CHAPTER 8

2038 Words
"SoO alam mo na pala ang lahat pero nanahimik ka lang?" nagpupuyos ang kalooban ni Khel habang lulan siya ng sasakyan ng kapatid. Dagli siyang sinukluban ng sari-saring emosyon nang malaman ang nararamdaman ni Von para sa kanya. Gusto niyang maglulundag sa tuwa dahil may katugon pala ang pagkagusto niya rito pero nandoon din ang pangamba para sa maaaring mangyari oras na malaman ni Trish na siya pala ang babaeng talagang gusto ni Von. "I'm sorry, Michaella, kung hindi ko agad nasabi sa iyo. I have too much to explain but -" hindi na natapos ni Von ang sasabihin dahil mabilis siyang hinila ng kapatid palayo rito. Gusto niyang umiyak dahil sa sitwasyon. Is love really this complicated? tanong ng isip niya. "Nagtapat siya sa akin noong nalaman niya na magkapatid tayo. Akala niya kasi boyfriend mo ako," pag-amin ng kuya niya habang umiiling-iling. "Paano? Pipi ba siya at hindi man lang nagtanong?" pagdaka'y nag-isip siya. Hindi ba niya nabanggit dito na kapatid niya si Brandon? And to think na napapaligiran ito ng barkada niya, how an intelligent man like Von didn't even bother to ask? "Do you like him too?" sa wakas ay tanong nito nang ilang minuto siyang nanahimik. Nilingon niya ito bago sumagot. "Hindi, ah!" tanggi niya bago pumalatak. "Nagpapatawa ka ba, Brandon! Kung anu-ano 'yang naiisip mo," payak ang tawang pinakawalan niya. Nagpakawala ito ng marahas na buntung-hininga, "I saw you, Khel. You can't hide it from me. Not from me, for God's sake." "Ewan ko sa iyo, Brandon, pero hindi talaga," muling tanggi niya. Itinigil nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Malapit na sila noon sa bahay nila. "Look at me, Michaella," seryosong tawag nito sa kanya in a soft voice, "Do you like him?" Muli siyang nag-iwas ng tingin. "Hindi nga. Saka hindi na importante kung ano ang nararamdaman ko. Ang iniisip ko ngayon ay si Trish. Siguradong -" "Can you please just think of your own happiness for once. Do you think Trish will stay inlove with Von? You know her so well. Men are just like ice cream flavor to her. She will just throw him away once he is no longer up to her satisfaction," tiningnan siya ng kapatid ngunit nanatili siyang nakatitig lang sa labas ng window side niya. Dahil sa closeness nila, she's sure that he can feel the pain that she's going through right now. To her, this feeling is new and so overwhelming. "Look at me," hinawakan nito ang baba niya at pagkuwa'y pinilit siya na tumingin dito, "Just admit it. Wala namang masama kung aaminin mo. Kahit sa akin lang," pamimilit nito. "It's hard kapag kinimkim mo lang 'yan sa sarili mo," pagkumbinsi nito. "Ano ka ba, Brandon. Nababaitan lang ako sa tao," muling pagtanggi niya kahit pa ang mga mata niya ay ikinakaila ang mga sinasabi ng puso niya. Ginulo nito ang buhok niya at pagkuwa'y muling nagdrive. "I'm glad that you're becoming a woman now! Inlove na ang kapatid ko! Iba talaga ang kamandag natin, eh. Kahit ganyan ang hitsura mo, may napana ka pa rin!" nakangiting tudyo nito sa kanya. "Tumigil ka nga. Para kang timang! Wala nga!" sinuntok niya ang braso nito bago umiling iling. Muli siyang sinulyapan ng kapatid bago tuluyang ipinark ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Brandon knows her very well. She loves Trish very much and there is no way that she will allow anybody to hurt her kahit pa nga minsan ay lumalabas na kunsintidor siya sa mga ginagawang kalokohan ng kaibigan. Brandon knows that Khel has a pure heart and he is very sure that she is willing to sacrifice her own feelings just to avoid hurting Trish, but since he loves his little sister very much, there is no way that he will allow her to let go of her feelings just because of that selfish brat, Trish. *** Kanina pa nakatigil ang kotse ni Von sa tapat ng bahay ni Khel. "What's your plan, Pards?" tanong ni Timothy na siyang nasa driver's seat. Saglit itong umalis nang nasa bar na sila at nang balikan siya ay halos lunod na siya sa alak na nainom. He clenched his fist nang maalala ang nangyari sa Café kanina. Ang tagal na hindi tumibok ng puso niya, bakit sa kumplikadong sitwasyon pa! "I don't know, Tim. I want to tell her everything para mas maintindihan niya. Gusto kong makilala ang pamilya niya at umakyat ng ligaw sa kanya. Gusto kong ipakilala siya sa mga kapatid ko para tigilan na nila ako sa kakareto sa kung kani-kanino," saglit siyang natigilan at nangingiting tumingin sa kaibigan. "Tim, I think I'm inlove with her. Just by looking at her, I already built my future with her. How can it even be possible?" Napakamot sa batok si Timothy at pagkuwa'y kinusot ang mata. "Oh man! Are you really serious! Masama iyan!" sabay palatak. Tiningnan niya ito ng diretso. "I may be drunk but I know what I'm saying, and I’m dead serious, Tim. She’s the one!" *** Malapit na si Khel sa bahay nila nang mapansin ang sasakyan na nakaparada malapit sa kanila. Katulad iyon ng sasakyan ni Von kaya't pamilyar sa kanya ang car model. Ilang araw niya na ring napapansin iyon, pero palibhasa'y may paupahan ng bahay malapit sa kanila, kaya inisip niyang baka may bagong umupa roon na may-ari ng sasakyan. Nalampasan na niya ito nang bumukas ang pinto ng driver's seat at agad niyang naamoy ang pamilyar na halimuyak ng pabango. Pareho ito ng pabango ni Von. Bigla ang pagtahip ng kanyang dibdib at tila panunuyo ng kanyang lalamunan. Pinilit niya ang sarili na ipagpatuloy ang paglalakad ng maayos at pinigil ang sarili na lingunin ang taong lumabas ng sasakyan. She doesn’t want to be disappointed kung sakaling hindi si Von iyon, but at the same time, she was praying that it was him. Oddly enough, she realized that she is being senseless and unreasonable, thinking of the two opposite things to happen at the same time. Michaella, nababaliw ka na ba! saway niya sa sarili. Hahakbang na sana siya nang tawagin siya nito, "Michaella!" Her heart wanted to jump out from her chest! The man with that voice that she's been longing to hear for quite sometime is actually here. She heaved a deep sigh and tried her best to be calm. "O, a-anong ginagawa mo rito?" tanong niya na may bikig sa lalamunan. "Gusto ko sanang makausap ka," bahagya itong lumapit sa kanya. Dahilan para muli niyang malanghap ang pinagsamang natural na amoy ng binata at pabango nito. Marahan siyang napaatras. Her defense might give up any minute! She doesn’t know what to do! "O, Ate, may bisita ka pala. Pasok kayo sa loob ng bahay," wika ng paparating na si Gero, ang bunso niyang kapatid. "Ako pala po si Gero," pakilala nito kay Von bago siya inakbayan at giniyang maglakad papasok sa bahay nila. Hindi na nito hinintay na magpakilala si Von. Sa edad na 15 ay mataas na ito at hindi na nalalayo sa tangkad ng kuya nila kaya mas madalas ay siya ang napagkakamalang bunso. *** "Gero, magbihis ka muna," taboy ni Khel matapos ibaba ang juice na tinimpla ng nanay nito para sa kanya. Nawili kasi ito sa pakikipag-usap sa kanya. Tumayo naman ito at nagpaalam. "Kuya Von, dito ka na mag-dinner. Masarap magluto ang mommy namin," wika nito bago umakyat ng hagdan. "Salamat," wika niya bago tinanggap ang juice na ibinigay ni Khel. Nagde-kwatro ang dalaga habang kinukuyakoy ang mga paa. Hindi ito mapakali sa pakiwari niya. Tumikhim muna siya bago uminom ng juice pagkuwa'y ibinaba ang baso at nagsalita, "About what I said at the Café -" "Ah, wala 'yon. Kalimutan mo na 'yon," putol ni Khel sa sasabihin niya ngunit iniwasan ang tingin niya. "Gusto kong mag-explain sa iyo, from the start until now," patuloy niya, ignoring her words. "Von, pwedeng isipin mo muna ng ilang beses ang mga sasabihin mo bago ka magsalita?" wika nito bago malungkot na nagpakawala ng hungkag na ngiti. Her eyes were full of sadness. "Kung anoman 'yan, hindi 'yan totoo. Hindi mo ba ako nakikita. 'Etong hitsura ko? Suot ko? Pagsasalita ko?" mahina pero madiin ang naging pahayag ng dalaga para hindi makaagaw pansin sa ina nito na nasa kusina at kapatid na nasa itaas ng bahay. He gritted his teeth. How he wish he could take those pain away from her. "I liked you from the moment I laid my eyes on you. Alam ko, hindi mo ako papaniwalaan pero 'yon ang totoo," walang pag-aalinlangang umpisa niya. Marahan itong umiling bago muling nagsalita, "May sapak ka na yata, eh.”’ "Yes, I’m crazy inlove with you," sagot niya rito. Napaawang ang mga labi nito sa tinuran niya. God forbid, he wanted to kiss her like hell at hindi niya napigilan pa ang sarili na isatinig iyon. "I wanted to kiss you right here, right now, but I respect you so much, so, I will try my best not do that. Just so you know, I’m not really like this, pero dahil sa iyo, nagkakaganito ako. Para na akong baliw kakaisip sa iyo!" patuloy niya. “Tumigil ka na nga,” muling iwas nito bago akmang tatayo subalit pinigilan niya ito. "It's okay, Michaella. Don't be afraid to admit it. Alam ko, may nararamdaman ka rin para sa akin. I can feel it," pilit niyang pangungimbinsi rito. Marahas itong umiling at tumingin sa kanya. Inilibot nito ang paningin at siniguradong walang tao bago nagsalita. "Nasisiraan ka na yata, eh! Akala mo maniniwala ako! Pagkatapos mong magtapat kay Trish na gusto mo siya, basta mo na lang 'yong babawiin? Ano ito, lokohan? Kahit ganoon si Trish, hindi ko hahayaang masaktan siya," at pagdaka'y tiningnan siya nito ng nang-uuyam. "Bilib na rin sana ako sa iyo, kaso, ang lakas din ng loob mo na ako pa ang gamitin mo, masaktan lang si Trish. Sa hitsura kong ito, ako pa talaga ang napili mo, eh, ano! Ayos ka rin, ah!" "I like you… no, I think, I’m inlove you," giit niya. "Wala kang dahilan para maramdaman 'yan sa akin, Von. Tangengot ka rin, 'no! Hawak mo na nga ang diyamante, lilipat ka pa sa purunggo!" tangging-pamimilit din nito. Nagpakawala siya nang malalim na buntung-hininga then met her eyes, "Bakit mo kailangang ikumpara ang sarili mo kay Trish. You have your own identity. You are more beautiful for someone like me to appreciate. You might think that you’re not special but to me, you are. Bakit ba ayaw mong maniwala?" sagot niya. Naputol ang pag-uusap nila nang bumukas ang pintuan at iluwa noon si Brandon. Medyo nagulat pa ito nang madatnan siya. "So, you finally had the guts to actually get out of your car and come here instead. Way to go, Von!" wika nito na hindi niya malaman kung sinsero or nang-uuyam. "Hey, sissy, asikasuhin mo ang bisita mo. I suggest, doon kayo sa likod-bahay mag-usap para mas sweet!" tudyo nito pagkuwa'y inaya siyang tumayo at baybayin ang daan sa likod-bahay. Walang nagawa si Khel kundi sumunod sa kanila. "Khel, just listen to him. Ang tagal niyang nag-ipon ng lakas ng loob para magtapat," napatawa ito ng mahina, "one-week, Pare! Wow!" wika nito sabay tapik sa kanyang balikat bago sila tuluyang iniwan. Umupo siya sa katapat na upuan ni Khel bago muling kumuha ng hangin sa dibdib. "For the record, I never told Trish that I liked her. If she told you that, I'm sorry to say, but your friend is lying," pauna niya. "Wala siyang sinabi. Ikaw ang nagsabi," sagot nito. Damn! I wanted to hug you and take that pain away! bulong niya sa sarili. "Kailan ko sinabi na gusto ko si Trish?" kunot-noong tanong niya. He is positive that it didn't happen because of the fact that he never actually liked Trish, so why will he say that? "Noong malasing siya. Pasensya na, ako kasi ang sumagot ng telepono niya noon kaya -" "I knew that it was you. I never meant her, I meant you. Those words were all for you," wika niya na muling nagpaawang sa labi ng dalaga.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD