CHAPTER 4

2168 Words
"WHAT'S wrong?" tanong ni Brandon kay Khel sabay tingin sa message sa phone niya. "Oh, I see! Inggit ka 'no," tudyo nito nang akalain na naiinggit sa barkada niya dahil gumimik ang mga ito. Brandon then looked at the photos again. "So, siya pala ang bagong biktima ni Trish! Kawawa naman. May hitsura pa naman!" anito na ang tinutukoy ay si Von. Kinuha niya ang phone at aktong magrereply nang biglang hablutin ito ng Kuya niya saka tumabi sa kanya at nagselfie. Umakbay pa ito at humalik sa pisngi niya sabay click. This is better, tudyo nito sa message kasama ang mga selfie photos nila. Maya-maya pa ay nag-ring na ang phone niya. Videocall from Chase. "Hey, guys, what's up!" malakas na bati ni Brandon sa mga ito. "Adonis, bumaba ka na ba galing langit?" malanding biro ni Chase, katabi nito si Melrose. "Ikaw talaga. Oh, nasaan ba kayo? Gusto n'yo sumunod kami diyan? Maaga pa naman!" tanong ng kapatid niya. "Hindi ako puwede, maaga gising ko bukas," mahinang bulong niya sa kapatid. Pagtingin niya sa video ay agad nahagip ng paningin niya si Von. She must be hallucinating pero parang galit ito. "Sige, dali! Halikayo rito. The RestauBar, may band daw na pupunta mamayang 12 midnight," yaya rin ni Melrose. "Okay, we'll be there! Adios!!!" sagot ni Brandon. "Uy, wait-" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil ibinaba na ni Chase ang phone. "B.I. ka!" inis niyang turan sa kapatid. "Hey, Sissy, what's wrong. I trust you, saka, kasama mo naman ako kaya okay lang. Uuwi rin agad tayo," sagot nito. Lingid dito, gusto niyang umiwas na makasama ng malapitan si Von lalo na at kasama nito si Trish. Hindi niya maintindihan ang sarili and she wants that feeling to disappear once and for all! How? Iyon ang hindi niya alam! *** "Matagal na ba sila? Akala ko ba wala pa siyang boyfriend?" dagling usisa ni Von kay Chase matapos makita na magkasama sina Khel at Brandon sa videocall kanina. Tumaas ang kilay ni Chase. "Bakit mo natanong?" sagot nito. "W-wala lang. 'Di ba nagtatalo pa nga kayo noon about her preference? So, I thought…" paliwanag niya na sadyang hindi na itinuloy pa ang sasabihin, pagkuwa'y nagkibit-balikat. "Ah, okay. Yup. Matagal na sila," sagot ni Chase. Na magkapatid, hindi na nito idinagdag ang mga huling salita. Napatiim-bagang si Von. So, all this time pala, kahit na magtapat siya rito ay balewala pa rin dahil may nagmamay-ari na rito. "Bakit, Von? Ano ba ang tingin mo kay Khel?" usisa ni Chase looking deeply at his eyes. "Well..." iniisip niya kung ano ang magandang description na ibibigay niya kay Chase na hindi lalabas na interesado siya sa dalaga. "He finds her attractive and I don't know how. Ewan ko diyan!" lasing na sabat ni Timothy. "Lasing na 'to! Kung anu-ano na ang sinasabi!" aniya, pagkuwa'y iniupo ang kaibigan sa stool na katabi niya. "Timothy, umayos ka nga!" Mukhang ikaw ang lasing, amused na bulong ni Chase na hindi narinig ni Von. "Von, I love you, Pards, alam mo 'yan. Ikaw ang bestfriend ko, kaya gusto ko maging masaya ka alam mo naman iyon, 'di ba?" patuloy ng lasing na kaibigan niya. "Oo na! Sige na, matulog ka muna diyan," saway niya at pinatungo ito sa bar. "Sorry, lasing na kaya kung anu-ano ang lumalabas sa bibig." "Okay. Sabi mo, eh," pakli ni Chase na may makahulugang tingin. "Von, pakihagilap nga si Trish, lasing na siguro ang babaeng 'yon! Nagpunta na naman ng dance floor!" wika ni Melrose habang iginagala ang mata sa buong bar. "Let's just join her in the dance floor then!" yakag ni Chase. "Louisa, pabantay na lang kay pogi, ha!" request nito sa bartender. Kumindat lang ito bilang pagsang-ayon. *** "Grabe siya, oh. Akala mo naman kung saan pupunta!" napapalatak si Khel habang katabi si Brandon sa kotse. Paano ba naman, parang rarampa ito sa suot na damit! "Bagay ba?" kinindatan siya nito sabay tawa. Napailing siya. "So, pati self-confidence mo sobrang taas na. Kasama ba 'yan sa terms sa contract mo na dapat mong i-improve mo?" sarkastiko niyang wika. Natawa lang ito sa tinuran niya. Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang The RestauBar. Nagpakawala siya ng buntung-hininga bago binuksan ang pinto ng passenger's seat. "What's that for?" nakakunot-noo na tanong ni Brandon. "Wala," aniya bago inayos ang kanyang polo shirt at pantalon bago sumunod sa kapatid. "She's with me," sagot ni Brandon nang harangin siya ng security. "Halika nga rito," yaya nito sabay akbay sa kanya. "Wala akong masabi, talagang lahi na natin ang pagiging babyface," biro nito. "So, where are your friends?" bulong nito habang hinahanap ang mga kaibigan niya. Tahimik niyang iginala ang mata para hanapin ang mga kaibigan. Bumilis ang tahip ng dibdib niya nang eksaktong magtama ang mata nila ni Von nang i-angat niya ang kanyang paningin. Michaella, cool ka lang. Kalma kalma, sabi niya sa sarili. Mabilis siyang iginiya ng kapatid papalapit sa grupo. "Adonis!" hiyaw ni Chase na sumalubong sa kanila. Mabilis itong yumakap sa kapatid niya. Hahalik pa sana ito ngunit nasangga niya agad ito. "Hoy, Chase, umayos ka nga!" pigil niya rito. "Sobra si ateng! Isang kiss lang!" natatawang lumayo si Chase kay Brandon. "Ah, by the way, Brandon siya si Von," pakilala ni Chase, "at ito naman si Timothy," tukoy nito sa natutulog na binata. Nagkamay sina Von at Brandon. "Nice to meet you, I'm Brandon, Khel's --" "Ah, yeah, I know. Nice to meet you, too," putol ni Von sa pagpapakilala ni Brandon. "Hi, Michaella," bati ni Von sa kanya. Tumango lang siya. Agad siyang nilingon ng kapatid at alam na niya ang ibig sabihin ng gulat na ekspresyon nito. Ayaw niya kasi na tinatawag siya sa buong pangalan niya, kaso makulit ang lalaking ito, and strange as it is, unti-unti na rin niyang nagugustuhan ang tunay niyang pangalan dahil dito. "Khel!" pagtatama niya kay Von just to avoid the question his brother might ask later on. Nagkibit balikat lang ang binata. "Hey, Von, where’s my drink," sabat ni Trish na may tama na ng alak. Mabilis itong inalalayan ni Von. "Oh, wow, andito na pala kayo," wika nito at pagkuwa'y bumaling sa kanya, "Bakit 'pag si Brandon ang nagyaya sa iyo, payag ka agad, bakit 'pag ako lagi kang may dahilan, ha, Khel! 'Di ba bestfriend mo ako?" buhol-buhol na ang salita ni Trish. "Syempre. Ibig sabihin, mas mahal niya ako kesa sa iyo," pang-aasar ni Brandon dito. Tinampal niya ang braso ng kapatid. "Huwag mo nang asarin, lasing na nga!" bulong niya rito. Muling nagtama ang mga mata nila ni Von. Bakit may bahid ng sakit ang mga mata nito? Ang binata ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Pagkuwa'y inalalayan si Trish na maupo. Umiwas na rin siya ng tingin dahil nasasaktan siya sa nakikitang pag-aalaga nito kay Trish. Na-guilty tuloy siya. Ano bang klaseng kaibigan siya? Dapat nga matuwa pa siya dahil may nag-aasikaso kay Trish. Bumaling siya kay Melrose bago nagtanong. "What’s up with Trish?" Bumuntung-hininga ito bago sumagot, "Her parents decided to separate." Iiling-iling siya na kumawala sa pagkakaakbay ng kapatid bago lumapit sa nakaupong si Trish. Niyakap niya ito sa likuran bago bumulong dito. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Humarap ito sa kanya at inirapan siya sabay yakap sa kamay ni Von. Umiwas siya ng tingin at muling nagsalita. "Huwag ka nang magtampo -" "Dumating lang si Brandon, naging second choice mo na lang ako! Ganyan ka! Sige, si Von na ang first choice ko from now on!" nagtatampong anas nito. "Awkward! I thought nagcecelebrate kayo," mahinang bulong ni Brandon kay Chase. "Actually, kung hindi pa 'yan nalasing hindi rin namin malalaman ang nangyari," sagot nito habang iiling-iling. "I think, it's better if I send her home," suhestyon ni Von. "No! Gusto ko pang mag-enjoy dito!" tanggi nito at pagdaka'y lumugmok sa braso ni Von. "As if kaya mo pa!" naiiling na wika ni Melrose. "Nakainom ka na rin, Von. I think, it would be best if Brandon will send Trish home while Khel will send me and Chase home," suhestyon nito. "Sasama na ako kina Trish para isang kotse na lang kami. Si Chase na lang ang magdrive ng kotse ni Trish, marunong naman magdrive 'yan, eh," tanggi niya. Masyado kung gumawardya, bulong ni Von sa sarili na hindi nakakalampas sa matalas na pandinig ni Chase kahit pa malakas ang sound system sa loob ng bar. "Teka lang, ha. Ayokong magkarecord ng DUI at ayoko rin na maagang mameet si San Pedro, kaya please lang, ayokong magdrive," tanggi ni Chase bago kumindat kay Von. "Ang daya! Pinapunta n'yo kami rito para maging driver n'yo?" reklamo ni Brandon. Tiningnan niya ito ng masama. "Alright! Sige na, sama-sama na tayo sa isang sasakyan. Iwan na lang muna natin ang kotse ni Trish dito at kunin na lang bukas. Saka ayokong pabayaan si Khel na magmaneho mag-isa ng dis-oras ng gabi," wika ni Brandon. "Ikaw, Brandon, ha, masyado kang protective. Over!" saway ni Chase. "Aba, dapat lang, Chase," pagdaka'y hinawakan ng kuya niya ang baba niya, "Tingnan mo, partida, wala pang make-up 'yan. Sigurado, pag 'di 'yan nabantayan, may mananalakay kaagad d'yan," nagmamalaking patuloy nito saka siya muling inakbayan. Lalong nagdilim ang mukha ni Von sa nasasaksihan. Grabeng mag-PDA ang mga ito, o ako lang ba ang nakakapuna no'n? bulong ng isip ng binata. Kung hindi siguro madilim sa puwesto nila, mahahalatang namumula na si Von sa inis. Bakit ba sumunod pa ang dalawang ito rito, sa loob-loob ng binata. Yes, gusto kong makita si Khel, but only Khel,but not being sweet with her boyfriend, or anybody else dahil para akong tino-t*****e. Ang puso ko, kanina pa gustong sumabog, patuloy na anas ng isip ni Von. "How about you guys? Nakainom ka na rin, Pare. Gusto n'yo ihatid ko na rin kayo. Babalikan ko na lang kayo?" alok ni Brandon kay Von. "Salamat na lang. Mamaya na lang din kami uuwi 'pag medyo nahimasmasan na ito," dahilan ni Von kahit na kanina pa niya talaga ito gustong sapakin dahil sa selos. "Okay," sagot ni Brandon. "Don't worry kay Trish, para ko na ring kapatid ito. 'Di kami talo kaya 'wag kang magseselos, ha," sabi pa nito bago inalalayan si Trish at binaybay ang palabas ng bar. Nagulat si Von nang bulungan siya ni Chase. "Kung type mo, ligawan mo, hindi 'yong totorpe-torpe ka. Bahala ka, baka iba pa ang makakuha," tudyo nito nang makalabas na ang grupo saka ito sumunod. Napaisip siya. Sino ang tinutukoy nito na type niya? Baka na-mis-interpret nito ang pagiging gentleman niya kay Trish. Yes, Trish is definitely his type, but not the one he adores. Napabuntung-hininga na lang siya. Binalingan niya ang lasing na si Timothy at naalala ang sinabi nito. Talagang tinamaan na siya! Pinalis niya ang isipin dahil kahit totoo man na tinamaan na nga siya, hindi na puwede dahil mayroon nang ibang mahal ang nagugustuhan niya, so, why waste time and effort? *** Pasado alas-tres na ng umaga pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Khel. Mataman niyang pinagmasdan ang katabing kaibigan. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito. "Alam mo naman na sooner or later maghihiwalay na talaga sina Tita, 'di ba? Ikaw pa nga ang nagsabi na mas maigi na ganoon na lang ang mangyari kaysa palagi mo silang nakikitang nag-aaway. Akala ko, tanggap mo na? Akala ko, matagal ka nang ready," bumuntung-hininga siya. Trish might seem strong and happy outside but deep inside, she is vulnerable and deeply wounded. Siya ang pinakamalapit na tao sa buhay ni Trish. Siya ang itinuturing nito na pamilya higit pa sa magulang nito, kaya nga ang pakiramdam niya ay ang sama-sama niya dahil sa nararamdaman niya sa taong gusto nito. "I'm sorry, Trish, kung wala ako sa tabi mo habang hirap na hirap na pala ang kalooban mo," naluluha niyang anas sa tulog na kaibigan. Marahan itong umungol at umayos ng higa. Bumangon siya para sana kumuha ng tubig nang marinig niyang nag-ring ang phone ni Trish. Mabilis niya itong kinuha sa loob ng bag sa pag-aakalang hinahanap na ito ng magulang nito. Pero, mas lalong lumungkot ang pakiramdam niya nang makita ang caller. It’s Von. Ofcourse, bakit nga ba hindi? He wants to make sure that Trish reached home safely. How sweet! Mas pinili niyang huwag na lang sagutin ang telepono, titigil naman siguro ito at marerealize na baka tulog na rin si Trish, but she's wrong. Nakaapat na tawag ito sa kaibigan niya kaya't sinagot na niya ito para lang matigil ito. "Hello?" Narinig niya ang paghugot ng hininga ng binata bago ito nagsalita. "I-I'm sorry, but I think, I really like you," wika nito. It was enough for her to end the conversation. Ang sakit! The pain is killing her at naramdaman na lang niya ang mainit na pagdaloy ng luha sa pisngi niya. Itinaob niya ang phone atsaka lumabas ng kuwarto. She needs to get some fresh air.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD