CHAPTER 7

2434 Words
NAGPAKAWALA nang malalim na buntung-hininga si Brandon. Although, he already have the feeling that there is something going on between Von and his sister, Khel, iba pa rin ang dating sa kanya nang na-confirmed ang sapantaha niya. Iiling-iling siya at pakuwa'y ibinaba ang tasa ng tsokolate sa mesa bago nagsalita, "I've known both girls all their lives. They're bestfriends for Pete's sake. Bakit kasi 'di mo diniretsya si Trish?" "Hindi ko alam na bibigyan niya ng malisya ang ginagawa ko. Hindi ko rin naman sinabi na gusto ko siya," bakas sa mukha ni Von ang pag-aalala. "Von, girls use their emotions not their brain. Ang tagal mo na kasing walang girlfriend kaya nalimutan mo na yata ang concept na ‘yon," wika ni Timothy sabay palatak. "Si Michaella, paano niya nasabi na kami ni Trish?" tanong ni Von sa kanya in a worried tone. "Hindi ko alam. Pero likas sa babae ang mag-conclude agad kahit wala namang ebidensya," paliwanag niya. He can feel him, pero kung kaibigan niya lang ito, natuktukan na siguro niya ito. Bakit kasi hindi naging mas usisero! "Kung alam ko lang na magkapatid kayo, nagtapat na ako noon pa sa bar. Akala ko kasi boyfriend ka ni Michaella," pag-amin ni Von na napakamot pa sa batok. "What! Really?" napailing siya, "Dapat kasi nag-imbestiga o nagtanong ka man lang," palatak niya. How can this guy be so stupid, although, he seems to be smart? "Nagselos nga ako sa iyo kaya umiwas na lang ako dahil ayoko ng away at g**o," patuloy na pagtatapat ni Von. "Sa totoo lang, ilang beses din kitang nahuli na nakatitig kay Khel. Hindi ko lang binigyan ng kahulugan dahil nga akala ko, kayo ni Trish at ayokong haluan ng kung anuman ang napapansin ko," siya naman ang nagtapat. Ofcourse, hindi na bago sa kanya ang magmahal, lalo na ang lihim na masaktan, kaya naiintindihan niya ito. "Gusto ko na siya simula pa noong makita ko siya rito. 'Di man lang nga sumagi sa isip ko na tomboy siya," tila nasa kung saang alapaap ang utak ni Von, his eyes were full of emotions, full of hopes. Napangiti si Brandon sa tinuran nito. He is unbelievably honest and he doesn’t know if that's good or bad. Kinabig ito ni Timothy bago nagsalita, "Dude, hindi si Khel ang kaharap mo. Kapatid niya 'yan kaya medyo zzziiippp," pigil nito sa kaibigan habang iminumustra ang pagtahi sa bibig. Napatawa na lang si Brandon sa tinuran ni Timothy. "Wait guys, want some drinks?" pagdaka'y wika ni Timothy. Tumanggi sila at pinabayaan na lang ito. "Sa totoo lang, makakawala ka rin naman sa galamay ni Trish, the question is, when. Kapag kasi ginusto niya, gusto niya, you don’t argue," wika niya. "Wala na akong pakialam sa gagawin niya. Ang mahalaga sa akin ay masabi ko kay Michaella ang gusto kong sabihin sa kanya," determinadong wika nito. He sighed. "I'm giving you an advice. Ayusin mo muna ang problema mo kay Trish bago mo kausapin si Khel dahil mas makikinig ang kapatid ko sa bestfriend niya kaysa sa bago lang niyang kakilala," paliwanag niya. Napabuntung-hininga ito at matamang nag-isip. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin si Von sa kanya. *** "What do you think you're doing, Trish? Bakit ba nagkakaganyan ka?" nakasunod si Khel sa kaibigan na noon ay paulit ulit lang ang ginagawang pag-aayos sa mga gamit sa kuwarto nito. "Ano ba kasi ang sinabi sa iyo ni Von, ha?" tanong din ni Melrose habang nakaupo sa ibabaw ng kama ni Trish. Pagkatapos maglagi ni Khel sa library ay sa dorm na ni Trish siya tumuloy dahil na rin sa message ng kaibigan sa kanya, kaya wala siyang ideya kung ano ang nangyayari dito. "Lover's quarrel?" pabulong na tanong niya kay Melrose. Nagkibit-balikat ito bago sumagot, "Ewan." Inakbayan niya si Trish at iginiya na maupo sa kama katabi ni Melrose. "Maupo ka nga muna," aniya at tumitig sa kaibigan, "Nag-away ba kayo ni Von?" "I don't want to talk about it," sagot nito saka muling tumayo. "Tingnan mo 'to, tatawagin mo kami 'tapos ganyan lang naman ang inaatupag mo at hindi mo kami kakausapin ng maayos," reklamo niya. "Sorry, girls! May ibinilin lang si mother dear," singit na wika ni Chase pagkapasok galing sa labas ng dorm, "So, ano, okay ka na ba, Diyosa?" Tumigil si Trish sa ginagawa at humarap sa kanila, "I really like Von," simula nito. It felt like a sharp knife cutting her heart into pieces. Mas masakit pala kung maririnig niya ang mga katagang iyon mula mismo sa bestfriend niya. "We all know that, Trish. 'Di ba kayo na nga," sagot naman ni Melrose. "Ay, lagot na si Von. Kapag nagsabi ka na ng ganyan, ibig sabihin hindi lang 'yan simpleng flirt," napapalatak si Chase bago tumingin sa kanya. Napatingin siya rito at bakit parang may ibang pakahulugan ang mga tingin nito sa kanya? Ibinalik niya ang paningin kay Trish at lumapit dito. "Alam mo naman na suportado ka namin palagi basta huwag ka lang papadehado, mukha naman siyang matino. Malay mo, siya na ang katapat mo, Trish, 'di ba?" aniya na may ngiti sa labi subalit ang puso niya ay parang pinipiga sa sakit. "He likes someone else, guys!" wika nito at pagdaka'y nagsimula nang umiyak. "I can't believe na tatanggihan niya ako! Nakakahiya! My poor pride!" parang bata ito na umupo sa kama. Napanganga si Chase sa nadinig at muling tumingin sa kanya. Nagtatakang tiningnan niya ang kaibigan. Bakit ba panay ang tingin nito sa kanya na para bang may kinalaman siya sa nangyayari? Inismidan niya ito bago dinaluhan si Trish. "Baka naman kasi binigla mo rin. Ano ka ba, Trish! Wala pang humindi sa iyo. Saka sa mga kilos at galaw ni Von may gusto rin 'yon sa iyo. Naalala ko, sinabi niya na gusto ka niya," pag-alo niya rito. The pain struck again when she recalled what he said on the phone while Trish was drunk. "Isipin mo na lang ang mga efforts niya 'no. Ofcourse, hindi niya 'yon gagawin kung hindi ka niya gusto," segunda ni Melrose. Naiinis na itinali nito ang nakalugay na buhok saka muling tumayo. "He wants to play hard to get, then I'll give him the taste of his own medicine! Sa akin din siya babagsak!" wika nito. May kung anong takot at awa siyang nadama para kay Von. She knew Trish very well and she will do whatever it takes to get whatever or whoever she wants in every way she can. Alam niyang may ibang mundo ring ginagalawan si Von kaya't hindi imposible na mapalibutan ito ng ibang mga babae na maari nitong magustuhan. Ang reyalidad na iyon ay manakang naghatid ng hapdi sa kanyang puso. Bakit ba kasi na sa tuwing maiisip niya si Von na kasama ang ibang babae ay nasasaktan siya? And the fact that she actually like Von sinked in. Hindi puwede, bulong niya. That's the time na nahuli niyang nakatingin na naman sa kanya si Chase pagkuwa'y iiling-iling na lumabas ng silid. Problema ng taong 'yon! tanong niya sa sarili habang sinusundan ng tingin ang kaibigan. *** After few days, nakipagkita ulit si Von kay Trish para sana kumbinsihin ito na wala siyang nararamdaman dito na higit pa sa pagkakaibigan. Hangga't maaari ay ayaw niyang makasagabal iyon sa plano niyang pagtatapat kay Khel. He knew that it will be very difficult for him to convince Khel that he likes her despite her get-up, but he'll do it anyway! Sa ngalan ng pag-ibig! "Von, do you think maniniwala ako sa mga sinasabi mo na hindi mo ako gusto? I will give you time para magkalakas-loob ka na aminin 'yang nararamdaman mo. I might have bad records of breaking men's hearts but I am worth a try," wika ni Trish pagdaka'y hinaplos ang kanyang mukha. Mabilis siyang umiwas nang akmang hahalikan siya nito at saka siya nagtiim-bagang. He wants to tell her the truth ngunit sa tigas ng ulo nito at saradong utak sa pakikinig ay imposibleng pakinggan siya nito. All she knows is talk and that's it! "Trish, hindi ko sinasadya na mali ang dating sa iyo ng mga ginawa ko. Kahit kanino namang babae gagawin ko 'yon dahil may respeto ako sa mga babae -" Hindi niya na natapos pa ang sasabihin nang tumayo ito. "I need to go back to my class. Sunduin mo ako mamaya, by that time baka may lakas-loob ka na," pagtatapos nito bago humalik sa pisngi niya na 'di niya naiwasan at mabilis na umalis. Nakasalubong pa nito si Khel na agad din nitong hinila palabas ng Cafe. Just a glimpse of Khel made his heart flutter! He really is inlove! Paalis na sana siya nang muling pumasok ng Cafe si Khel at umupo sa isang pang-isahang sofa sa 'di kalayuan sa inuupuan niya, pagkuwa'y binuksan ang librong hawak. May napansin pa siyang ilang estudyanteng babae na nakatanghod kay Khel sa kabilang mesa at para bang nangangarap ng gising. Napailing na lang siya. Muli niyang tiningnan ang dalaga, she is indeed an eye-candy! Makakaroon pa yata siya ng karibal, at mga babae pa! Kapag minamalas ka nga naman! Marahan siyang lumapit dito. She looked so wonderful with a white cap partnered with a plain white T-shirt, maong pants and white rubber shoes. Despite her boyish get-up, he finds her so incredibly attractive! Nakatitig siya rito nang magtaas ito ng tingin, marahil ay napansin nito na nakatayo siya sa harapan nito. Alanganin itong tumingin sa kanya bago nagsalita. "Ikaw pala, Von," sambit nito. Ilang sandali rin silang nakatingin lang sa isa't isa. "Kumusta?" sa wakas ay naitanong nito. "Kakaalis lang ni Trish, ah," patuloy nito. Hindi niya maapuhap kung ano ang sasabihin dito. He's totally mesmerized by her presence alone. Tumayo ito ay marahang ikinaway ang kamay sa tapat ng kanyang mukha. "Okay ka lang ba, Von?" tanong nito na may halong pagtataka. Tila naman natauhan siya at saka siya nagpakawala ng buntung-hininga. "S-sorry. May naalala lang ako," sagot niya. Humila siya ng isang upuan at umupo paharap dito. Ito naman ay alanganing muling umupo sa sofa. "Oh, I'm sorry. My manners!" aniya dahil nawala sa isip niya na tanungin man lang ito bago siya naupo sa harapan nito. "Okay lang ba kung samahan kita rito?" tanong niya. "Walang problema. Nagbabasa lang naman ako," sagot nito. Halata sa dalaga na hindi ito kumportable. "Hinihintay ko kasi si Tim," dahilan na lang niya, "Then, nakita kita," patuloy niya. "Hinihintay ko lang din si Brandon," sagot din nito at muling ibinalik ang paningin sa librong binabasa. "Ahm, do you want any drinks?" alok niya, trying to break the ice. "Hindi na. Salamat na lang," tanggi nito. "I'll order. Just wait here," pilit niya atsaka tumayo at umorder ng maiinom nila. "Here you go," aniya pagkabalik saka ibinigay dito ang coffee latte. Naglabas ito ng ngiti habang nakatingin sa kape ngunit muling pumormal nang tumingin sa kanya. "Salamat," wika nito. "Napansin ko kasi na palaging 'yan ang iniinom mo kahit doon sa hotel kaya nagbakasakali ako na 'yan ang paborito mo," wika niya na ikinapula ng mukha nito. "Ah, ganoon ba," hindi nito malaman kung ano ang isasagot sa kanya. "Ah, by the way, do you mind if I ask you some questions?" tanong niya to reduce the awkwardness between them. "Hindi naman, basta ba okay lang ang mga tanong mo," wika nito bago diretsong tumingin sa kanya. Ang sarap titigan, wika ng isip niya at pagdaka'y kusa siyang nagpakawala ng matamis na ngiti. Napakunot-noo si Khel. "May nakakatawa ba?" tanong nito, a bit confused. "I'm sorry, wala, wala," paumanhin niya. "Okay. Ano ba 'yong itatanong mo?" pauna nito bago humigop ng kape. "I heard that you're taking Automechanical Engineering, so what made you decide to take it?" simula niya. "I like fixing things specially cars," sagot nito. ‘How about fixing a heart?’ ang nais niya sanang itanong, buti na lang ay napigilan niya ang sarili niya. "Ah. So, where do you plan to apply after graduation?" sa halip ay usisa niya. "Hindi pa ako decided, eh. Dalawa ang pinag-OJT-han ko at malamang sila ang mauna kong pasahan ng resume ko," sagot nito. Muli, binalot sila ng katahimikan. 'Di siya makaapuhap ng sasabihin sa dalaga. Why can't he find the words to say whenever he's in front of this woman - always! Natatameme na lang siya palagi. "Alam mo, Von, mukhang 'di ka okay," puna nito. She sighed bago nagsalita, "Bestfriend ko si Trish at kilalang-kilala ko siya," pasimula nito, "Mabait 'yon kahit may topak minsan. Huwag kang mag-alala dahil sa tingin ko naman gustong-gusto ka rin niya," ngumiti ito subalit hindi umabot sa magandang mata nito. Are his eyes fooling him now? Why he can see sadness and pain through those beautiful innocent eyes while she's talking? "Hindi mo naman kailangan na pigilan 'yang nararamdaman mo -" patuloy nito. "Wait, do you honestly think that I like Trish?" nakakunoot-noong tanong niya rito. He couldn’t take it anymore. "Oo. Kaya 'wag ka ring mag-alala sa aming mga kaibigan niya dahil kung saan siya masaya, 'di namin siya pipigilan. At sa ngayon, nakikita namin na masaya siya sa iyo kaya huwag mong pahirapan pa ang sarili mo at si Trish. Sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo," wika nito na umiwas ng tingin sa kanya. "Yes, ‘yon talaga ang balak kong gawin ngayon. But, how can you say that I like her?" siya ang mas nasasaktan sa sinasabi ni Khel. Nakakunot-noong tumingin ito sa kanya. "Von, hindi kailangang maging eksperto para malaman na gusto mo siya. Sa kilos at salita mo siyempre. Boto naman kami sa iyo para kay Trish," sagot nito pagkuwa’y pagak na tumawa, "Mukhang nakita na ni Trish ang katapat niya," dugtong nito. "I think you're mistaken, Michaella," sa wakas ay nakarecover siya sa pagkamangha. He let go a deep sigh then looked straight unto her eyes. "Hindi si Trish ang gusto ko, kundi -" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang dumating at nagsalita si Brandon. "Von, I think, this is not the right time and place to say whatever it is that you're planning to say," agad na wika nito para di matuloy ang sasabihin niya. "Brandon, ano ka ba?" narinig niyang saway ni Khel sa kapatid. Hinarap niya ang binata bago muling nagsalita. "I'm sorry, Brandon," bago muling nagpakawala ng malalim na hininga, "I can't help not to fall inlove with your sister! Hindi ko na kaya pang pigilan ito!" anas niya sabay turo sa dibdib niya at tingin kay Khel na noon ay nakaawang na ang mga labi sa pagkabigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD