 7 pm? Okay lang ba?" "Okay, let's meet there," anito. Gusto pa sana niyang makilala ng lubusan si Khel and the only way he knows is to get close with her friends. Masyado kasi itong mailap, which also makes her more attractive! Actually, Trish is more of his type while Khel is the total opposite, but he cannot command his heart to stop beating like hell whenever he thinks of Khel. It seems that his heart has its own way of opposing his preferences. "GAYUMA! 'Yon lang ang sagot d'yan, Pards!" paliwanag ni Timothy, ang bestfriend ni Von mula pagkabata. Kakarating lang nito mula sa UK at dahil wala rin naman itong magawa sa bahay niya, isinama niya ito para makipagkita sa barkada ni Khel. Natatawang tumungga siya ng alak bago sumagot, "Tim, ang tagal mo na sa London pero hanggang ngayon, naniniwala ka pa sa gayuma!" he cannot believe that Timothy will even think that he's under a spell! "So, tell me? Von, ako kilala kita. Masyado kang picky pagdating sa babae. Now you're telling me that you're attracted to somebody na mas lalaki pang kumilos sa iyo? What the heck is wrong with you?" anito, pagkuwa'y pinandilatan siya at tinakpan ang bibig, "Oh, My Gollywow! Hindi kaya..." sadya nitong ibinitin ang iba pang sasabihin. "Ano?" taas kilay niyang tanong dito. He's starting to get annoyed by Tim's theories on what's happening to him. "Pards, masakit ba?" anitong parang awang-awa sa kanya pagdaka'y hinimas-himas ang dibdib niya. Nagtatakang pinalis niya ang kamay nito bago nagsalita, "Anong masakit?" "Eh, ‘di ‘yong pana ni Kupido!" sagot nito sabay lagok ng alak. "May tama ka na yata, Tim," iiling-iling na sabi niya. Pero sa isip naman niya, pihado si kupido nga ang may kasalanan nito. Halos mag-a-alas otso na ng gabi ay wala pa rin sina Trish. Alas-siete ang usapan nila na pagkikita subalit hanggang ngayon ay wala ni anino ng mga ito. Mabuti na lang at isinama niya si Timothy, atleast 'di siya masyadong nainip. Tatawagan na sana niya ulit ang dalaga nang mamataan niya itong parating. "Sorry, Von, naipit kami sa traffic!" paumanhin agad ni Trish bago dumako ang tingin kay Tim na noon ay lasing na. Trish, indeed, looked like a goddess in disguise, but why can't he feel that butterfly in his stomach sa tuwinang nakikita niya si Khel? Bakit hindi siya nakakaramdam ng kakaibang kaba kapag kausap niya ito, unlike kay Khel, na sa tuwing tumatama ang tingin niya rito ay tila tumitigil ang oras niya? "It's fine," pakli niya pagkuwa'y ipinakilala si Timothy dito, "By the way, this is my best buddy, Timothy. Pards, she's Trish." Agad na nagkamay ang dalawa. Mayamaya ay dumating na rin sina Chase at Melrose. "I think, I'll enjoy this vacation," nakangiting biro nito nang ipakilala ang dalawa. "I'll make sure you will!" malanding biro rin ni Chase sabay halakhak. Hindi na nagsayang ng oras ang tatlo. Agad silang pumunta sa gitna ng dance floor at nagsayaw habang naiwan naman sina Von at Trish sa counter. "So, what's up?" tanong ni Trish sa kanya. “Orange juice for the lady,” order niya bago ngumiti rito, “I don’t think you should drink,” aniya nang astang magrereklamo ito. “I’m twenty already kaya nasa legal age na ako,” nakasimangot na depensa nito. “But you’re driving, right?” nakataas ang kilay na wika niya. “I want to drink tonight. I can call our Driver anytime,” anito bago kusang nag-order ng champagne. Nagkibit-balikat lang siya bago inisang lagok ang laman ng baso niya, then sighed. "For the record, I'm not a cradle snatcher," simula niya. "Okay, go on," tumatango-tangong anas nito. "It's just that -" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin because she interrupted him. "Looks like you're having difficulty on expressing yourself, Von. Pero, sige, I like you too!" pagtatapat nito. "No. Wait. What I mean is --" bigla siyang naguluhan at naalarma sa sinabi ng dalaga. Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang hilahin sila ng mga kaibigan nila sa dance floor. Enjoy na enjoy ang mga ito habang nagsasayaw while taking selfies and groufies. "Ano ba, Von, siksik pa more, 'di tayo kasya sa frame!" utos ni Chase sabay kabig sa kanya. *** "I'M SO proud of you, Brandon! Iba ka talaga! Hindi ako makapaniwala na international model ka na!" masayang anas ni Khel sa kapatid habang nasa likod-bahay sila. Tinitingnan niya ang mga kuha nito na naka-publish na mula sa mga kilalang international magazine. "Para sa inyo 'yon, alam mo 'yan," sagot nito sabay kabig sa kanya. Brandon is such a sweet and responsible son to their parents and a loving brother to her and her siblings, kaya nga siguro hindi pa rin ito nag-aasawa. "Salamat, Brandon! Ikaw talaga ang idol ko!" sagot niya sabay suntok sa braso nito. "Tara, sparring tayo!" yaya niya. "Teka nga muna, 'yang kilos mong 'yan medyo bawas-bawasan mo na, ha. Dalaga ka na. Sige ka, baka walang magkagusto sa 'yo," saway nito, bago iiling-iling na humalukipkip habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kagyat siyang napatingin sa sarili, maluwang na T-shirt at maong shorts na hanggang tuhod ang suot niya. Inirapan niya ito at tinaasan ng kilay bago nagsalita, "Problema mo? ‘Di ba, palagi kong sinasabi na kung mahal ka talaga -" "Tatanggapin ka kahit ano ka pa," naiiling na tuloy nito sa sinasabi niya. "Iyan na lang ang palagi mong sinasabi. Ang sa akin lang, baka matakot ang lalaking magkakagusto sa iyo na ligawan ka," paliwanag nito, pagkuwa'y ginulo ang buhok niya, "Pero, ikaw, bahala ka na nga kung 'yan ang gusto mo," pagdakay tumayo at nag-inat. "Namiss ko 'to!" maya-maya ay muling humarap sa kanya, "Ano'ng gagawin mo bukas?" "Nakakainis ang Prof. namin, inagahan ang date ng submission ng research namin. Babalik ako ng library baka sakaling naisaoli na ‘yon thesis na kailangan ko," sagot niya. "Ano ka ba! Holiday na holiday," reklamo nito. "Ano? Gusto mo mag-enjoy ako pero babagsak naman ako at hindi makakagraduate? Hayaan mo, kapag nakuha ko ‘yong thesis, uuwi ako kaagad," aniya para 'di na siya kulitin pa ng kapatid. "I’ll come with you para mapressure kang magmadali," nakakalokong wika nito. "Ay naku, ang kulit! Bahala ka na nga," pagpayag niya, pagkuwa’y kinuha ang phone nang marinig ang message tone, galing kay Chase. You're missing out this fun! May dumagdag na pogi. Sunod ka rito, ang message kasunod ang larawan ng tatlo kasama sina Von at isa pang hindi niya kilalang lalaki. May kung anong sakit ang naramdaman niya nang makitang magkatabi sina Trish at Von habang nakaakbay ang lalaki sa kaibigan niya. May mga stolen shots pa kung saan makikita na masayang nag-uusap ang dalawa. Gustong mangilid ng luha niya nang lumapit si Brandon at kinuha ang phone niya. Ang sakit! Nagseselos talaga siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD