CHAPTER 6

2286 Words
KANINA pa lumilipad ang isip ni Von mula nang sunduin siya ng kaibigang si Timothy sa Hotel at hindi iyon nalingid sa pansin nito. "O, kanina ka pa walang kibo d'yan, ah," nagtatakang tanong nito sa kanya habang ang paningin ay nasa kalsada. "Tim, I think, pwede ko na siyang ligawan," sagot niya sa nagningning na mga mata. "Ha? Eh, 'di ba nililigawan mo na naman talaga si Trish?" "Pards, hindi si Trish. Si Michaella," paglilinaw niya. Napakunot-noo ito. "Teka, Von, naririnig mo ba 'yang sarili mo? Paano mo popormahan si Khel, eh, 'di ba sabi mo, may boyfriend na 'yon?" "That's what I thought. He just told me now na magkapatid sila ni Michaella. Ang saya-saya ko, Tim!" walang pagsidlan ang tuwa niya ng mga sandaling iyon. "Wait lang, ha, I thought si Trish na ang gusto mo? Sa tuwing magkasama tayo, si Trish ang kausap mo sa telepono, 'tapos ngayon, sasabihin mo sa akin na ang gusto mong ligawan ay si Khel? Ang g**o mo," nalilitong wika nito. "I'm just being extra good to Trish para mas mapalapit ako kay Michaella," pag-amin niya. "Tatamaan talaga sa akin 'yang si Chase. Siya ang may kasalanan kung bakit inakala kong may boyfriend na si Michaella," napasimangot siya nang maalala ang kalokohang ginawa ni Chase. "Naisahan ka, ah," natatawang sambit ni Timothy. "Computer wizard ka pa naman, bakit hindi mo na lang tiningnan ang sss niya? Saka tinanong mo man lang ba si Trish? So many ways, Pards, para makakuha ng info. Napaka-torpe mo talaga. Pinahirapan mo pa ang sarili mo." Umiling siya. "Naka-private ang sss niya. Ayoko namang i-hack. I asked her number from Trish pero ayaw niyang ibigay. Nakakainis, malay ko bang napagtripan ako ni Chase," asar na asar talaga siya kay Chase, kung nasa harap niya ito, malamang, nakatikim na ito ng kutos mula sa kanya. He knew very well that it will be really hard to pursue Khel but it's worth trying! At sa ginawa ni Chase, nabawasan tuloy ang oras niya na ligawan ito. Muli niyang ibinalik ang paningin sa phone niya. Panakaw kasi niyang kinuhanan ng mga litrato ang dalaga habang inaayos nito ang background ng photoshoot ni Melrose kanina. Now that he was able to stare at her, the more he looks at her, the more her beauty shines. Hindi nakakasawang pagmasdan. The innocence in her face contradicts the way she ruggedly wear her clothes. "Von, bestfriend kita kaya papayuhan kita, ha," basag ni Timothy sa pananahimik niya. "Alright, let me hear it," anas niya bago nagkibit-balikat at umayos ng upo. "If I'm Trish, I'll assume that you're interested on me since ako ang tinatawagan at nakakausap mo halos araw-araw. Now, if you'll tell me that you like my bestfriend -" pahayag nito na dagli niyang pinutol. "I never told Trish anything," depensa at katwiran niya. "Even so, what I'm trying to say is that, you already established an indirect relationship with Trish. Sa tingin mo ba, hahayaan niya lang 'yon? From the way I see it, Trish likes you," patuloy na paliwanag ni Tim. "Tim, kahit kailan hindi ko sinabi kay Trish na gusto ko siya," muling depensa niya. "Are you listening to what I'm saying? That's not the point. Kahit wala kang diretsong sinasabi, with your gestures, like answering her call and even agreeing to be her model without anything in return, says it all. Kung ako ang babae, pagtatapat mo na lang ang kulang," paliwanag nito. Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan. Posible nga, pero lahat ng pagiging mabait niya kay Trish ay para mas mapalapit siya kay Khel. Trish already told him that she likes him and whenever he tries to correct her, palagi na lang itong umiiwas ng diskusyon. *** NAGKAKATUWAAN sina Khel at mga kaibigan niya sa dorm ni Trish habang tinitingnan ang edited photos ng mga ito. "Oh, gosh! I can't believe na magkakagusto ako sa sarili ko!" biro ni Chase pertaining to his photo. He looked so masculine and ruggedly handsome sa barn and farm background na inilagay ni Trish. "Sabi ko sa iyo, Chase, magpakalalaki lang, magpapakababae na ako!" biro niya rito. "Dare, sissy?" biro ng kuya niya. "Oo! Dare!" sagot niya. "Hay, naku Adonis, malakas ang loob niyan dahil alam niya na kahit kailan, hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko! I was born in the wrong body!" mahabang litanya ni Chase at pumulupot kay Brandon. "I Iike boys!" "Wow, Mel! Goddess!" puri ni Chase nang makita ang litrato ni Melrose. It was one seductive photo na lalong pinalutang dahil sa background na ginamit ni Trish. A mixture of Black and Red kung saan naka-focus ang image sa mukha ni Melrose biting her lips. "Ang ganda ng kinalabasan, Trish. Your editing skill is superb," bati ni Brandon. "Thanks!" proud na anas ni Trish while still scrolling. "Oh, wow! Si formal boy walang pinagbago," puna ni Brandon sa edited photo ni Von. Nilagyan lang ni Trish ng building background si Von at medyo awkward pa ang hitsura nito. "I don't know. 'Di ako makaisip ng i-e-edit sa kanya. I feel like something’s missing," Trish admitted. "Well, hello, Adonis!" anas ni Melrose nang ang image naman ni Brandon ang lumabas. "Uwian na! May nanalo na!" patuloy nito. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang litrato ng kapatid. It was just a simple photo of him sitting with open arms and seems to be looking at the sky, nilagyan ito ni Trish ng backdrop sa damuhan at ambon. The image was so dramatic and professional. "All are excellent maliban 'yong kay formal boy," wika ni Brandon. "Patingin nga ng mga raw photos niya saka ang mga backgrounds mo." She saw the raw photos of the man that makes her heart pound heavily. All his photos are good, para sa kanya. Brandon chose one stolen shot, where Von was sitting while looking at something or someone. "Use this one and embed this with this background." suhestiyon ng kuya niya sa piniling background. Trish put him on a wooden bench. "Then, lagyan mo ng isang shadow ng babae rito," dagdag ni Brandon. "Then, make the background darker... yeah... that's it." "Wow! It's nice, pero parang iba yata 'yang concept ng kay Von compare sa 3 photos," puna ni Chase. "I like this idea," wika ni Trish na mas pinaganda pa ang image by putting more details and enhancing the subject. Hindi niya napuna ang sarili na mataman na pala siyang nakatitig sa ginagawa ni Trish. Ang buong paningin niya ay nasa mukha lang ni Von. Eto na siguro 'yong crush. Hay! Ang dami naman pwedeng maging crush, bakit ikaw pa! sabi ng isip niya. "Sino kaya ang tinitingnan niya?" hindi niya napansin na napalakas pala ang tanong niyang yaon sa isip. Napatingin sa kanya ang tatlong kaibigan maging ang kuya niya. Tumikhim siya at nag-astang balewala lang ang tinuran niya. "M-maganda nga kasi parang magtataka 'yong mga makakakita kung sino o ano ang tinitingnan niya," palusot niya saka lumayo sa mga ito para 'di nito makita ang pamumula ng mukha niya. Napatitig sa kanya si Brandon at napabuntung-hininga. *** KASALUKUYANG nagbi-billiard sina Von at Timothy nang makatanggap siya ng tawag mula kay Trish na parang sobrang saya. "First of all, thank you, Von. I already finalized the edited images. Gusto ko sanang ipakita sa iyo," excited na wika nito. "Sige, Trish. Gusto nga rin sana kitang makausap," he said because he wants to straighten the misunderstanding just in case na inaakala nito na may gusto rin siya rito. "Sige, pero, is it okay if we meet at the Palacio del Café?" anito. "Sige, okay lang. Pwede bang mga 5 pm?" aniya. "Sure. I will be there from 4pm onwards kaya okay lang kahit mapaaga ka," pag-ayon nito. "Sige. See you," sagot niya bago ibinaba ang telepono. "Sama ako, back up mo," nang-aasar na wika ni Timothy. Sinulyapan niya lang ang kaibigan at muling naglaro ng billiards. Ilang oras pa ang pinalipas nila sa bilyaran bago nagpasyang pumunta sa Cafe. Agad niyang nakita ang magbabarkada maliban kay Khel. "Where's Khel?" nagtataka ring tanong ni Timothy habang palinga-linga. Isang beses pa lang nitong nakita ang dalaga, ito ay nang sunduin siya nito sa hotel. "I don't know, pero this is better para hindi awkward," bulong niya bago kumaway kina Trish. Nagwave din ang mga ito pagkakita sa kanila. "Ready?" bulong sa kanya ng kaibigan mula sa likuran. Tumango lang siya at dumiretso na sa table nina Trish. "Hi everyone!" masiglang bati ni Timothy sa mga ito. "Hi!" sabay-sabay na tugon naman ng mga ito. "Want some drinks?" alok niya. Tumanggi ang mga ito kaya um-order na lang siya ng para sa kanila ni Timothy. On the way sa counter ay may bigla siyang naalala. The first time she saw Khel. Napangiti siya sa sarili bago then sighed. Pagkabalik niya ng mesa ay agad siyang niyaya ni Trish na bumukod ng mesa mula sa mga kaibigan bago ipinakita ang final edited project sa kanya. "In-edit mo itong mga ito? Quite impressive, Trish," nakangiting puri niya sa gawa nito. Nakakabilib ang ginawa nito to think na hindi pa ito propesyonal. "Thanks, Von!" matamis itong ngumiti sa kanya. Pagkuwa'y humalukipkip at nagde-kwatro. "I'll go straight to the point. I like you, Von. I want you to be my boyfriend. Tutal mag M-U na naman tayo, so, why don't we put a label in our relationship na, 'di ba?" biglang saad nito out of the blue. "What?" kunot-noong tanong niya nang marinig ang mga katagang iyon mula kay Trish. "You heard it right, Von. Don't worry, I know you're not a cradle snatcher," nakangiting patuloy nito paayon sa sinabi niya dati sa bar. "Trish, hindi 'yon ang ibig kong sabihin,” puno ng alinlangan na wika niya. "Hey, Von. I may be young but I have lots of experience. Don't worry," wika nito sabay tingin sa may pinto ng bar. She saw Brandon na noon ay papasok ng bar. Umirap ito rito at ibinalik ang atensyon sa kanya. "Pero, Trish, I -" pinutol ng dalaga ang sasabihin niya. "I know you like me too. Sino ba naman ang hindi," confident na wika nito then laughed seductively, "But you're too slow kaya ako na ang nag-open up. Hindi ako sanay ng naghihintay," patuloy pa nito na pinaglaro ang mga daliri sa kamay niya na nakapatong sa mesa. Pasimple niyang kinuha ang kamay bago nagsalita, "Trish, hindi mo naiintindihan," he doesn't know how and where to start. "I understand that you’re shy and maybe naghe-hesitate ka pa. Kaya nga ako na ang naunang nagsabi," wika nito. "I'm sorry kung namis-interpret mo ako, Trish. Hindi lang talaga kasi ako marunong tumanggi 'pag may ni-request lalo kung babae. Malaki ang respeto ko sa mga babae dahil puro babae ang mga kapatid ko," paunang paliwang niya. "Lahat ng mga ginawa ko, I'm just being a gentleman just like what I always do to every woman I know," patuloy niya. "What do you mean? Don't tell me tinatanggihan mo ako," nakakunot-noong tanong ni Trish. "Hindi naman sa ganoon. You're beautiful and talented pero pasensya na, may iba na kasi akong gusto," alangangin niyang paliwanag. Namula ito at tumalim ang tingin sa kanya. "How dare you na tanggihan ako? Alam mo ba na madaming nagkakandarapa mai-date lang ako tapos ikaw, ayaw mo!" galit na anas nito. "Calm down, Trish. Hindi ko sinasadya na iba ang inisip mo sa mga ginawa ko," pagpasensya niya dahil medyo lumalakas ang boses nito. Tumabi ito sa kanya at inilapit ang mukha. Mabilis naman siyang lumayo rito. "I will let you think about it, Von. Wala pa akong nagustuhan na hindi ko nakuha. So, be ready," pagtatapos nito bago siya iniwan. Napabuntung-hininga siya. Hindi niya inaasahan ang pangyayari. Akala niya ay magiging madali ang lahat. Agad na umalis si Trish kasunod ang dalawa nitong kaibigan habang si Timothy naman ay umupo sa harap niya. Tumingin pa sa kanya si Chase na parang nagtatanong. "Huwag mong sabihing nagkatotoo ang hula ko?" pauna nito. Tumango siya at pagkuwa’y sinabunutan ang sariling buhok. "Mababaliw na talaga ako!" naiinis na anas niya. Dahil sa pagkabigla ay hindi niya napansin na umupo sa mesa nila si Brandon. "She's a monster! I know!" wika nito matapos ibaba ang dalawang tasa ng hot chocolate. "Nagkita na tayo sa bar, kaso lasing ka na noon. Brandon, Pare," pakilala nito kay Timothy. "Timothy," pakilala naman ni Tim. Nagkamay ang dalawa. "Like what I've said, monster 'yang si Trish. I'm sorry for you, Pare, dahil ikaw ang flavor of the month niya," naiiling na patuloy ni Brandon. "Nagkaroon lang misunderstanding," paliwanag niya. "It's common sa isang relationship. I feel like you're a nice guy kaya papayuhan kita. Kung gusto mong tumagal kayo ni Trish, don't follow what she wants. That way, macha-challenge siya and she will appreciate you more." payo nito. "Hindi. Hindi ganoon, Brandon. Nagkamali siya ng akala," sabat ni Timothy. "Akalang ano? Ah, minsan kasi may pagka-slow 'yon. Palibhasa kasi palaging siya ang nasusunod kaya akala niya lahat ng bagay -" pahayagan ni Brandon na hindi na naituloy pa ang sasabihin nang putulin niya ito sa pagsasalita. "May iba akong gusto, akala ni Trish, siya ang gusto ko, pero nang sinabi ko sa kanya, ayaw niyang maniwala at gusto niyang pag-isipan ko pa rin," pagtatapat niya rito. "Teka, akala ko ba, kayo ni Trish? Iyon din ang sinabi sa akin ni Khel," naguguluhang tanong nito. "Napalapit ako kay Trish para mapalapit sa taong gusto ko," wala sa isip na bulong niya. Nagkibit-balikat ito bago tumingin sa kanya ng diretso at uminom ng tsokolate. "Si Michaella ang gusto ko," pagtatapat niya rito saka sinalubong ang tingin nito. Muntik nang matapon ang hawak nitong tasa sa sinabi niya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD