Bumaba ako sa sasakyan dahil nakalimutan ko ang susi ko. I was about to leave the house dahil meron akong business trip papunta sa Palawan at kailangan ko nang magpunta sa airport, pero bago ‘yon ay dadaan muna ako sa opisina para sa mga kailangan kong files.
Nang makapasok ako sa loob ng mansion, halos maubos ang kaluluwa ko nang makita ko si Eros at si Cecille na naghahalikan papunta sa grand staircase. Hindi nila ako nakita dahil abala sila sa isa’t isa kaya naman agad akong tumakbo sa labas para magtago.
I panted and counted. Kinalma ko ang sarili ko bago ako sumilip sa loob para makita kung nandoon pa ba sila at nang nakumpirma kong wala na ay agad akong pumasok para kunin ang susi ko sa kwarto.
“Oh f**k, Eros!” Muling bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa narinig ko. Gusto ko na sanang dumiretso pababa at hindi na mag abala pa, pero nahahatak talaga ako ng kuryosidad kaya naman pinuntahan ko ang lugar kung saan naririnig ko ang tunog.
I was caught off guard to see that they didn’t even get the chance to close the door properly kaya lumalabas ang ingay nila kahit na soundproof naman ang kwarto ni Eros. I saw them f*****g each other like animals!
Hindi makapaniwala, agad akong tumakbo pababa at umalis para makapunta sa opisina. Wala ako sa sarili habang nasa loob ako ng eroplano, at hanggang Palawan, nadala ko ang mga nakita ko. Kaya naman nung nagkita kami ni Daddy sa mansion sa Palawan, hindi ako makapagsalita.
“Kailan daw susunod ang kapatid mo?” Tanong niya sa akin nang makapasok ako sa mansion. Ni-hindi man lang niya tinanong kung kumusta ang flight ko. Si Eros kaagad ang tinanong niya?
“Hindi ko alam, Daddy. Hindi ko naman na siya kinausap nung umalis ako.” Hindi ako makatingin kay Daddy at dumiretso na lang kay Mommy para humalik. I excused myself to go to my room dahil halos mabaliw ako nang hindi ko pa rin nap-proseso ang nakita ko.
I dialed Zoe’s number. Agad naman siyang sumagot matapos ang ilang ring lang.
“Hello?” Hindi ako makapagsalita. It took me a while to finally breathe and talk.
“Anong gagawin ko, Zoe?” Tanong ko sa kanya dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa mga nakita ko.
“Bakit? Ano bang nangyari? Nasaan ka ba? Nasa Palawan ka na ba?” Napapikit ako nang mariin nang narinig ko ang sunod-sunod na tanong sa akin ni Zoe. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang mga nakita ko, pero nagawa kong ikwento nang hindi ko namamalayan.
I heard her sigh at the other end of the phone. Tahimik lang din siya.
“I’m sorry. I should’ve told you before about that.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. This isn’t the reaction that I expected from her!
“What?” Napatayo ako at napalabas ng veranda dahil hindi ko alam kung anong dapat kong asahan sa mga salita niya.
“I saw them, multiple times. Alam mo naman ako, mahilig akong mag bar hopping sa malalayong lugar. Doon ko sila madalas nakikita. Akala ko nung una, namamalikmata lang ako at hindi talaga ‘yon ang pinsan mo, pero nung mga sumunod na, na-kompirma ko na.” My heart pounded as if I was running a marathon. Matagal niya nang alam at hindi niya sinabi sa akin?
“Bakit hindi mo sinabi, Zoe?” Hindi ko alam kung anong uunahin kong intindihin. Ang katotohanan bang tama pala talaga ako at hindi ako nag de-deliryo o ang katotohanan na matagal nang alam ni Zoe, pero hindi niya sinabi sa akin!
“Listen, Erisse. This is a scandal! Malaking problema ‘to sa mga Herrera kapag nagkataon! Isa pa, alam mo naman na matagal nang hinahangad ng Tito mo ang kompanya niyo, hindi ba? Hindi niya lang makuha dahil maganda naman ang pagpapatakbo ng Daddy mo, at ikaw mismo! Kung malaman ng lahat ito, lalo na ng Lolo mo, malaking gulo, at kasalanan ‘yan ng Kuya mo!” Napahilot ako sa sentido ko dahil sa sinabi niya.
Siguro, kaya rin hindi ko alam ang gagawin ko dahil alam kong tama siya. Malaking gulo ito at hindi ko lang dapat isipin ang sarili ko. Oo, masisira si Eros kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa relasyon nila ni Cecille, pero hindi lang naman si Eros ang masisira kung hindi ang buong pamilya.
Dumating sa Eros ng gabi. Hindi ako makatingin sa kanya at hindi ko rin kayang kausapin siya kahit tungkol pa iyon sa trabaho.
“Erisse!” Napatalon ako sa sobrang gulat nang sigawan ako ni Daddy matapos kong mawala sa sarili.
“Sorry, Dad. Pagod lang po sa byahe. What were you saying again?” Napailing-iling siya sa akin bago niya inulit ang mga dapat naming tandaan. I made sure to give extra effort on understanding what he was saying. Kailangan kong mag focus dahil kung hindi, papalpak ako sa meeting bukas!
“I heard that the Alaster Corporation is also eyeing for that investor. Hindi ka ba natatakot?” I licked my lips because of that question.
Alaster Corporation has been our number one rival when it comes to business. Kung hindi kami ang nakakakuha ng investor, sila ang nakakakuha at may mga pagkakataon na kinababahala ng team ang bagay na ‘yon. But then, so far, Herrera Holdings is still the topmost grossing company in the world, so Alaster Corporation doesn’t bother me that much.
“I know I can win them,” I confidently said. Ganon naman ang nangyari ng sumunod na araw na kinita namin ang investor. I won them over and they chose to invest in us. Alam kong nag aalburoto na naman sa galit si Alaster dahil nung mga sumunod na minor investments na dapat sa amin ay hindi na tumuloy at alam kong dahil ‘yon sa mga Alaster. It didn’t affect us so much because they were just minor investors. Hindi masyadong malaking kawalan ‘yon sa akin.
“Hindi mo na naman nakuha ang mga Fabia?” I sighed and closed my laptop when Daddy came in with Eros.
“Dad, I expected that in the first place. Alam mo naman na hindi kami good terms ni Niel…—” Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko dahil agad siyang nagsalita.
“Business is business, Erisse! Hindi mo dapat hinahalo ang personal mong problema sa trabaho! Kung iisipin ko lahat ng mga taong hindi mo nagustuhan o hindi mo kapalagayan ng loob, maraming investor ang hindi mo makukuha!” Napapikit ako sa sobrang lakas ng sigaw sa akin ni Daddy.
“I’m sorry,” sabi ko. Wala nang salita ang lumalabas sa bibig ko kung hindi ang dalawang salitang ‘yan. Kahit na marami pa akong gustong sabihin, pinili ko na lang na manahimik dahil alam kong hindi rin naman maiintindihan ni Daddy ang katwiran ko.
“You are the CEO of this corporation, Erisse! Mas pinili ng Kuya Eros mo na magtayo ng kanyang sariling pangalan at sa nakikita ko? Mas maayos ang pangangalakad niya sa sarili niyang kompanya! Hindi na ako magtataka kung balang araw ay mas magiging matagumpay siya kaysa sa ‘yo!” Dahan-dahan akong tumango at tumingin kay Eros na ngayon ay nakatitig lang din sa akin na para bang isa akong malaking disappointment para sa kanya.
Oh, Daddy. If only you knew whatever your precious son was doing behind you.
Umalis na si Daddy sa opisina ko. Sumunod naman kaagad si Eros. Napatawid ako ng upo nang narinig ko ang sinabi niya.
“Dad, I am going to talk to Erisse for a while.” Hindi ko alam kung anong sinabi ni Daddy, pero nang isara na ni Eros ang pintuan ay agad ko siyang tinignan. He sighed and sat on the chair in front of me.
“Anong kailangan mo sa akin? Here to mock me that your Daddy is more proud of you than me?” Tinaasan ko siya ng kilay. Bumuntong hininga siya bago nagsimulang magsalita.
“Erisse, you have to understand that this isn’t a personal game. Not for me, not for you, not for anyone. Kung may personal kang problema sa isang tao, huwag mong dalhin sa trabaho. Tama si Daddy. You should do your best to get as many investors as you can dahil lumalaki na ang corporation natin. Dumadami na ang kompanya natin. Hindi mo ako kalaban dito, Erisse. I am working under you because my company is under your corporation. You should understand that your failure will be our failure, too.” Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang matagalang makinig sa mga sinasabi niya o tumingin sa kanya. Nandidiri ako na nandito siya sa harapan ko. Nandidiri ako na sa kanya ko naririnig ang mga bagay na ‘to.
“Bakit, Eros? Sa tingin mo ba hindi ko ginagawa ang lahat? Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit hindi ko nakuha ang mga Fabia! Dinidibdib pa rin ni Niel hanggang ngayon ‘yung pang ba-basted ko sa kanya nung College kaya anong gagawin ko? I tried to fight for it! Kung pine-personal ko ay dapat simula pa lang, hindi ko na sinubukan!” Umirap ako at bubuksan na sana ang laptop ko nang pigilan niya ‘yon dahil siguro alam niyang hindi ko na siya papansinin.
“You should try harder! Try to make Daddy proud! He thinks of you as a disgrace. Hindi ka man lang ba nababagabag?” Ngumisi ako sa kanya. Ilang sandali ko pa siyang tinitigan dahil talagang hindi ako makapaniwala na sa kanya nanggagaling ang mga salitang ito.
“Hindi ako nababagabag, Eros, kasi alam kong ginagawa ko ang lahat ng kaya ko para lang maging proud siya sa akin. Ikaw, Eros? Hindi ka ba nababagabag?” Tinaasan ko siya ng kilay at muling ngumisi. Nakita ko ang pag kunot ng noo niya dahil sa tanong ko. Tumayo ako at tinalikuran siya. I looked at the view of the busy street. I crossed my arms and waited for him to talk.
“Daddy is proud of me, I don’t need to worry.” Humalakhak ako sa sinabi niya sa akin. I can’t believe him!
“Of course, he’s proud of you. Hindi naman kasi niya alam ang ginagawa mo.” Katahimikan ang bumalot sa loob ng opisina ko. Humarap ako sa kanya at nakita kong gulong gulo ang mga mata niya.
If only Daddy knows. Pero kung malalaman ni Daddy ay malaking gulo.
Is this the part where I should only care about what will benefit me and not who will get hurt?