Chapter 2

1689 Words
I tapped my ballpen into the table. Wala akong scheduled meeting sa ngayon pero ayoko munang umalis ng opisina dahil baka biglang kailanganin ako ng mga tauhan namin. Mapapagalitan pa ako kung aalis ako nang maaga. "Bakit bigla kang nagyaya?" Tanong ni Zoe nang makarating siya sa opisina ko. Zoe has a Herrera blood, pero hindi ganon kalaking parte ng mga Herrera sa buhay niya. Ang great great grandmother niya lang ang Herrera sa kanila. Sa totoo lang, hindi ko na inalam pa ang side ng story ng pamilya namin na 'yan dahil masyado nang komplikado. "I really need a break, Zo," sagot ko sa kanya habang inaayos ang mga files ko sa case. "A big place or a small and quiet place?" Tanong niya nang nasa loob na kami ng sasakyan. Siya ang mag d-drive dahil siya ang nakakaalam kung saan kami pupunta. "Small and quiet, please. I can't handle another set of drama kapag nakita ako ng mga tao sa isang public bar." Tumango siya at agad na pinaandar ang sasakyan. Nagpalit na ako ng damit bago makaalis sa opisina. Si Zoe ang nagdala ng damit para sa akin kaya hindi na ako nagtataka na halos iluwa na nito ang kaluluwa ko sa sobrang iksi at revealing. "We're here!" Sinilip ko ang bar. Medyo malayo ito sa City, pero okay na rin dahil mukhang tahimik nga ito dahil sa paligid ay halos puro puno na rin. "How did you know this place?" Natatawang tanong ko habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan. Sabay kaming bumaba at hindi pa rin matanggal ang tingin ko sa bar na ito. Parang ginawa itong bar na ito sa gitna ng katahimikan para lang masabing may ingay sa paligid. "Alam mo namang I love bar hopping! Tara na!" Pumasok na kaming dalawa sa loob at katulad nga ng hula ko, kahit na medyo tahimik sa labas ay maingay pa rin sa loob, pero hindi ito katulad ng mga bar na malalaki at talagang nasa public area. "God knows how much I crave for alcohol right no...--- Aray!" Sigaw ko nang hilahin ako pabalik ni Zoe. "You know what? Let's go back another time na lang. Sa ibang bar na lang tayo!" Binawi ko ang braso ko dahil doon sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. "Bakit pa sa iba eh nandito na tayo? Tara na! Gusto ko nang uminom!" Nag tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang sa makita ko ang dahilan kung bakit ayaw nang tumuloy ni Zoe. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at agad na lang nagliyab ang galit sa dibdib ko. "Erisse, alam mo...---" Hindi ko siya pinatapos at agad na sumugod kung nasaan silang dalawa. "What the f**k, Eros!" Sigaw ko. Napalingon silang dalawa ni Cecille sa akin. Horror. That's the most evident expression they have right now. "E-Erisse..." takot na tawag sa akin ni Cecille. Tinignan ko siya, hindi makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na 'to. Hinila ako ni Eros sa isang private room. Sumunod naman si Zoe at si Cecille sa aming dalawa. “Gaano ba kakonti ang tao sa mundo?!" Sigaw ko na kaagad sa kanilang dalawa dahil kahit kailan ay hindi ko maiintindihan ang bagay na 'to! “Erisse… Stop.” Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Eros dahil siya pa talaga ang may ganang magpatigil sa akin? Natawa ako. Pakiramdam ko ay mababaliw ako ngayong araw na 'to. "Ang kapal din talaga ng mukha mo, eh 'no? Anong sasabihin mo? Okay lang 'tong ginagawa niyo?" Mas lalo akong natawa sa naiisip. “You don’t understand, Erisse.” Tumango ako at seryoso ko siyang tinitigan. “Hindi ko talaga maintindihan, Eros. Hindi ko maintindihan kung bakit si Cecille pa! Ang daming babae sa mundo! Hindi ka man lang ba kinikilabutan na sarili mo pa talagang pinsan?! At ikaw, Cecille, kulang na kulang ka na ba sa atensyon kaya si Eros na lang?!” This time, I’m angrier than earlier. “Mahal ko siya,” bulong ni Eros na mas lalong nagpatawa sa akin. "Mahal ko rin siya, Erisse!" Hinawakan ko ang dalawang gilid ng ulo ko. “Mahal?! That's pure lust, both of you! Hindi niyo mahal ang isa't isa!" Mabilis na ang t***k ng puso ko. I can see my chest doing a rhythm that I couldn’t memorize. Titig na titig ako sa kanilang dalawa at halos maiyak na sa sobrang galit at pandidiri. “Tangina, Erisse! Alam nating dalawa na hindi ako tunay na Herrera! Mahal namin ang isa’t isa! Akala mo ba hindi ko naisip ang mga naiisip mo? Akala mo ba hindi ko sinubukan na itigil? Sinubukan ko, Erisse! Hindi ko lang magawa dahil sobrang mahal ko siya!” Sinampal ko siya. “Hindi Herrera ang dugong dumadaloy sa ‘yo pero bitbit mo ang apelido ng pamilyang ‘to! Wala akong pakialam kahit sino pa ang i-kama mo kahit lahat ng babae pa sa mundo ‘yan, basta huwag ang pinsan mo! Ang kinikilala mong kamag-anak!” Hingal na hingal ako pagkatapos kong sabihin ‘yon. Nag sisigawan na kaming dalawa at hindi ako makapaniwala na talagang pinaglalaban niya sa akin ang ginagawa nilang dalawa! “Erisse, please. Huwag mong sabihin kay Daddy.” Nanliit ang mga mata ko dahil sa pagmamakaawa ni Cecille. “Stop it. Love is weak! Family is what should matter more. Stop justifying your wrongdoings! Kahit saan mo tignan, mali ang relasyon niyong dalawa. Kahit ampon ka, Eros! Kahit hindi ka tunay na Herrera! Itigil niyo ang relasyon niyo! Kung hindi, hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko," I threatened them. Natigil kaming dalawa nang biglang mag ring ang telepono ni Cecille. She answered the call immediately because it was Tito who's calling her. Pinapauwi na siya. "Please, Erisse, hayaan mo akong ihatid siya. Walang maghahatid sa kanya pauwi kung hindi ko siya ihahatid." Hindi ako makapaniwala na kaya niya pa talagang mag request ng ganyang bagay sa akin. “Just promise us that you’ll take her home safely, Eros,” si Zoe ang nagsalita. I cannot believe this! Pati ba naman si Zoe ay pumapayag sa set-up na ‘to? “Yes, Zoe. Thank you. Please take care of Erisse, too,” si Cecille. Lumabas na sila ng private room at naiwan kaming dalawa doon. “Bakit ka pumayag, Zo?” Frustrated, at hindi alam ang gagawin. Nagpalakad lakad ako habang hindi makapaniwala na pinayagan ni Zoe na umalis ang dalawa. “I’m sure natakot na si Cecille sa ‘yo, Erisse. Hindi na niya ipipilit pa kung ano man ang meron silang dalawa ni Eros. Matatakot ‘yun na baka sabihin mo sa pamilya niya ang alam mo. Hayaan mo na silang dalawa na magkasama sila ngayong gabi. Tapos ikaw, kaya nga tayo nandito para matanggal ang mga problema, paano mangyayari ‘yon kung nandito tayo sa private room?” Umiling siya at hinila na ako palabas. Hindi siya nag aksaya ng oras nang makalabas kaming dalawa dahil agad siyang dumiretso sa counter para mag order ng drinks at agad niyang ininom ‘yon. Sumabay ako sa kanya dahil tama naman siya. Nandito ako para makalimutan ko ang mga problema ko kaya bakit ko hahayaan ang dalawang ‘yon na sirain ang gabi ko? “Here’s your shot of Gold Label, ma’am.” Kumunot ang noo ko at napatingin sa isang shot. Tinignan ako ni Zoe na para bang hindi niya akalain na mag o-order ako non. “I’m sorry, hindi ako nag order nito?” Ngumiti sa akin ang bartender at tumingin sa hindi kalayuan sa amin. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang isang lalaking nakangisi sa akin. “He ordered it for you, ma’am.” Tinignan ko si Zoe na ngayon ay nakangisi na rin sa akin. Nilapag niya ang dalawang palad niya sa counter at tumayo. “Dancefloor muna ako, babe.” She motioned me a chef’s kiss before finally leaving me on the counter. Napatuwid ako nang upo nang mapansin na papalapit na sa akin ang isang lalaki. Nakatitig ako doon sa shot na inorder niya para sa akin. “Hey,” bungad niya. I tilted my head before looking at him. I smiled and wiped my bangs away from my eyes. “So…” Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko maiwasan na titigan siya. His features are extraordinary. He has a porcelain skin tone. His eyes are very seductive and it matches its brown color. He has a perfect nose, and natural pinkish lips. And his hair! Damn his quiff hairstyle! Damn his features! “I hope you drink what I ordered for you.” Ngumisi ako at muling napatingin sa inumin na binigay niya sa akin. Nanliit ang mga mata ko at inabot ‘yon sa kanya. “How will I know that you didn’t put something in there?” Nanliliit din ang mga mata niya sa akin bago siya tumawa nang mahina. He bit his lower lip before looking at the shot that the bartender gave me. Kinuha niya ‘yon sa akin at siya na mismo ang uminom. He, then, called the bartender to give me another shot. “Please pour it in front of her para hindi kung ano-ano ang iniisip niya,” sabi niya habang nakatitig sa akin. Sinabayan ko ang mga titig niya habang nakangisi. I have never met someone this handsome my whole life! “Well then, cheers.” Tinaas ko ang shot at tinapat sa kanya. Tinuro niya ang baso niyang walang laman at nag order din ng isang shot. I can say that he’s not that ordinary. His features screams wealth at mas lalo kong napatunayan 'yon dahil sa inorder niya para sa akin. Halatang hindi siya basta-basta lang. "May I have this dance?" Umirap ako sa kanya at tumayo. I chuckled and walked onto the dance floor. Sumunod naman siya sa akin. We danced through the groove. Hindi ko na makita si Zoe at sigurado ako na bukas, may kwento na naman siya sa akin tungkol sa kung gaano kasaya ang gabi niya. Tama nga siya. Nakalimutan ko ang problema ko para sa gabing ito. I drank my heart out and danced with the mystery man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD