Chapter 11

1818 Words
Nakaupo ako sa couch at nakatitig sa kawalan. Nasa loob ng opisina ko si Kuya at Daddy, nag-uusap pa rin tungkol sa kasal ni Cecille at ni Yno. Galit pa rin si Daddy dahil hanggang ngayon, kahit ilang linggo na ang lumipas, hindi pa rin binabawi ni Tito Rey ang anunsyo na 'yon. "Erisse," mahinang tawag sa akin ni Eros kaya napatingin ako sa kanila. Si Daddy ay mariin din ang tingin sa akin na para bang naghihintay ng sagot sa tanong na hindi ko naman narinig. "Can't we just... get the company back?" Tanong ko kay Daddy at muling tumingin sa labas. May kakayahan si Daddy na bawiin ang binigay niyang kompanya kay Tito, kung gugustuhin niya. He can drain them until they're left with nothing. "This isn't about the company, Erisse. Hindi kailangan ng kasal kung kompanya lang ang habol dahil maliit na company lang ang meron sila Tito Rey. Kayang kaya ng mga Alaster kahit wala sila Tito Rey. Panigurado ay may iba pang dahilan at offer si Tito Rey sa kanila para mapapayag nito si Ino Alaster na maikasal ang nag-iisa niyang anak." It's an uncomfortable topic. It's been a month ever since the announcement of Cecille and Yno's marriage. Ilang linggo na rin mula noong... pumayag ako sa gusto ni Yno. "Kailangan ba talaga nating makialam sa bagay na 'to, Dad, Eros? Hindi naman tayo maaapektuhan nito, hindi ba?" Sa totoo lang, sinabi ko 'yon dahil ayoko na munang pag-usapan ang tungkol kay Yno at Cecille lalo pa't may nangyayari sa aming dalawa ni Yno. "Apektado tayo dahil Herrera si Cecille," sabi ni Daddy. Hindi ko alam kung paano nakakayanan ni Eros na makinig kay Daddy tungkol dito. Ako nga na nakikipag s*x lang kay Yno ay sobra sobra na ang guilt na nararamdaman, paano pa kaya siya na... sarili niyang pinsan. "Dad, as of now, wala pa tayong magagawa. Hangga't hindi nagbabago ang isip ni Ino Alaster at Tito Rey, hindi tayo pwedeng manguna sa desisyon. Kahit naman si Cecille at si Yno, hindi alam ang gagawin nila. Sa ngayon, ang kaya lang natin gawin ay ang maghintay," sagot ko naman. "Tama si Erisse, Dad. Nakakausap ko naman si Cecille at sigurado naman ako na ginagawa nilang dalawa ni Lowis ang lahat para hindi matuloy ang kasal." Napalingon si Daddy kay Yno dahil doon. "Hindi rin sang ayon si Lowis sa kagustuhan ng kanyang ama?" Takang tanong ni Daddy. Napatingin sa akin si Eros kaya naman umiwas ako nang tingin. "No, Dad. Lowis, I think, like someone else..." Bumuntong hininga ako matapos sabihin ni Eros ang bagay na 'yon. Bumalik ang tingin ko sa kanila at naabutan ko si Daddy na nakatingin sa akin. Wala naman silang sinasabi, pero hindi ko alam kung bakit grabe na lang ang kaba at t***k ng puso ko. "At sino naman ang sa tingin mo?" Tanong ni Daddy bago bumaling muli kay Eros na hindi matanggal ang tingin sa akin. I stared at him, trying to make it seem like I don't care. "Regardless of who it is, Dad, sigurado naman akong may gusto ring iba si Cecille." Mas mariin ang titig ko kay Eros. If I can't stop his accusations about Yno and me, I should try to equate this intensity. Hindi ako papayag na matatalo niya ako pagdating sa bagay na 'to. "So, they are working together?" Sabay kaming tumango ni Eros. "And we're helping them, too," sagot ko naman at binalik kay Daddy ang tingin. "I'm glad. At least, I know I am not the only one who thinks this is ridiculous." Nang dumating ang oras ng uwian ay sumabay na nang alis si Daddy at Eros. Buong araw silang nasa opisina ko kaya buong araw din ako halos hindi makahinga. I checked my phone and saw numerous emails, messages, and calls from random people. Hindi ko kasi nacheck ang phone ko buong araw dahil ayaw ni Daddy na hindi naka-focus sa sinasabi niya. "Yes, Tito Prince?" Tinawagan ko ang Daddy ni Zoe dahil ilang tawag at texts ang naiwan niya sa akin. "Finally, Erisse! I've been calling and texting you all day! We're worried about Zoe. Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa opisina at nung pinapuntahan ko sa condo niya ay wala raw nasagot. I just want to ask if you know where she is? Her phone is out of coverage." Nanlaki ang mga mata ako sa sinabi ni Tito Prince. "I'm not with her, Tito. I haven't seen her since the last meeting we had. Don't worry, I'll help find her." Luminga linga ako sa paligid para tignan kung may ibang tao ba. I opened my car para na rin makarating kaagad sa condo ni Zoe. "Salamat, Erisse, at pasensya sa abala." Binaba ko na ang call at nag focus na sa daan. Hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin. Ic-check ko ba sa mga bar na malayo o didiretso ako sa condo ko? Habang nag-iisip ay biglang tumunog ang telepono ko. I checked the caller and saw that it was Yno. "I need you," iyon agad ang bungad niya sa akin. Napakagat ako ng labi ko dahil sa sinabi niya. "Not now, Yno. I need to find Zoe. She's been missing for days!" Natahimik ang kabilang linya kaya agad akong na-guilty. Sa kontrata na pinirmahan naming dalawa, nakasaad doon na hindi kami pwedeng maghanap ng iba kung sakali na hindi pwede ang isa. "I... I saw her at the bar last night near Santa Lucia." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "Really? Was she with someone? A guy, perhaps? Cannot be reached na kasi siya!" I started panicking dahil sa sinabi ni Yno sa akin. Paano na lang kung nakuha na siya ng masasamang tao? "Yes. She was with Alex." Kumunot ang noo ko. Sinong Alex? "Alex who?" Hindi siya nakasagot kaagad sa tanong. "I'll call Alex to ask him if she's with him. I'll call you back." Wala na akong nagawa kung hindi maghintay na lang pero pinilit ko pa rin na mag drive papunta sa condo niya. Kung one night stand lang itong si Alex, panigurado ay hindi na niya kasama si Zoe ngayon. Nang makarating ako sa condo ni Zoe ay agad kong binuksan ang pinto dahil alam ko ang passcode niya. Malinis ang sala, dining area, at kusina kaya dumiretso ako sa kwarto niya. I was caught off guard when I saw her beside her bed, drinking a bottle of whiskey. "What the hell happened to you?!" Nilapitan ko siya. Her hair is messy, her make-up is ruined, and I can tell that she hasn't slept in days! "I don't want to see people right now, Erisse," mahinang bulong niya at muling ininom ang bote ng alak. Kinuha ko 'yon sa kanya at tinabi bago hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "What happened? Tell me." Tumitig siya sa akin at ngumisi bago binagsak ang ulo niya sa kama. "Alexander Jacob Montecarlo, remembered him?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong na 'yon. "Niel's friend?" Tumango siya at ngumiti nang mapait. "Have you seen him? He's so f*****g hot." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What the hell happened, Zoe? Don't beat around the bush because I know something happened." Bumangon siya at ginulo ang buhok niya. "I hate him so much!" Hindi ko alam kung meron ba akong impormasyon na makukuha kay Zoe, pero bago ko pa masubukan ay tumunog na ang phone ko. It was Yno. "Zoe is not with him," sabi niya kaagad pagkasagot ko ng tawag. "Yes, yes. Thanks. Nandito na ako sa condo niya. She's here." I looked at Zoe while talking on the phone. "Okay. Take care of her." Hindi ko na pinahaba pa ang usapan at binaba na ang tawag para mabalikan ko si Zoe. "He offered a partnership with our company. Remember when I had to leave our meeting with Yno? Siya pala ang ka-meeting ko nung araw na 'yon, and I didn't know. I didn't handle it very well, and I almost lost a client." Umiling siya at inabot muli ang bote ng alak. Nakinig lang ako sa kanya at hindi nagsalita. Right now, I still have no words dahil hindi ko pa naman alam ang buong nangyari. I immediately felt guilty. I was too preoccupied with what was happening in my life that I forgot to ask her about her life. "Or maybe, I did it on purpose. Maybe I didn't deliver it well enough to sabotage it. Ayokong pumayag. I don't want to see him! I don't need him! Kaya nagulat ako nung nag proceed siya." Natawa siya nang bahagya. Pinapanood ko lang siya habang sinusubukan ubusin at sirain ang sarili niya sa alak na nasa tabi niya. "Daddy ordered me to work there for a month to understand how people work there. Sabi ni Daddy, arising company pa lang ang mga Montecarlo kaya kailangan pagtuunan ng pansin." Tumango ako. I never heard about the Montecarlo before. Kung malaking company na sila ay dapat may kahit papaanong background ako sa kanila. "I knew it wouldn't be easy. You know what I did to him kaya hindi na rin nakakapagtaka na... gumaganti siya." I pursed my lips when she said that. Alexander Jacob Montecarlo, was one of Zoe's victims way back in High School. Zoe is not the best person ever. She's carefree and mean. The best description of a bad b***h. "He refused to acknowledge that we both know each other. Tinanong siya ni Daddy kung nagkaroon kami ng encounter before, pero sinabi niya na hindi niya ako kilala!" Umupo ako nang maayos dahil sa sinabi niya na 'yon. "Maybe he just doesn't want to remember what happened between the two of you. You made his High School life a living hell, Zoe. You made fun of his lifestyle because he's a scholar. Do you expect him to be proud of knowing you?" Umiling siya at mas lalong natawa. "We talked about what happened in the past last week. Nagalit siya, nagalit din ako. We both were at the peak of our emotions, and I knew from that moment that I wouldn't be able to concentrate at work kung ganon siya. Kaya I left." Muli akong natahimik. Kaya pala ilang araw na siyang hindi napasok. "Nagpadala siya ng letter of absence without leave, hindi ko pinansin. Wala akong pakialam. I tried to ignore him, tried to live my life to the fullest, until yesterday, we met at the bar." Tumango ako. Iyon ang sinasabi kanina ni Yno sa akin. "Nagalit siya sa akin dahil hindi ako pumapasok. How dare him? Does he think he can order me around?" Umiling siya at muling uminom ng alak. Sandali siyang natahimik kaya akala ko tapos na ang kwento. "So, why are you drinking your ass off here?" Tanong ko. "Because it's a way to forget that I ended up in his bed last night."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD