Chapter 12

1909 Words
It was a moment of silence. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin, o kung meron bang tamang salita para sa sitwasyon niya ngayon. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong matawa o magalit o magbigay ng kahit isang emosyon tungkol sa kwento na 'yon. "He told me he was in love with me." Hindi ko akalain na may mas igugulat pa pala ako kaysa kanina. Akala ko iyon na ang peak non. "It was too impossible, Erisse. Paano mong mamahalin ang taong sobra-sobra mong kinamumuhian? If I made his High School life a living hell, hindi ba masyado naman siyang masokisto kung mamahalin niya pa rin ako kahit na ganon?" I gulped with her question. Possible nga ba 'yon? "Kaya sigurado ako na ginagawa niya lang 'to para gumanti. He wanted me to believe that he loved me para makaganti siya. And for hell's sake, hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matanggal sa isip ko kahit na anong gawin ko." I looked away. Hindi ko pa nasasabi kay Zoe ang naging desisyon ko. Ayokong makadagdag sa dinadala niya. Sigurado ako na hindi iyon ang unang bagay na gugustuhin niyang marinig mula sa akin. "It is possible to feel something else towards the person you hate, Zo." Nilingon niya ako kaya tinignan ko rin siya. I smiled at her. "Of course, it's possible. Bakit pa ako nagtatanong eh ikaw nga nakipag s*x kay Yno Alaster." Natatawa niyang sambit. I smiled bitterly and took her bottle and drank it as well. "It was different, though. Hindi ko naman alam na siya pala ang anak ni Ino Alaster." Ngumiwi si Zoe sa akin. "Nakakalito naman ang pangalan ng mag amang 'yan. Pareho ng tunog pero magkaibang spelling." Natawa ako sa sinabi niya. "They call him Lowis. Ayoko naman siyang tawagin nang ganon dahil wala naman akong pakialam," I lied. "You still had s*x with him during your Uncle's party." Ngumiwi rin ako sa sinabi niya at nilaklak 'yung alak nang mas matagal. Pigil na pigil akong sabihin sa kanya ang lahat. Hindi pa ito ang oras dahil kailangan ko munang mag focus sa problema niya. Mabuti na lang at hindi na rin naman siya nagsalita pa. We both just drank the bottle of whiskey and waited until the alcohol ruin our minds. Nauna akong magising sa kanya dahil mas marami siyang nainom sa aming dalawa. I cooked breakfast for her and prepared everything she needed. Mabuti na lang at weekend naman na kaya kahit na mamaya pa siya magising ay wala namang pasok. "Akala ko namamalikmata ako!" Nilingon ko siya nang matapos ako magluto ng breakfast. I smiled at her and gave her the food. "Kain na." Umupo siya at agad na ininom 'yung kape na hinanda ko para sa kanya rin. "Damn, my head is killing me!" Natawa ako dahil kahit ako ay masakit ang ulo, pero kaya ko naman. Hindi naman ito ang unang beses na nagkaroon ako ng hangover. Matapos namin kumain ay pumasok na siya ng kwarto para makaligo na. Ako naman ay nag ayos ng pinagkainan naming dalawa at nang matapos ako ay pumunta ako sa sala para manood ng TV. I was looking for something to watch until the news caught my attention. It was a picture of Cecille and Yno together, spotted in a restaurant in BGC. "Sama ng tingin mo, girl!" Napabalik ako sa reyalidad nang biglang magsalita sa gilid ko si Zoe. "Nagulat lang ako." Hindi ko nilipat ang channel. May mga sinabi ang reporter at iba pang pictures na sweet ang isa't isa. There were pictures of them caught smiling and laughing at each other. Si Cecille naman ay nakahawak sa braso ni Yno. Naalala ko tuloy ang tawag niya kagabi. Kaya ba kailangan niya ako kagabi dahil nasa kontrata namin na hindi kami pwedeng maghanap ng iba? Baka na-turn on siya kay Cecille at kailangan niyang ilabas sa akin? Hindi ko alam kung bakit ako naiirita. Mabilis ang t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay anytime, sasabog ito. "You know, they were also together when I saw Alex last night. Magkasama sila sa bar." Nilingon ko si Zoe dahil sa sinabi niyang iyon. "Oh," my only reaction. I wanted to curse so badly. I wanted to shout. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako. "Tumatawag si Eros." Inabot sa akin ni Zoe ang phone na naiwan ko sa kitchen. Kinuha ko naman 'yon at sinagot ang tawag. "What do you want?" Iritado kong tanong kaagad. "Daddy's looking for you. Hindi ka umuwi kahapon." Mas lalo akong nairita dahil iyon ang rason kung bakit siya tumawag. "That was it? Hindi mo man lang itatanong sa akin kung nakita ko na ba ang news tungkol sa ex-girlfriend mo na kasama si Yno Lowis Alaster?" Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. "I saw the news, Erisse. Huwag kang magpapapaniwala kaagad sa mga pictures." Mas lalo tuloy akong nairita sa katangahan niya. "I saw the pictures, Eros! Hindi 'yon edited! It was them! And also, I found out na magkasama rin sila sa bar kahapon. Akala ko ba ayaw ng babaeng 'yan na matuloy ang kasal? Bakit bigla namang nakikita na sila sa public?" I could feel my heart beating so fast that I couldn't handle my words anymore. "It was all part of their plan, Erisse. I trust Cecille, and this was her plan. Sumusunod lang si Yno sa kanya para mapagbigyan." Halos matawa ako sa sinabi ni Eros. "Sobrang tanga mo talaga pagdating kay Cecille, 'no? Lahat papaniwalaan mo?" Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit. Siguro dahil alam kong hindi lang ito basta parte ng plano. Kung balak nilang matigil ang kasal, bakit sila mag c-cause ng commotion? Kung malalaman ng public na nag d-date sila tapos biglang mag a-announce na hindi matutuloy ang kasal, isang malaking issue 'yon! "Just trust Cecille, Erisse. Umuwi ka na at kanina ka pa hinahanap ni Daddy." Pinatay ko ang tawag sa iritasyon dahil ang tanga niya kausap. Maliliit na mura ang ginawa ko habang nag s-scroll sa social media kung saan mabilis na kumalat ang mga pictures nilang dalawa. Ngayon ko lang din nakita ang mga pictures nilang dalawa nang magkasama sa bar kagabi. "This is insane. This is s**t!" Hindi mapigilan kong sabi habang nirereport ang bawat post na nakikita ko. "This isn't about the wedding anymore, is it?" Napatingin ako kay Zoe dahil sa bigla niyang pagtatanong. Kumunot ang noo ko at tinitigan siya habang naglalakad papalapit sa akin. "This isn't about the wedding anymore, Zoe! May dahilan kung bakit biglang nagbalak si Cecille na makita sila sa public. This isn't about stopping it. I'm sure! There's more to this plan than what it seems to be! I am so f*****g mad at Cecille right now! How dare she betray the family like this?!" Umigting ang panga ko. "Or how dare she date Yno Lowis Alaster?" Muli akong napatingin kay Zoe at halos matawa sa sinabi niya. "What?" Natatawa kong tanong. Her jaw clenched and looked at me intently. "You know that Cecille betrayed your family already when she had a relationship with your Brother, pero bakit parang mas galit ka pa yata ngayon kaysa noong nalaman mo ang tungkol sa kanilang dalawa ni Eros?" Napatahimik ako sa paratang niya sa akin. "That's not true," mahinang bulong ko at medyo naiirita na lalo. "What's happening, Erisse?" Umiling ako. Wala pa akong balak na sabihin sa kanya ang nangyayari dahil kakasabi niya pa lang sa akin ng sitwasyon niya kay Alex. "Nothing is happening, Zoe! You're overreacting! Pinapauwi na ako ni Daddy dahil hindi ako umuwi kagabi. You should go to work on Monday. Nag aalala na sa 'yo ang Daddy mo!" Iniwan ko siya matapos non dahil hindi ko kayang tiisin ang mga paratang niya tungkol sa aming dalawa ni Yno. I explained to Dad the reason why I had to stay the night at Zoe's. Naintindihan naman niya 'yon. Kinagabihan ay nagpaalam ako na aalis ako ulit. Wala namang sinabi pa si Daddy kaya dumiretso na ako sa malayong bar kung saan kami unang nagkita ni Yno. I just needed a break from everyone, but to my surprise, Yno was there as well. "Why are you alone?" Tanong niya. Hindi ko siya pinansin. My goal here is to enjoy at hindi siya kasama sa plano ko ngayon. I tried dancing with other men. Mostly sa mga ito ay mukhang foreigner kaya siguradong hindi ako kilala ng mga 'to. Isang lalaki ang humila sa akin at pilit na dinidikit ako sa kanyang katawan kaya pinagbigyan ko siya. But when he tried to pull me in for a kiss, Yno suddenly appeared. "What are you doing?" Tanong niya nang mahila niya ako sa isang private room. The same private room I booked when we first met. "Dancing," simpleng sagot ko. Tumango siya bago uminom ng alak na nasa harapan niya. "I texted you earlier, but you didn't reply." Hindi ako sumagot. Nabasa ko ang message na 'yon pero masyado akong busy sa galit ko kaya hindi ko 'yon sinagot. "Oh, bakit? Hindi ba available si Cecille kaya tinetext mo ako?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. "What are you talking about?" I gritted my teeth with his question. "Kaya ka ba tumawag sa akin kahapon? Cecille was not available? O baka hindi pumayag si Cecille na may mangyari sa inyo kaya kinailangan mo ako?" The bitterness is very evident in my voice. Tumayo siya at lumapit sa akin. Umatras ako para hindi niya malapitan nang sobra, pero dumating na ang punto na wala na akong maatrasan. "I am asking you, what are you talking about?" Tinaasan ko siya ng kilay. "I thought you'd do everything to stop the wedding in exchange for my body. Pumayag ako sa gusto mo, tapos malalaman kong magkasama kayo sa bar kagabi?" His jaw clenched. "Hindi kami magkasama. Nandoon ako sa bar kasama si Alex because he was so devastated about your friend. Nagkataon na nandoon din siya at lumapit sa akin." Umirap ako sa sagot niya. "Ah, kaya pala before that, nakita rin kayo magka-date sa BGC?" I scoffed. Aalis na sana ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko at pinabalik sa kung saan ako nakatayo, but this time, he put his hands beside me to lock me. "It was her idea. I didn't agree, but she said it was part of her plans. I had no choice when I disagreed because she told Dad about her request." I crossed my arms and looked away. "Why are you even explaining? Ayos lang! Wala akong pakialam. You know what? We should disregard the part of the contract where it says we can't f**k other people. We should be open about it. Dapat okay lang." Bumalik ang tingin ko sa kanya at kitang kita ko ang kagandahan ng kilay niya dahil sa pag kunot nito. "No," simpleng sagot niya. "And I don't believe you don't have a choice. Ang sabihin mo, ginusto mo rin na lumabas kasama niya. You guys should start dating, then. Mas okay 'yon. Mag date na lang kayo at magpakasal kung talagang gusto niyo ang isa't isa! Wala naman kayong mapapala sa kompanya namin. Isa pa, matatapos na rin ang problema ko sa kanilang dalawa ni Eros." Iniwan ko na siya doon. Wala akong oras para makipag sagutan sa kanya. Nandito ako para mag enjoy at hindi para makipag interact sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD