CHAPTER 10

2379 Words
Lumuwas si Von ng Maynila bago siya tuluyang sumabak sa bagong career niya sa dalawang kadahilanan: una, para ihabilin kay Timothy ang bahay niya, pangalawa at higit lalo ay para makitang muli si Khel. Pagkasundo sa kanya ni Timothy sa istasyon ng bus ay nagdinner sila bago tuloy sa dating gawi tuwing luluwas siya ng Maynila, ang abangan si Khel sa labas ng bahay nito na para bang ini-stalk niya ito. He always look forward to this very moment, to see the girl that captured his heart, kahit saglit lang. Ilang oras din silang naghintay nang may makita silang babae na papasok ng bahay nina Khel. They thought it was Khel's sister because she was wearing a simple white t-shirt with a heart design and a knee-length maong skirt with a slit on the left side. His heart started to beat fast as if it's on a race when he confirmed that it was indeed Khel. I missed you, Michaella! mahinang anas niya na hindi nakalampas sa pandinig ni Timothy. "Ano, Pards? Magbabago na ba ang isip mo?" wika nito. Naguguluhan siya. Ang sabi ng isip niya, huwag nang magpakita rito pero ang sabi ng puso niya, puntahan niya ito at yakapin. Namayani ang isip niya. Mukha namang masaya ang dalaga kaya ano pa ba ang dahilan para magtapat siya rito? Hindi nga nito nagawang sumagot noong sinabi niya ang nararamdaman niya at sa halip ay ipinagtabuyan siya papunta sa kaibigan nito. He sighed deeply, "Tara na, Tim. Okay na ako," yaya niya sa kaibigan. "Are you sure?" alanganing tanong ni Timothy. Tumango lang siya. His heart is broken. Doing nothing sucks pero kung kukulitin ba niya ang dalaga ay may mapapala siya? Hindi pa nga siya nagsisimulang manligaw, basted na agad siya. "Can you just atleast talk to her kaysa ganito ka palagi na para bang stalker niya?" pamimilit ni Timothy. "It will be useless. Mas masasaktan lang kami pareho," sagot niya. Wala nang nagawa si Timothy at hindi na nagpumilit pa. Pinaandar na nito ang sasakyan at nilisan ang lugar. Hindi na nila nakita ang paglingon ni Khel sa sasakyan nila. He stayed in Manila for 2 more days then went back to Batangas while Timothy changed his mind and opted to stay longer. "I'll visit you at the plantation Von, don't worry," wika nito nang ihatid siya sa bus station. Kumaway siya rito bago lumulan ng bus na maghahatid sa kanya sa probinsya. Mas pinili niya ang magbiyahe sa bus upang kahit papaano ay makapag-isip-isip siya sa biyahe. Naalala niya si Khel. Nasabi na sa kanya ni Timothy na nakita nito ang dalaga na nakasuot pambabae tuwing nagpupunta ito sa Palacio del Café, but he never mentioned how big the changes were! She was a total head-turner with her simple outfit! If it wasn't for his heart, he will not know that it was actually her. Yes, it's amazing on how his heart recognize the one he loves. Napabuntung-hininga siya at wala sa loob na ini-on ang phone and looked at the image in his wallpaper - it was Khel. Mula sa terminal ng bus ay umarkila siya ng isang tricycle pauwi sa beach house. Mabilis siyang sinalubong ni Jazz nang tumigil ang tricycle na sinakyan niya. "Kanina ka pa hinihintay ng batang ire," salubong ng ate niya. "Tito Von, sabi ni Mommy, eh, sasama ka raw sa amin bukas sa Coconut Farm?" masayang tanong nito habang hila ang kamay niya papasok ng bahay. "Papaluin daw ako ng mommy mo 'pag hindi ako sumunod," biro niya. Napahagikhik si Jazz sa sinabi niya bago bumaling sa ina, "Mommy, 'wag kagalet!" "Halika na nga!" yaya niya sa pamangkin bago ito ipinasan sa balikat. Kinabukasan, maaga pa lang ay nagtungo na sila sa Coconut Farm. Matapos maglibot sa may silangang bahagi ng farm ay nagsabi ang Ate niya na magpahinga muna sila sa isang quarters na naroon habang si Jazz ay nakikipaglaro sa mga batang taga-farm. "Kayo ba uli'y nagkita na?" tanong nito habang nakaupo sa isang kawayang upuan at nakahalukipkip habaang umiinom ng fresh buko na dinala ng tauhan nila. Nilingon niya ito at kunot-noong nagtanong, "Nagkita? Nino?" Napatawa ito ng mahina bago siya sinagot. "Eh, 'di kung sinuman yaong dapat kong pasalamatan na dahilan para ikaw'y umuwi rine." "Wala 'yon," iwas niya bago uminom ng buko juice. "Kapatid mo ako, Von, deny pa ire!" nakaismid na wika nito. Likas siyang malihim pagdating sa relasyon. Katunayan, nalaman lang ng mga ito ang tungkol sa huling nobya niya noong naghiwalay sila. "Eh, wala naman kasi talagang dapat ikuwento," depensa niya. "Ay naku, Devon! Ang tanda mo na, eh, hindi ka pa rin marunong magbulaan! Hindi ka papasa sa showbiz!" natatawang wika ng ate niya. "O, sige, tutal, sabi mo nga, eh, wala lang iyan, 'di ikaw'y mairereto ko na sa iba?" "Ate, huwag na muna siguro. Ito na muna ang aatupagin ko," sagot niya na ang tinutukoy ay ang pag-aasikaso sa plantasyon. "Madami pa akong dapat matutunan dito. Magsisilbing distraction kung makikipagdate ako." "Na-ah! I beg to disagree, my dear brother! If she is the right one, she will serve as an inspiration," kontra nito. "Whatever. Still, gusto kong mag-concentrate dito," buo na ang desisyon niya, trying so hard not to think of Khel, but he failed. "Okay, if that's what you want," pagsuko nito bago nagkibit-balikat. Maya-maya pa ay lumabas na sila at tinawag si Jazz para magpatuloy sa paglilibot sa farm. Ngayon niya lang lubos na na-realize kung gaano kalawak ang dapat niyang malaman tungkol sa pagpapatakbo ng negosyo at paghawak ng mga tao. Although he's been there for a couple of months, hindi naman nasagi sa isip niya ang libutin ang buong plantasyon. Pupunta lang siya doon para kumain at pumasyal. Ang Coconut Farm nila ay may lawak na mahigit pitong ektarya sa kabuuan samantalang ang kanilang Coffee Farm ay dalawang ektarya naman. If this is the way to forget Khel, so be it, anas niya. *** Kasalukuyang nakaupo si Khel sa duyan sa kanilang likod-bahay nang datnan siya ni Chase. "Alam mo ba ang pagkakaiba ng pagmamahal ng isang kaibigan sa pagmamahal ni 'THE ONE'?" wika ni Chase. Nilingon niya ito at pagdaka’y ibinalik ang atensyon sa telepono kung saan magiliw niyang tinitingnan ang mukha ni Von. Bumuntung-hininga ito bago tumabi sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Ang pagmamahal kasi ng kaibigan kaya mo kahit wala siya sa tabi mo, kahit malayo siya," kagyat itong tumigil baago hinaplos ang buhok niya, "Pero ang pagmamahal kay ‘THE ONE', parang alcohol, parang sigarilyo, parang drugs na nakakaadik at hahanap-hanapin mo. ‘Yong para kang mababaliw 'pag wala siya sa iyo. But still, if what you really feel is indeed the True Love, it means that it can wait, because, it's worth waiting for," patuloy nito. "Paano kung ako lang pala ang naghihintay, Chase? Paano kung hindi pala siya babalik? Paano kung ang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam ay dahil meron na siyang iba?" may kurot sa dibdib niyang tanong sa kaibigan. “Am I just wasting my time waiting?” It has been a year since they graduated from college. Ilang buwan matapos silang gumraduate ay nagkaroon sila ng dibdibang pag-uusap ni Trish bago ito umalis papuntang America kung saan ipagpapatuloy nito ang pag-aaral ng Masteral para sa Photography. It has been more than a year since the last time she saw Von at the Palacio del Café. Marami nang pagbabago lalo na sa kanya. Natuto na siyang magsuot at kumilos babae, hoping that Von will like her even more kung sakaling magbalik ito. Subalit magpasahanggang-ngayon, ni anino nito ay hindi man lang niya nakikitang muli. Ang kaibigan nitong si Timothy ay minsan niyang nakita sa Cafe ngunit wala naman itong nabanggit tungkol kay Von. Madami siyang tanong na tanging ito lang ang makakasagot. Nangilid ang luha niya. This is the only disadvantage of being a real woman, her weakness became so obvious as she's letting her guard down. Now, it's easy for her to cry in front of her family and friends, unlike before, though, it makes her feel better, atleast, pagkatapos niyang umiyak. Pero, nandoon pa rin ang sakit pagkatapos. Niyakap siya ni Chase. Ito ang naging sandalan niya noong mga panahon na hindi sila nag-uusap ni Trish. It's not wrong to be selfish sometimes, Khel. Ikaw ang gusto ni Von not Trish at alam kong may gusto ka rin sa kanya. If Trish really loves you as her bestfriend, she will understand, paliwanag nito noon. "Ang unfair kasi Chase. Bakit bigla na lang siyang nawala na parang bula, ni ha, ni ho, walang paliwanag. Sasabihin na gusto ako tapos gano’n na lang iyon? Basta naa lang mang-iiwan sa ere!" may hinanakit na anas niya. "Eh, 'di ba, kasi, gusto mo, iba ang mahalin niya? Mas masakit 'yon kaysa sa pangbabasted 'no," depensa ni Chase sa ginawa ni Von. "Ang hirap maging babae!" mapait niyang wika bago inihilig ang ulo sa balikat nito. "Ang hirap kamong magmahal. Pero kung gusto mo namang mahanap si Von, pwede naman, eh. Isang go signal mo lang, tatanungin ko na si Timothy," sagot nito habang hinahagod ang likod niya bilang pag-aalo sa kanya. Umiling siya. Kung tutuusin ay napakadali niyang mahahanap si Von lalo't madalas sa Cafe ang kaibigan nito. Subalit may kung anong takot siyang nadarama sa tuwing iisipin kung sakali mang siya ang maghanap dito. So many what-ifs. What if he is no longer the same Von that was inlove with her? Hindi niya siguro makakaya! *** Sa loob ng dalawang taon ay walang inatupag si Von kundi isubsob ang sarili sa trabaho. Nasa loob siya ng opisina nang marinig niya ang tatlong katok. "Pasok," malakas na utos niya na 'di man lang nag-abalang tingnan kung sinoman ang kumatok. "Kuya, mamaya ka pa ba diyan?" si Avy, ang bunsong kapatid niya. Kadarating lang nito galing sa Tagaytay kung saan ito nagtitigil para sa kakatapos lang na mga paintings na gagamitin para sa exhibit nito tatlong araw mula ngayon. Umupo ito sa kawayang upuan paharap sa kanya. "Tatapusin ko lang ito tapos, aalis na tayo," sagot niya. "Coffee?" alok niya, bahagya niya itong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang atensyon sa binabasa. "Tapos na. Dumaan ako sa kapehan bago dumiretso rito," wika nito pagkuwa'y tiningnan ang magazine na nasa lamesa. Ipinagpatuloy lang niya ang pagbabasa ng mga dokumento na nasa mesa niya bago pirmahan ang mga iyon. Matapos ang mahigit tatlumpung minuto ay natapos na niya ang mga kailangang pirmahan. Binitbit niya ito at ibinigay sa kanyang sekretarya na si Elena. "Ikaw na muna ang bahala rito. Kung may urgent, tawagan mo agad ako." aniya. "Sige, Von. 'Wag kang mag-alala rine't akong bahala. Mag-ingat kayo sa inyong biyahe, ah. Ikumusta mo na lang ako kay Minerva," sagot nito. "Sige, salamat," aniya bago tinawag si Avy at lumabas na ng opisina. Luluwas sila ng Maynila ngayon para asikasuhin ang nalalapit na exhibit ni Avy. "Kuya, ngapala, my friend, Sheryll, will be there. Just a precaution, baliw pa rin sa iyo ang babaeng 'yon!" paunang wika ni Avy habang lulan ng sasakyan. "Bakit ba in-invite mo pa 'yon?" inis niyang tugon. Napahagikgik si Avy. "Alam mo, ikaw ha, napakapihikan mo! Maganda naman si She bakit 'di mo pa patulan? Atleast, hindi ka na mahihirapan pang manligaw sa kanya," patuloy na pang-aasar nito. "Avy, hindi pa ako desperadong magkapamilya, kaya thanks but no thanks," walang buhay na sagot niya. "You're not gay, right?" it was more of a re-confirmation than a question. Napa-preno siya sa sinabing iyon ng kapatid niya. "What the hell, Avy! Kung anu-ano na naman 'yang pumapasok sa kukote mo! Ofcourse NOT!" asar na sagot niya bago muling pinaandar ang sasakyan. Humalukipkip lang ang dalaga bago nagsalita. "Well, bakit kasi 'di ka pa mag-asawa para naman sumaya-saya ka. Palagi ka na lang trabaho, kaya stress lang ang nakukuha mo. Tapos palagi ka pang nakasimangot. Alam mo ba na sobrang grumpy ka na, Kuya!" "Just shut up, Avy. Matulog ka na lang hanggang kina Ate Minerva," aniya sabay bato ng eye mask na kinuha niya sa compartment sa may passenger's seat. "Pikon!" huling hirit nito pero naghanda na rin para umidlip. If she only know the reason why until now, he seems not interested to be in a relationship. Until now, after 3 long years, isa lang ang nagmamay-ari ng puso niya, tanging si Khel pa rin. Sa tuwing luluwas siya ng Maynila, he always make sure na dadaan siya sa bahay ni Khel. Sisilipin lang kita, Khel. Please show yourself kahit isang segundo lang, iyon ang palagi niyang ibinubulong sa sarili. Even when he stayed in Manila for almost a week nang maaksidente si Timothy. Inaraw-araw niya pa rin ang pag-aabang sa dalaga na para siyang tanga. Madalas ay inaabot na siya ng umaga sa paghihintay subalit ni minsan ay hindi na niya ito ulit nakita. Avy's painting exhibition was successful. Mahigpit na niyakap ni Von ang nakababatang kapatid bago nagpaalam sa maga-asawang Minerva at Red para maiwasan si Sheryll. Since nasa mall na rin naman siya ay naisipan niyang maglibot-libot. Halos isang oras na siyang namamasyal when the band performing at the center of the mall caught his attention. Bigla niyang naalala si Timothy. Niyaya siya nitong pumunta sa gig ng banda nito sa paborito nitong bar. Tumingin siya sa relo, still early. Ilang sandali pa ay narining niya ang pag-ring ng phone niya. It was Minerva. "I'm still here at the mall. Nanonood ako ng concert sa first floor," he answered. Mayamaya ay may umangkla sa braso niya, it was Avy. "Congrats, Bunso!" bati niya rito kasabay ng halik sa buhok nito. "Thanks!" nakangiting anas nito. Pagbalik ng tingin niya sa kapatid ay may tila pamilyar na tao siyang nakita papalayo sa kanila. He shrugged then went back on watching the band. "I'll be meeting Tim later. Sumabay ka na lang kina Ate Minerva. Don't wait for me dahil baka madaling araw na rin kaming matapos," wika niya sa kapatid. "Okay. Just enjoy. Saka igala mo iyang mga mata mo, malay mo makita mo na ang hinahanap mo," biro nito then winked at him. Napailing na lang siya. The difficulty of having 2 sisters and being the only brother.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD