Tatawa-tawang tumingin si Von sa kaibigang si Timothy habang humihigop ng kape.
"Damn! Bakit hinayaan mo akong maglasing kagabi! 'Di ko tuloy na-enjoy ang gimik!" naiinis na reklamo nito sa kanya nang malaman na nakatulog ito sa bar dahil sa kalasingan. "Pards, talaga bang mga college students pa lang ang mga 'yon? Para kasing mga nasa early twenties na ang galawan, eh," anito habang sapo-sapo ang ulo. "Nakita mo ang katawan n'ung Rose? Wow, Pards, hinog na hinog na, Pards. 'Di na 'yon papahuli," patuloy nito na ang tinutukoy ay si Melrose. "Tapos 'yong Trish, Pards! Jackpot ka roon. 'Yon na lang ang ligawan mo, mukha namang type ka," patuloy ni Timothy.
"What’s with that tone, Tim? Nagha-hallucinate ka na yata," iiling-iling na bigkas niya pagkuwa'y inilapag ang hawak na mug. Para pa rin kasi itong lasing kung magsalita, very vulgar.
"Pards, seryoso. Hindi ka pa naman desperado, 'di ba? Baka 'yang nararamdaman mo kay Michaella ay parang nacha-challenge ka lang. Akala mo siguro, gusto mo siya pero 'yon pala, gusto mo lang malaman kung posible ka ba niyang patulan. Napanood ko na 'yan sa drama," paliwanag nito.
Sa halip na sagutin ang sinasabi nito ay iniabot niya rito ang isang tableta. "Inumin mo ito if ever 'di pa rin matanggal 'yang hangover mo."
"Salamat," anito sabay abot. "So, any plans today? It’s holiday."
"Ikaw? Wala ka bang balak dumalaw sa mom mo?" tanong ni Von.
"Wala," mabilis nitong tugon.
Napailing na lang siya bago muling nagtanong.
"Wala ka pa bang balak mag-asawa, Tim? Wala na talaga kayong posibilidad magkabalikan ni Nina? Sure?" urirat niya patungkol sa nobya nito. Nagbreak ito at ang long time girlfriend nito 6 months ago kaya naisipan nito na umuwi ng Pilipinas to mend his broken heart.
"Over my dead macho body. She asked for it, so ibigay ang gusto niya. Ang daming babae na pwede kong ipalit sa kanya!" inis na anas nito.
"Ewan ko sa 'yo," naiiling na bigkas niya. "Parang kelan lang iyak ka ng iyak sa telepono!" pang-aasar niya rito.
Malakas siyang binato ng throw pillow ng kaibigan. Umalingangaw ang halakhak niya sa buong unit dahil sa pang-aasar dito.
***
Ilang minuto nang tinitipa ni Khel ang gitara niya habang nakaupo sa likod-bahay nang dumating galing sa loob ng bahay ang kuya niya. Bigla niyang naalala ang ipinakiusap sa kanya ni Trish kanina.
"Brandon, may pupuntahan ka ba ulit maya?" tanong niya rito nang maupo sa kabilang upuan.
"Wala naman, bakit?" sagot nito sabay kuha ng pizza sa lamesa sa harap nila.
"Magpasama ako sa iyo mamaya, ha. Papogi ka," aniya sabay tayo, "5 sharp tayo aalis," dugtong niya bago ito iniwan na nakakunot-noo.
"Kahit 'di ako mag-ayos, pogi na 'to!" pahabol nito kasunod ng malakas na tawa.
"Oo na!" sakay niya bago ito iniwan at dumiretso sa kuwarto niya.
Hindi pa nakakalapit sina Khel at Brandon sa suite na ipina-reserved ni Trish ay rinig na nila ang boses ni Chase.
"Nakakaloka, ha! Hindi ako magsusuot ng ganito!" iyon ang naabutan nilang sambit nito habang hawak ang isang puting sando.
Mabilis itong lumapit sa kanila at agad na pumulupot kay Brandon.
"Adonis, girl ako! Ayokong suotin 'yan! Makikita ang kaluluwa ko!" anito.
"Ang arte mo, Chase!" natatawang tinampal niya ang kaibigan pagkuwa'y bumaling kay Trish. "Ayan na ang promise ko sa iyo," aniya na ang tinutukoy ay ang kuya niya, "Enjoy!" sabi niya sabay kindat pagharap kay Brandon, saka mabilis na lumabas nga suite.
Hindi na niya hinintay na makapagtanong ang kapatid. He’ll figure it out anyway. Trish needed her help para matapos ang project nito and it so happened na nagback-out ang model nito kaya humingi ito ng pabor na kuya niya ang maging modelo nito along with Chase, Melrose and Von. Knowing her brother's attitude towards Trish, alam niyang 'di ito papayag.
Tatawa-tawa pa siya habang naglalakad pabalik ng lobby nang biglang may humawak sa braso niya.
"Hey, Michaella!" masiglang bati ni Von.
"Oh, musta," bahagya pa siyang nagulat at tila natulala nang mapagmasdang maigi ang lalaki sa harap niya. Hay! Ang guwapo niya talaga! anang isip niya. Para na siyang hibang! Para siyang may split personality na nagbabago sa tuwing nakikita niya ang binata.
She also felt like committing a sin because as far as she knows, nagkakamabutihan na sina Von at Trish base na rin sa mga kuwento ni Trish. Therefore, she needs to suppress her feelings towards this man.
"Are you with Trish?" tanong nito.
"Oo. Lumabas muna ako sandali," sagot niya.
"Ah, okay. Gusto mong samahan kita then we can go back to the suite later?" suhestyon nito.
"Ay hindi, huwag na. Hinihintay ka na yata nila roon," tanggi niya. "Sige, ha," paalam niya at hindi na hinintay na magsalita pa ito.
"Nandyan ka na pala, Von! Halika na!" sigaw ni Trish na noon ay nasa harap ng pinto ng suite.
Nagdirediretso na lang siya ng lakad palayo sa mga ito habang tila nanlalambot ang kanyang mga tuhod. The presence of this guy affects her so much that she doesn’t know what to think anymore!
Halos kalahating oras na siya sa lobby at nililibang ang sarili nang tumunog ang cellphone niya. Brandon's calling.
"Ang bilis naman. Tapos na kayo?" agad niyang tanong.
"Nasaan ka ba? Halika nga rito," iritableng anas ng kuya niya.
"Bakit?" kibit-balikat ng tanong niya.
"Aalis ako 'pag hindi ka bumalik dito," banta nito na alam nitong hindi niya hahayaan.
"Oo na, sige na, papunta na riyan," aniya sabay tayo at mabilis na binagtas ang pabalik sa suite.
Naabutan niyang iginigiya ni Trish si Chase. Lumutang ang kaguwapuhan nito sa suot na puting sando at maong pants na pinuluputan ng checkered na black and red na long sleeves ang bandang baywang.
"Guwapo, ah!" bulalas niya pagpasok pa lang niya ng pintuan.
"Don't start, Khel! Kanina pa masama ang loob ko!" anito kahit hindi naman halata na naasar ito.
Tatawa-tawa siya na umupo sa tabi ng kuya niya. "Nasaan si Mel?" tanong niya rito.
"Andoon sa loob ng washroom." sagot nito. "Ikaw, pasaway ka. Bakit 'di mo man lang ako sinabihan," pabulong na reklamo agad nito.
"Parang 'di kita kilala," sagot niya saka muling tumayo at pinuntahan si Melrose.
Marahan siyang kumatok at pagbukas ng pinto ay napangiti siya. "Wow!" aniya pagkuwa'y sumipol.
"Well, sabi ko sa inyo, davah!" pagyayabang nito at umikot sa harap niya.
Ang suot nito ay black leather na tube na hapit na hapit sa katawan nito na pinartneran din ng black leather pants. Nakataas ang buhok nito at seductive look ang make up.
Nag-thumbs-up siya bago muling isinara ang pinto bago bumalik sa tabi ng kapatid at pinagmasdan ang ginagawang pag-shoot ni Trish kay Chase. In the corner of her eyes ay alam niyang nakatingin sa kanya si Von na noon ay nasa kabilang sofa. There it goes again, the sudden beating of her heart.
Mayamaya’y tumayo si Brandon at lumapit kina Chase at Trish. He's giving advice para mas okay ang kalabasan ng shoot, afterall, he's the professional among them. Nilingon niya saglit si Von at nahuli niya itong mataman na nakatitig sa kanya. Tinanguan niya lang ito na para bang wala lang, kahit mistulang may bumubugbog sa dibdib niya. Muli niyang pinilit ang sarili na ibalik ang atensyon sa tatlo. Tatayo na sana si Von nang lumabas ng washroom si Melrose at lumakad patabi sa kanya.
Pagkatapos ni Chase ay sina Melrose naman at Brandon ang magkasunod na sumalang sa shoot. Saglit silang nagbreak kaya't umorder ng room service si Trish. Pagkakain ay inayusan ni Trish si Von. Ito ang huling model nito.
"Brandon, can you come over for a minute?" tawag ni Trish sa kuya niya. "What do you think? Or shall I brush it up like this?" paghingi ng opinion nito sa kapatid niya tungkol sa appearance ni Von. Ilang sandali pa ay natapos na itong ayusan at lumakad na papunta sa shooting place.
The moment na nasa ilalim na ito ng mga lights, he was a different man! He's definitely handsome and debonair! His slightly chinito eyes na parang nangugusap sa tuwing titingin sa kanya, ang matangos na ilong, katamtamang kapal na mapulang labi, sexy jawline, wavy hair idagdag pa ang medium built na pangangatawan ay pawang nagdadala ng kaba sa puso niya. He was wearing office attire, the usual clothes he's always wearing pero mas malakas ang dating nito ngayon. Then, the realization struck her. Bigla niyang naalala na pag-aari na ito ni Trisha, ng bestfriend niya. Napabungtung-hininga siya at tumalikod papunta sa mesa kung nasaan ang tubig. Suddenly, nauhaw siya. Nagtatakang sinundan siya ng tingin ni Brandon at ibinaling ang tingin kay Von na noon ay nahuli nitong matiim na nakatingin sa kanya.
Lumapit sa kanya si Chase at uminom din ng tubig. "Hay, kung naging babae lang ako, pinagsuot ko na ng chastity belt 'yan at nakaposas na sa kama ko!" maarteng wika nito na ang pinapatungkulan ay si Von. "Hindi naman kasi ako papatulan ng kuya mo kaya ibabaling ko na lang sa iba ang pagnanasa ko!" patuloy nito.
Napangiti siya sa tinuran nito. "Huli ka na, nabingwit na ni Trish 'yan. Wala kang panama kay Diyosa," aniya saka siya mahinang tumawa na hindi umabot sa kanyang mata. Aray! Tulak ng bibig, kabig ng dibdib!
"Hmm, how can you be so sure na si Trish ang nakahuli?" makahulugang tanong ni Chase.
Humalukipkip lang siya bago muling nagsalita. "Kung naging lalaki ka lang sana, Chase, baka nagpakababae na ako!" pagbabago niya ng usapan.
"Hoy, Khel! Huwag mo akong pagnasahan dahil pareho tayong babae! Nakakadiri ka!" bulalas nito na para bang diring-diri sa kanya. Pagkuwa'y muling nagtanong, "Teka, sila na ba ni Diyosa?" nakataas-kilay nitong tanong.
"Hindi pa ba obvious?" sagot niya at muling binago ang usapan. "Ikaw, ha! Kapal mo! Bakit, ganoon ba ako kapangit kaya ayaw mo sa akin?" reklamo niya.
Tinaasan siya nito ng kilay at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Well, you know my answer a long time ago, honey!"
“Yeah, right,” ismid niya.
"Khel, tell me honestly, may nagugustuhan ka na, ano?" tila nanghuhuling tanong ni Chase.
"Ako? Teka lang, ha, iisipin ko nga muna..." nagkunwari siyang nag-iisip at pagkuwa'y umiling, "Wala pa, eh. Babalitaan kita 'pag meron na! Pambihira ka rin, Chase, ano!" iiling-iling niyang anas.
Tinanggal niya ang pagkakahawak nito saka umiwas ng tingin. Para kasi siyang binabalatan nito sa uri ng pagtitig nito sa kanya.
Bumalik siya sa may upuan at naabutan niya na katabi ng kuya niya si Trish habang tinitingnan ang camera habang si Melrose ay abala naman sa telepono. Gumawi ang tingin niya kay Von na noon ay halatang hindi kumportableng sa pagkakaupo. Napuna niya na pinagpapawisan na ito, marahil ay dahil sa init na nanggagaling sa spotlight. Muli niyang tiningnan ang kapatid at kaibigan.
"Okay ka lang ba, Von?" medyo malakas na tanong niya sa binata.
Tumango lang ito sa kanya pagkuwa'y tumingin kina Trish. Halatang hindi nito nagugustuhan ang pagiging malapit ng kapatid niya sa 'girlfriend' nito.
Lumapit siya sa dalawa bago binulungan ang kapatid niya. "Ano ba 'yang ginagawa mo, ha? Dumistansya ka nga kay Trish!" magsasalita pa sana ang kaibigan niya pero hinila na niya si Brandon.
Muling kinuhanan ni Trish si Von ng litrato kahit pa parang napipilitan na lang itong sumunod sa dalaga. Naawa tuloy siya rito. Poor, Von, nahulog na sa patibong ng Diyosa! Trish has her own way of getting anything she wanted - by hook or by crook! Knowing Trish, wala itong pakialam sa damdamin ng nagiging karelasyon nito. Ang mahalaga lang dito ay masaya ito during their relationship at kapag nagsawa na ito ay bye-bye na sa kawawang lalaki.
Matapos ang mahigit-kumulang na tatlumpung minuto ay natapos na ang photoshoot.
"Okay, guys, pwede na si Khel," wika ni Trish sabay pinakawalan ang nakakalokong ngiti sa kanya.
"Ha? Hoy, sabi ko out ako, 'di ba!" tanggi niya sabay tayo mula sa upuan.
Tatawa-tawang muli siyang pinaupo ni Brandon.
"So, I guess, both of us got fooled!" biro nito sabay karga sa kanya. "Let's go. Kahit wala kang makeup, maganda ka pa rin," patuloy nito habang lumalakad papunta sa shooting area.
"Ibaba mo nga ako! Sasamain ka talaga sa akin!" sigaw niya habang nagpupumiglas.
"Nope!" tanggi ni Brandon habang humahalakhak. Maging ang tatlong kaibigan ay hindi makahulagpos sa kakatawa.
"Please put her down. Huwag mong pilitin ang ayaw," malakas na wika ni Von na noon ay palapit na kay Brandon.
Nakatiim-bagang ito at animo handang manuntok any moment. Tinulungan siya nitong makawala sa pagkakahawak ni Brandon at iginiya sa likuran nito na para bang pinuprotektahan siya. She felt so relieved though surprised, and my God, kinikilig siya to the max! Pakiramdam niya, babae na talaga siya!
"Oh, wow! Cool ka lang. We're just teasing Khel! Chill!" wika ni Trish na mabilis na pumagitna kasunod si Chase.
"Yeah, binibiro lang namin si Khel. Cool ka lang, Von," pigil ni Chase.
Si Melrose naman ay hinilang palayo si Brandon.
"I'm sorry, but I will not just stand here and keep quiet while you disrespect Michaella. She might act like she's one of the boys but she's still a girl. If you love her, you won't do such thing!" depensa nito sa tinuran habang hindi inaalis ang matamang tingin kay Brandon. All of them were surprised by what Von said. Agad na napakunot-noo ang kuya niya. Tumikhim si Von bago muling nagsalita. "I-i mean, kahit na sinong babae, 'di ko hahayaang bastusin ng kung sino lalo at sa harap ko," dagdag na depensa ni Von. Defensive masyado!
"I'm sorry, Von. It was my plan to mess around with Khel. I never thought that you'll intervene," paliwanag ni Trish na noon ay hindi malaman ang gagawin at iisipin.
Saglit na nanahimik si Von, pagkuwa'y humarap sa kanya. "Okay ka lang?" tanong nito.
She could sense his sincerity in his tone and when she looked at him, she was overjoyed. His face looked so soft as if he's talking to a child. Ama, huwag N'yo pong itulot na magkasala ako kay Trish! bulong ng isip niya. "O-oo. Okay lang ako," medyo nabubulol pa niyang tugon. His stare was so mesmerizing, at nadadala siya!
Naputol lang ang pagtititigan nila nang hilahin siya ni Brandon.
"Look, first of all, messing around with her is our usual game and second," wika ni Brandon at pagkuwa'y bahagyang lumapit kay Von, "Hello! Nandito si Trish! Magbestfriend sila, in case you don't know," makahulugang patuloy nito.
Von frowned. He got confused. Anong ibig sabihin ni Brandon?
Inakbayan ni Brandon si Von bago nagsalita. "Pasensya na, Pare. Ganyan lang talaga ako ka-close sa kapatid ko," bulong ulit nito kay Von. "Pero, salamat atleast may gentleman na siyang barkada ngayon," pagtatapos ni Brandon saka tinapik-tapik ang balikat ni Von.
Kapatid? gulat na naibulong ni Von sa sarili. Mabilis na dumistansya si Chase sa binata. Damn you, Chase! ang gustong sabihin ng matalim na titig ni Von.