CHAPTER 9

2382 Words
“COULD you please, stop doing that!" wika ni Von kay Khel, "I swear, I'll kiss you! 'Di na talaga ako makakapagtimpi!" Awtomatikong naisara ni Khel ang nakaawang na labi and covered it with her arms, it made him wanted her more dahil nagblush na naman ito. Pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa magandang tanawin na nasa harapan niya. This girl, in a short period of time, put him in a state of madness! He stopped getting in touch with Trish. He doesn't have any reason to do so, although, it made him looked like a bad guy, as what his friend Tim put it. He already confessed his love to Khel. Mahigit isang linggo rin siyang araw-araw na nasa labas ng bahay ng dalaga para lang makita ito, collecting every inch of guts na meron siya. Nang makabawi sa pagkabigla ay nagsalita si Khel. "Von, kailangan mo na yata ng salamin. O, baka nasisiraan ka na rin. Alam mo ba talaga iyang sinasabi mo?" "Yes, sure. I know damn well that I am inlove with the girl who dresses and acts like a boy. And yes, I am insanely mesmerized by your boyish charm. If I need to be gay just so you'll go out with me, then just say so 'cause I will definitely do it in a blink of an eye!" madamdaming wika niya, "Do you like me kahit kaunti lang?" pahabol na tanong niya, and he’s desperately wishing for a positive reply. Lumamlam ang mata ng dalaga at umiwas ng tingin sa kanya. "Walang lugar ang kung ano ang nararamdaman ko sa maaring maging sitwasyon natin." Tumayo ito bago nagpakawala ng hininga. "Pasensya ka na, Von. Salamat kung totoo man iyang sinasabi mo, pero, hindi ko ipagpapalit ang kaibigan ko sa iyo," wika nito. Umiwas ito ng tingin bago muling nagsalita, "Ipagpalagay na natin na gusto rin kita. Sa palagay mo ba, magiging masaya ako kung masasaktan ko ng husto si Trish? Nakita ko kung gaano siya kasaya kapag kausap at kasama ka niya. Hindi ko 'yon kayang kuhanin sa kanya. Alam mo ba kung gaano kalungkot ang buhay niya? Pero noong mga panahon na dapat umiiyak siya, napasaya mo siya. Kaya ngayon, sabihin mo sa akin kung paano ko aagawin ang dahilan ng pagtawa niya? Ako, perpekto ang buhay ko. Buo ang pamilya ko na nagmamahal sakin. Busog na busog ako sa pagmamahal, pero si Trish, masyadong sabik sa pagmamahal." Tumigil ito sa pagsasalita bago tumingin ng diretso sa kanya, nakikiusap ang mga mata nito, "Please, show Trish how to be loved and treat her well." Nagtiim-bagang siya at naikuyom ang mga kamao ng wala sa loob. "You're asking for too much, Michaella. I'm sorry, pero hindi ko kayang gawin iyan. Hindi ko kayang lokohin ang puso ko," tanggi niya. "Kung hindi mo matutugunan ang pagmamahal ko, so be it, but please, don't ask me to love someone else because right now, I can't." Nabasa niya sa mga mata ng dalaga ang sakit at alinlangan. She is in between friendship and love, and she is willing to sacrifice her own hapiness for the sake of friendship, at nasasaktan siya sa katotohanang wala la siya sa dalaga. "I-i'm sorry," mahinang anas ng dalaga habang nakatungo. Tumayo na rin siya at ngumiti ng mapait, "Thank you for listening, atleast nasabi ko sa iyo ang gusto kong sabihin noon pa." Nagpatiuna na niyang binagtas ang pabalik sa loob ng bahay nang makasalubong niya ang ina ni Khel. "Oh, Hijo. Tamang tama, nakahain na sa hapag. Halina kayo," nakangiting hinawakan nito ang braso niya. "Khel, anak, halika na. Sumunod ka na rin," tawag nito sa dalaga na noon ay nakasunod na sa kanila. Nagpakilala siya sa ama ni Khel at sa isa pa nitong kapatid na si Rielle. Naalala niya tuloy ang mga kapatid na nasa probinsya. Sa Batangas na namalagi ang mga ito mula nang mamatay ang kanilang magulang. Matagal silang nagkuwentuhan at panaka-naka ay nahuhuli niya si Khel na nakatingin sa kanya na mabilis na umiiwas sa tuwing titingin siya. Gabi na nang magpaalam siya. Nagprisinta naman ang magkakapatid na ihatid siya sa labas. "Feeling ko nadagdagan ako ng kuya!" wika ni Gero na malapad ang pagkakangiti. "Nice meeting you, Von. Pasyal ka ulit dito," nakangiting wika rin ni Rielle. "Ingat sa biyahe. See you!" anito bago pumasok. Inaya na rin nito si Gero. "Bye, Kuya Von," magiliw na paalam nito bago tuluyang bumalik sa loob ng bahay. "Wow naman! Pwede na ba kitang tawaging Bro?" biro naman ni Brandon. "Sige, pasok na ako," walang-buhay na paalam ni Khel. "Teka lang, Sissy. Don't be like that!" saway ni Brandon na hinila ang dalaga pabalik. "Ganito 'yan Khel, kapag may umakyat ng ligaw sa iyo, dapat inihahatid mo ng maayos hanggang sa makaalis na ng tuluyan bago ka papasok pabalik sa bahay. Ganoon 'yon," panenermon nito. "Tumigil ka nga, Brandon! Sino naman ang may sabi sa iyong nagpapaligaw ako!" nakabusangot na sambit ng dalaga. Malakas itong tumawa bago sila iniwan. "Whatever! I'll leave you two love birds!" anito bago tuluyang pumasok ng bahay. "Ingat ka sa pagmamaneho," nahihiyang anas ni Khel. "Thanks," pakli niya bago pumasok ng sasakyan. Ibinaba niya ang salamin bago muling nagsalita, "Mali ang kuya mo, your suitor has to make sure that you are inside your house before he leaves. Sige, pasok ka na," wika niya. Alanganin itong naglakad palayo sa sasakyan niya bago muli itong lumingon sa kanya. Why are you so naive, Michaella! bulong niya nang masigurado niyang nasa loob na ng bahay ang dalaga bago pinaandar palayo ang sasakyan. *** "Ngapala, bakit umuwi kaagad si Trish kanina?" tanong ng mommy ni Khel nang makabalik siya mula sa labas. Napakunot-noo siya. Hindi naman niya nakita si Trish kanina. "Anong oras po siya pumunta, Mommy?" tanong niya. "Noong nasa likod-bahay kayo ni Von. Hindi ba kayo nagpanagpo?" takang tanong nito. Umiling siya. "Ah, nakita ko siya kanina, ako na ang nagbigay ng hinihiram niya kaya siguro hindi na tumuloy sa likod-bahay. Mukhang nagmamadali, eh," sabat ng kuya niya. "Ah, sige. Tawagan ko na lang siya. Ano ba ang hiniram niya?" bakit iba yata ang pakiramdam niya? "Huwag mo na munang tawagan," seryosong tumingin sa kanya ang kapatid pagkuwa'y itinuro ang likod-bahay. Ibig sabihin ay doon sila mag-usap na magkapatid. "She came by at pakiramdam ko, narinig niya ang pag-uusap n'yo ni Von. I tried talking to her but she just left without even saying a word to me," kumpirma ni Brandon sa sapantaha niya nang mag-usap sila sa likod-bahay. *** Inaasahan na ni Von na magugulat si Timothy sa desisyon niya. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" napatigil si Timothy sa paglalaro ng PSP at napatunghay sa kanya. "Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, Tim. Ngayon ko lang ito naramdaman. Mas masasaktan ako kung ipagpapatuloy kong makita na nahihirapan siya. At ang masakit pa roon, kahit gusto niya rin ako, hindi pa rin niya ako kayang piliin. Hindi pa nga ako nag-uumpisa, talo na agad ako sa laban!" malungkot na anas niya. "So, you're just giving up the fight?" nakahalukipkip na tanong sa kanya ng kaibigan. "I'm just giving her time to decide. Sabi nga nila, love is worth waiting for. Ayoko siyang pilitin kung hindi pa siya handa," katwiran niya. "But love is also worth fighting for," wika nito habang nakataas ang kilay. Ilang araw mula nang magkausap sila ni Khel ay pinag-isipan niyang maigi kung ipagpapatuloy ang pagsuyo sa dalaga o pansamantalang lalayo. He chose the latter. He decided to leave Manila and stay in Batangas. Nagpasa siya ng irrevocable resignation with one week notice at idinahilan na lang niya ang kanyang pamilya. He will leave by next week. Dumating ang araw ng pag-alis niya at inihabilin muna niya kay Timothy ang bahay habang hindi pa ito bumabalik ng UK. Hindi na rin siya nagpahatid sa bus station pa-probinsya dahil dumaan muna siya ng Palacio del Café upang kahit paano, sa huling beses man lamang ay masilayan niya si Khel. Pumuwesto siya sa pinakasulok ng Café para hindi siya makatawag pansin. Naka-white t-shirt siya na pinaibabawan ng itim na unbuttoned polo na tinernuhan ng faded black maong jeans at puting sneakers. Nagsuot din siya ng itim na cap at rayban para hindi siya agad makilala sakaling magkrus ang landas nila ng barkada ni Khel. Halos dalawang oras din siyang naghintay, sa wakas ay dumating ang dalaga, without her friends, thank God! Napasinghap pa siya nang pumasok ito wearing exactly the same attire as his, minus the rayban and just add the knapsack on her back. She still has her way of giving shivers in his spine. She lost weight and seems like she's sick. Their eyes met and God, he saw the surprise in her eyes, or was he only dreaming? She then looked at the other way again, as if she doesn’t know him. Nakilala niya ba ako? tanong niya sa sarili. His attire is far from his usual get-up and it will be hard to recognize him much more that he is donning a light mustache. Baka guni-guni ko lang iyon, wika niya sa sarili at muli itong pinukulan ng tingin. Ilang sandali pa siyang nanatili sa pagtitig sa dalaga na wari'y isinasaulo ang buong mukha nito. God, it pains him to see her just steps away from him but can't even touch her! This is a t*****e indeed! *** Pumasok ng banyo si Khel to somehow cry the pain away. By the time she saw Von at the Cafe, she was certain that the right thing to do was to ignore him, but to her disappointment, the man did the same thing! She missed him for so many days after he confessed his feelings to her at her backyard. Pumasok siya loob ng cubicle at doon pinadausdos ang mga luhang kanina pa nagbabantang lumabas. Ngayon pa nga lang siya nagmahal, bakit sa tao pa na gusto ng bestfriend niya? Lord, if this is a test, I don't know how to pass, anas ng isip niya habang patuloy ang tahimik niyang pagluha. Ilang saglit pa siyang nanatili sa ganoong estado bago lumabas at naghilamos ng mukha upang kahit paano ay matanggal ang bahid ng kanyang pag-iyak, pagkuwa'y lumabas na ng banyo. Then, the man that she wanted to be hers is gone. She doesn't know what to think anymore. She's tired! *** Malamig ang simoy ng hangin na sumalubong kay Von at tila ba siya inaanyayahan ng mga alon sa dagat. Hinubad niya ang suot na t-shirt at nagmamadaling lumusong. Swimming somehow gave him peace and sanity. Ang dagat ang nagsilbing karamay niya sa loob ng ilang buwan lalo sa mga oras na nangungulila siya kay Khel. Gusto niyang takbuhin si Khel nang makita ito na lumabas galing sa CR but he tried so hard not to do so. Mas mahihirapan siyang umalis. His heart was breaking seeing her like that, lalo pa siyang nanlumo nang maaninag ang lungkot sa mga mata nito, and was she crying? Muli siyang tumayo sa gilid para hindi siya nito makita. He memorized every inch of her face, everything about her. 'Until then, Michaella...' Nabasag ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig niya ang matinis na tinig ng batang tumatawag sa kanya. "Tito Von!" malakas na sigaw nito. "Tawag ka na ni Mommy!" patuloy na pagtawag nito sa kanya. Pumalaot na siya at patakbong kinuha ang damit, pagkuwa’y isinuot ito. "Jazz, anong ulam?" tanong niya sa anim na taong gulang na pamangkin, pagkatapos ay kinarga ito sa balikat niya. Humawak ito sa ulo niya at masayang sumagot na may tonong Batangueño, "Ala eh, may piyesta!" Tawa siya ng tawa sa tinuran ng pamangkin. Ibinaba niya ito nang makarating na sa harap ng bahay nila. Nakasanayan na nila na sa may dalampasigan kumain. "Paborito mo ito, Von, kaya kain nang kain, ha," wika ng Ate Minerva niya. "Ala eh, kay sarap naman nire!" masayang anas niya. Isinawsaw niya ang inihaw na tilapia sa ginawang sauce ng kapatid. "Anong meron? Ang daming pagkain, ah," curious na tanong niya. "Bayaw, ‘eto na kasi ang huling araw mo rito. Pinapalayas ka na namin," natatawang sagot ni Red, ang bayaw niya. "Ano?" nabulunan siya sa isinagot nito pagkuwa'y tumingin sa kapatid, "Nakadrugs ba si bayaw?" Malakas na tumawa ang kapatid niya bago muling nagsalin ng kanin sa pinggan niya. "Nagbibiro lang ang kuya mo," natatawang sagot ng ate niya. "Seriously, anong okasyon?" aniya habang panay pa rin ang subo. Nagkatinginan muna ang mag-asawa bago sumagot si Red. "I got promoted to be the Operations Manager ng hotel chain dito sa 'Pinas. So, basically, I need to stay in Manila as per my new contract... I mean, WE," anito referring to his family. Isa itong General Manager ng branch ng isang Five Star Hotel sa Tagaytay at ang main branch ng Hotel nito ay sa Maynila. "Wow! Mas lalo ka nang bigatin bayaw!!! Congrats!" masayang anas niya sabay yakap dito. "The sad part is that, whether you liked it or not, you need to stay and manage our plantation here," wika naman ng kanyang kapatid. May planta ang pamilya nila ng kape at niyog na inaangkat sa ibang bansa at ang kapatid niya ang nag-aasikaso nito. Noon pa man ay wala na siyang interes sa ipinamanang business ng kanilang magulang at napilitan lang ang Ate Minerva niya na akuin ang responsibilidad nang hindi rin pumayag ang nakababata nilang kapatid na si Avy na pangasiwaan ang plantasyon dahil mas interes nito ang pagpipinta. "Bakit ako! Alam n'yo naman na computer lang ang alam ko. Wala akong alam sa pagpapatakbo ng negosyo! I told you, I'm going back to Manila sooner or later," reklamo niya. "Well, it's about time you do your homework, bayaw. Minerva will stay here with Jazz for two months para maalalayan ka kahit paano," paliwanag ng bayaw niya. Nakasimangot na ipinagpatuloy niya ang pagkain. "Alam kong hindi mo rin maatim na ibenta ang plantation, eh, 'di ba?" anas ng ate niya. Alam niyang magiging mahirap para sa kanya ang trabaho na iyon lalo't hindi iyon ang linya niya, subalit ayaw niya rin naman na mapilitan sila na ibenta iyon sa iba, pinaghirapan pa iyon ng mga ninuno nila. Nagpakawala siya ng hininga, mukhang tadhana na ang naglalayo sa kanila ni Khel...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD